Chapter 36

260 8 2
                                    

Chio’s point of view:

Nandito ako ngayon sa Baguio. Haay. Namiss ko ‘to. Sobra. Nakakasuffocate po kasi sa school ko. Masyadong masakit sa lalamunan at puso ang mga kaganapan. At sa totoo lang, tulad dati.. para namang wala akong mapapala, kahit na sinundan ko si baby girl sa school niya.

Syempre, may iba naman siyang gusto. At ang nakakalungkot dun, hindi nga si Race, pero sa ibang tao. Si Saki, gusto niya si Saki. Binubunyag na naman eh. Proud siya na gusto niya si Saki. Syempre, si Saki yan eh.

Minsan ang hirap din nun no? Yung gusto mo, hindi mo pwedeng makuha, kasi may iba siyang gusto. Sana kasi, gusto ko siya, tapos gusto niya ako. Kaso hindi.

Haaaay. Sana, maging maganda ‘tong sembreak na ‘to sakin. Wala akong gagawin kundi pumalo ng pumalo. Hindi natuloy yung pinapractice namin nila Sky at Chasten kasi, inurong yung event. Gagawin na ‘yun sa foundation week, at hindi makakapaggitara si Chas, kasi candidate din siya. Tapos si Aris pa ang partner niyaaa. Uwaaa. Bakit hindi nila ako binoto? Bawal ba ang cute? Dapat ba maganda? Sige. Tanggap ko na. Binoto naman nila ako bilang muse sa sports competition. At for sure, magpeperform kami sa event na 'yon. 

Biglang tumunog yung phone ko. Yaaay. Tumatawag si Chasten?

“Hoy bata. Nakauwi ka na?”

“Uhmm, opo. Hahaha. Miss mo ko baby girl?” tanong ko.

“Hindi.”  Sagot niya.

“Ang honest mo talaga.” Sagot ko. Medyo disappointed, kasi umasa ako kahit konti. Kahit na sumakay lang siya sa joke ko. Haaaay. Pero hindi yun joke. Gusto ko mamiss niya talaga ako.

“Hindi nga kita miss. Mamimiss palang. Kaya ingat ka ha. Pasalubong daw namin ni Sky. Byebye.” Sabi niya at pinutol na ang kabilang linya.

Nilagay ko malapit sa dibdib kong maliit ang phone ko. Pilit ninanamnam ang sinabi ni baby girl sakin. Mamimiss niya raw ako. Alam kong hindi naman siya paasa. Pero kasi, ang hirap hindi umasa sa mga ganitong bagay. Alam kong wala akong makukuhang love galing sakanya na mas higit pa sa kaibigan. Pero hindi naman siguro maling mahalin ko siya kahit palihim. Nasimulan ko na rin naman eh. Okay lang naman ‘yun diba?

Napatingin ako sa bintana. Pilit inalala kung paano kami nagkakilala ni Chasten at ng barkada niya. At kung paano ako nahulog sakanya.

Flashback:

“Waaaah. Ang lamiiiig.”  Sigaw ko, habang nakabaluktot na dito.  Balot na balot ako ng kumot. Lamig lamig na nga sa Baguio, tapos may bagyo pa? Uwaaa. Shusmee naman.

“Tao po. Tao po.”  Sigaw nung tao sa labas, at kumakatok sa pintuan namin.

Pinilit kong bumaba, habang balot na balot pa rin ng kumot.

Pagbukas ko ng pinto, dalawang lalaki ang sumalubong sakin. Pareho silang basang basa. Syempre umuulan nga diba? Hay nako Chio talaga.

Ang unang pumasok sa isip ko.

Parehong gwapo. Hindi masasamang tao. Wahahaha. Okay, ganun ang batayan.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon