Chapter 33

289 8 0
                                    

Saki's point of view:

Okay Wednesday ngayon! Wash day naming mga Business Administration students dito sa Wicked Crest Academy. Hooooraaaay for tooodaaay!

Dapat talaga, wala kaming pasok, kaso start na ng Community Service namin! Maglilingkod kami. Ang awesome! Hahahaha. Joke. Nakakapagod kaya yun. Imagine maglilinis kami ng buong community? Grabe! As in. Grabe talaga. 

"Tokong, pants, o shorts?!" tanong ko sa sarili ko. Namimili kasi ako ng pupwedeng suotin. Yung kahit magpawis ako e ayos lang. 

"Tokong nalang siguro." sabi ko pa atsaka kumuha ng puting damit, na binili ko pa sa SM nung nakaraang buwan. Nalabahan na, pero ngayon ko lang susuotin. Bigtime diba? Hahaha. Ang hirap kayang hanapin ng damit na 'to, dahil foreign ang tatak. Kaya naman nung makakita ako nito sa SM na minsan ko lang naman  puntahan eh binili ko na agad kahit wala sa plano ko.

Mukha akong malinis. White shirt na may tatak na SWS. Syempre, kahit di ako marunong kumanta, hindi naman siguro masamang maging favorite band ko ang Sleeping With Sirens! Rak kaya. Hahaha! Nagblack na tokong at black na sneakers din ako, saka nagpony ng buhok! Kumuha na rin ako ng panyo, actually scarf siya at sinuot na ang maliit kong backpack.

Sa pagkakaalam ko kasi, medyo pabundok 'yung pupuntahan namin, tapos mabukid. Presko naman siguro doon, pero syempre dahil hindi naman kami tatambay lang don, eh hindi maiiwasang hindi magpawis.

Okay! Ready na ako! 

Ready na akong magpapawis!

----x

"Waaah! Ang cute niyong dalawa. Planado ba 'to!? Grabe ang cute!" puri ng isa kong kaklase, habang parang kinikilig kilig pa.

"Picture naman jan o. Ang cute talaga ng president at vice natin! Bagay na bagay!" sabi pa nung isa.

At eto, kaming dalawa nga po ni Chasten ang pinag-uusapan nila! Gusto kong pumasok sa refrigerator dahil para akong isang yelong natunaw at gustong maging yelo ulit. Bakit? 

Pinapalibutan kami ng mga kaklase ko, dahil mukha kaming magboyfriend ni Chasten. 

Coincidence lang naman siguro 'to. 

Parehas kami ng shirt na suot! Maka-sleeping with sirens din pala siya? O trip niya lang bilihin? Parehas kaming black na tokong! Parehas kaming black na sneakers! Parehas kami ng scarf, at parehas kami ng kulay at size ng backpack! Hindi ba't coincidence ito?! O, des.. destiny?! Shocks. Anong kalokohan yan Saki ha?

"Meant to be. Wahahaha." bulong ni Kyo habang naglalakad na kami papunta sa lilinisan namin.

"Shut up nga!" sabi ko, matapos ko siyang itulak.

"Grabe ang pikon. Hahaha!" hirit pa niya.

Sana man lang maging sensitive si Kyo, kasi magkakasama kaming lima. Ako, si Kyo, Aris, Chio at Chasten. O diba? Saan ang respeto Kyo? Hindi ko mahanap.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon