Chapter 28

361 11 4
                                    

Saki’s point of view:

"Napakaduga mo kamo!" inis na sabi ko.

"Wulaaa babs, talo ka lang talaga." sikil pa ni Kyo sakin.

"Frand ang weak weak mo. Hahaha. Kaya mas bet ko si Chasten e." dagdag pa ni Aris.

Harap harapan daw bang sabihing bet niya si Chasten? Tsk. Ako kaya, magawa kong umamin? Bakit parang pakiramdam ko ang dami ko pang dapat kausapin bago ko maamin na gusto ko siya? Kailangan ba talaga yun ha?

"Ang hirap naman nitooo!" sigaw ko at bigla akong napatakip sa bibig ko. Intrimitida e, kusang nagsasalita. Hays!

"Nabaliw na." sabi ni Chasten at lalong nagtawanan ang mga nasa paligid ko.

Wala nga si Chio eh. Absent siya, may lagnat daw. Sana gumaling na agad siya, ang hirap pa naman kapag nakamiss ng mga lessons.

At speaking of lessons, tapos na 15 minutes break namin sa three hours na klase.

At ayon, talo nga ako sa nilalaro namin na chain reaction. Si Chasten kasi, parang sa lahat e magaling. Hiyang hiya naman ako e! Wahahaha. Babawian ko rin yan, sinuswerte lang siya ngayon. Hahahaha.

Pagpapamilya nga pala ang topic namin ngayon.

"Ikaw, Chasten. Kung magkakaasawa ka, sinong gusto mo?" tanong ng professor namin kaya natawa kami.

Asawa agad? Hahaha.

"Si Saki po." sagot niya at tinapik ang balikat ko.

Sus ako pala eh.

What?

Asawa? Ako!?

Nakita ko nalang na nakangiti lahat ng mga classmate ko at patuloy sila sa pag ayiie.

Natahimik ako. At pakiramdam ko namumula ako. Grabe siya.

"Sige na Saki, sumakay kana. Gusto naman talaga kita maging asawa." dagdag niya pa at lalong naghiyawan mga kaklase ko.

Lalo akong namula. Napansin ata yun ng professor ko, na parang kinikilig din sa kalokohan niya.

"Miss President, halimbawa lang naman." natatawang sabi ng professor ko.

Napatango nalang ako kaso nagsalita na naman 'tong si Chasten.

"Sir ayoko ng halimbawa, gusto ko totoo." seryosong sabi niya kaya napatakip nalang ako ng mukha habang patuloy ang kantyawan ng mga kaklase ko.

--x

"Arggh!" sabi ko habang patuloy na pinupukpok ng libro sa ulo si Chasten. Lokong  'to. Tawang tawa pa!

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon