Chapter 53: Christmas Party!

160 7 4
                                    

Safia Kinn Rodriguez:

"Naks! Girl na girl!" Salubong ni Aris sakin. Nagkasabay kasi kami sa pagpasok ng school. Wahahaha!

"Utot ka kamo. Pati ba naman 'yun pinansin?! Hahahaha! Si Kyo pala? Ganda natin ah." Sabi ko pa.

Nagpaflip flip pa siya ng buhok. Saka ngumiti sakin.

"Hmmm. Inspired ako ih. Wahahaha. Naliligo pa ata si Kyo, so tara na frand." Sabi niya at sabay na nga kaming naglakad papuntang sosyal hall.

Pinagdala kami ng tatlong damit since mahahati sa tatlong event ang party na 'to. Umaga hanggang hapon ang games, pati na rin ang mga intermission numbers at syempre ang pagkain. Then pagdating ng 7pm, start na prom kuno at party! So iba na namang damit ang suot namin. May kainan rin. At syempre ang magaganap sa madaling araw, mini concert ng bawat bandang meron sa school namin. Pwedeng kahit hindi ka member pero gusto mong kumanta, walang problema. At may mga snacks pa rin kasi midnight party 'yon.

Nandito na kami sa social hall at ang daming tao. Ang luwag pa rin. Sabi sainyo malaki talaga ang school namin. Plus ang ganda pa ng pagkakaayos ng place.

"Frand, ang gwapo nung mga committee oh." Sabi ni Aris habang naglalakad kami papunta sa mga kaklase namin.

"Mas gwapo pa rin si Kyo. Sumbong kita dun!" Sabi ko naman sakanya.

Nagcross arms siya.

"Grabe ka naman frand. Gwapo lang naman. Iba syempre yung gusto sa gwapo. Tara na nga dun, kung ano ano na nasasabi ko eh." Sabi niya at hinila ako sa mga kaklase namin.

Unang hinanap ng mata ko si Chasten pero wala siya rito. Baka kasama nila Sky. Iniisip ko pa rin 'yung narinig kong usapan nila noong mga nakaraang araw.

"Aaaay. Ang gaganda niyo! Sasali tayo sa mga games ah! Pera kasi ang premyo eh. Ano kayo! Wahahahaha." Sabi ni Chio pagdating na pagdating niya rin sa pwesto namin.

Natawa kami.

Naka-line up na lahat ng committee. Mga higher section sila. At tulad nga ng sinabi ni Aris ang gagwapo at ang gaganda nila. Tourism students. Well, bagay sakanila. Wahahaha. Pero gwapo pa rin si Chasten ko. Hala, kinanya? Tss. Eh ayaw nga nun magpakita sakin.

Nagkaroon ng prayer at konting introduction. 9AM na ngayon at magstart na raw.

"Okay, since alam kong miss niyo na ang childhood days niyo, puro pambata ang ang games natin pero pang teens ang prizes!" Sabi nung nasa unahan atsaka nagsigawan lahat ng tao. Waaaaah.

"Okay, kailangan ko ng 3 girls each group!" Sabi nung  committee at gulat nalang ako nung nandun na ako sa unahan kasama sina Aris at Chio.

"Galingan natin nako! 3k ang premyo." Sabi ni Chio kaya nagkaroon kami ng fighting spirit.

1st game: Sack Race

"Ready set go!" Pagtapos nung patuloy kami sa pagtalon.

"Ooooooh!" Sigaw ko. Nagdapa kaming tatlo. Waaaah.

"Kaya natin 'to dali!" Sabi ni Chio at ang bilis naming tumayo.

"Waaaah!" Sigaw naman ni Aris dahil siya naman ang nadapa. Natatawa ako hahahahahaha. Napapatingin sa ibang grupo dahil nagdadapaan din ang iba pang contestants. Wahahahaha.

"Tawa ka pa jan frand, bilis! Maaabutan pa tayo niyan eh! Tuloooong." Sabi niya habang nakadapa kaya naman tinulungan namin siya ni Chio na tawang tawa rin kanina. Wahahahaha.

Mas binilisan at mas nilagyan namin ng lakas ang pagtalon kaya sa huli.. natalo kami!

At dahil 'yon sakin!

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon