Chapter 14

549 19 10
                                    

[Picture po ni Sky. ]

Tuesday.

"Guys, discuss ko sainyo 'yong tungkol sa magaganap na General Assembly." sabi ko habang nakatayo sa unahan.

Binuksan ko 'yong folder na binigay ni Chasten.

Napatingin tuloy ako sa pwesto niya, at dun ko lang nalaman na hindi pa rin pala siya pumapasok. Nyare dun?

"Saki, akala ko ba magdidiscuss ka? Bakit tulala ka lang jan? Sayang yung oras eh." napaatras naman ako ng konti sa lakas ng boses ni Shiela.

Oo nga pala, kasi natulala ata ako ng konti.

"Onga pala, sorry Shiela. So eto na.."

Binuklat ko yung unang page.

Note:

Hi Saki! :)

Tss. Yung lalaking 'yon talaga.

"Guys, yearly may nagaganap na General Assembly each course, and nagaganap yon for one day free, pero noon 'yon. " sabi ko at dumiretso sa pagbasa nung notes..

"So ngayong year, hindi dito gaganapin sa academy 'yong GA natin, and magiging 4 days free tayong BA students, at yung location para sa GA natin ay sa.."

What the? Nanlaki mata ko sa nabasa ko ha.

"Saan president? Mygosh, so excited! First time pa naman natin maeenjoy yang General Assembly na yan. Spill it out."  sabi ng isa ko pang kaklase na si Aldianne, mukhang excited talaga siya. 

"Sa Baguio po at sa Friday morning na yun!" napahawak ako sa bibig ko and nagsigawan lahat ng kaklase ko. Wala kasi kami time pumunta dati sa Baguio. Bongga pa, kasi sagot ng fund ng school lahat. Grabe lang! Naexcite ako agad!

--x

Wednesday

"Shems! Ano, kita kits sa SM mamaya ha? Hahaha." sabi ni Aris bago kami mag hiwahiwalay.

Uwian na namin ngayon. At mag mall kami mamaya kasi bibili kami ng pagkain for trip to Baguio. General Assembly, excited na talaga kami! Hahaha.

--x

Mall. 2PM

Nagsimula kami sa 3rd floor. Yes, balak naming maglibot. Ganun kami ka excited, talagang trip to SM muna, luh? Hahaha.

"Yan. Akala ko ba pagkain, eh bakit nandito tayo sa damitan?" saway ni Kyo, habang nakakunot noo.

"Titingin lang naman patot. Haha. Pogi ka naman, hep. Wag kang mamula." sabi ko sakanya sabay tawa.

"Onga, tsaka ang mahal naman nito. Pero mukhang wala akong choice. Kailangan magstand out ako kapag nandun na tayo sa Baguio! Yis nemen!" pahayag ni Aris habang busy sa pagpili ng damit.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon