Chapter 23

425 12 5
                                    

Hi Faaaaye. Eto na, etoooo na. Enjoy sa chapter na ituuu. This is for you. Salamat sa pagsuport ng bonggang bongga. <3

--x

SAKI:

“Ateeee. Ateeee. Sama ako sa school moooo.”  Sigaw ni Aliyah habang paulit ulit akong inaalog mula sa mahimbing na pagkakatulog ko. Grabe talaga ‘tong batang ‘to. Araw-araw malakas ang enerhiya sa katawan. Hiyang hiya yung akin eh.

“Uyyy. Ateee naman. Gumising kana. Papasok na tayo sa school mo.”  Panggigising niya pa ulit sakin pero inakbayan ko lang siya at kinumutan. Antok pa kaya ako. Bwahahaha.

“Ate. Wag mo nga akong takluban. Katabi mo kamo yung kaluluwa. Tulog rin.”  Dahan dahang sabi niya. May katabi pala akong kaluluwa, eh di masa- “Whaaaaaaaaaaaa.”  Sigaw ko at nadali yung ulo ko sa headboard.  “Uwaaa. Aliyah, paalisin mo. Paalisin mooooo.”  Sabi ko pero tinawanan niya lang ako.

“Joke lang ate. Wahahaha. Tara  na kasi, pasok na tayo sa school mo.” Sabi niya ulit at hinila na ako pababa. Kung di ko lang kapatid ‘to baka nasapak ko na ‘to sa simula palang. Grrrr.

Nung nakapag-ayos na ako at ready na akong pumasok sa school si Aliyah nagtatalon na. Luuuh. Feeling na naman ng kapatid ko. Wahahahaha. College student siya? Hahaha.

“Ate tara na.” sabay hila niya sakin, papalabas  sana ng bahay pero pinigilan ko siya.

“Oo papasok na ako, at ikaw pumasok ka na rin sa school mo.”  Sabi ko tapos sumimangot siya.

“Mamaaaaa. Si Ate ayaw ako isama.” Sigaw niya pero tinawanan lang naming siya ni mama. “Fine. Di ako sasama, pero pakisabi kay Prince na hintayin niya akong lumaki. At ikaw ate, wag na wag kang magbalak na magkagusto sakanya kundi  uwaaaa. Hahakutin ko lahat ng kaluluwa papunta dito sa bahay. Hihihi. Ingat.” Sabi niya na hindi ko alam kung matatawa o matatakot ba ako. Uwaaaa.

--x

Ang aga naman kasi nila akong pinapasok. Ayan tuloy. Kakaunti palang kaming tao dito kaya isinalampak ko muna ‘yung mukha ko sa lamesa.

“Goodmorning.” Sabay hampas niya pa sa lamesa ko. Tapos umupo sa harapan ko.

“Aga mong mambwisit.”  Sabi ko sabay tungo, at hindi inintindi si Chasten. Wala eh, kapag nagluto nalang ulit siya hindi ko siya aawayin.

“Naaaaks. Chasten, aga manligaw ha. Dapat diyan hinaharana.”   Hirit ng isa kong classmate. Napangisi ako habang nakatungo. Baka isipin naman nila killjoy ako umagang umaga kaya sasakyan ko nalang ang trip nila.

Tumingin ako kay Chasten na takang taka. Saka ako nagsalita.

“Oo nga naman. Nanliligaw pero hindi nanghaharana? What the.”  Nakangising sabi ko. Nag-iritan ang mga kaklase kong nasa loob. Limang babae at siya ang kaisa isang lalaki dito pero pakiramdam ko nasa Araneta ako at may isang sikat na nagkoconcert sa sobrang lakas ng iritan. Hahahaha.

Pinipigilan kong hindi matawa kasi naniningkit na yung mata niya sakin. Wahahaha. Hindi naman kami yung mga aso’t pusang estudyante. Trip lang siguro naming ang asarin ang isa hangga’t sa may mapikon na. Pero hindi kami magkaaway. Siguro ako lang naman nag-iisip na magkaaway kami. Ngayon ko lang narealize na dapat sinasakyan ko lang ‘yun mga ganitong biro. Tamaaa.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon