Chapter 51: Effort! He's here. Tugdug!

156 7 1
                                    

Saki's point of view:

"Ate, ate." kinukulbit ako kanina pa ni Aliyah. Nakadapa ako ngayon sa kama, sa wakas napagawa ko na 'yung laptop. Umaasenso.

"Oh?" tanong ko, habang pilit inaaral 'tong ingredients. Grabe, inaraw-araw ko na ang pagseseryoso sa pagluluto. See? Ganito katindi ang tama ko kay Chasten. Hanep na 'yun, siya naman ang unang nagkagusto, pero ako itong fall na fall!

"Ano kasi, alam mo ba 'yung pangalan nung masungit na lalaki na nangkiss sakin?" mahinahong tanong niya.

"Tss. Ewan ko. Mag move on ka na dun, trip trip bata lang 'yon, sige na nagpofocus ako dito o." sagot ko at tinaboy taboy ang kapatid ko na bigla biglang pumasok sa kwarto ko para tanungin ako kung anong pangalan ng nangkiss sa kanya. Aba malay ko naman sa gwapong batang iyon! Masungit nga lang. Ah nako, back to my plan.

Pagluluto! Darn!

Phone rings.

(Oh,Krimen bakit?)

(Tara, supermarket. Tuturuan na kitang magluto. 1PM, sunduin kita.)

Muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa sobrang tuwa. Alam mo 'yun, pinipilit ko kasi siyang tulungan ako, at eto na oh!

(Saff, still there?)

(Haaa! Yup! Salamat, liligo na akoo! Hintayin kita, ayiiie! Sholomoooot.)

(Tss. Bata, sige bye.)

Tapos inend niya na 'yung call. Nakooo, naexcite ako, kaya eto at maliligo na ako!

-----

"Grabe ang tagal! Kanina pa kaya ako dito?!" Sabi ko nung after ilang years, nandito na 'tong Krimen na 'to.

"Sorry ha, traffic eh. Nakakahiya naman. Tss. Tara na, lakas magdemand." Sabi niya tapos tinulak ako papuntang super market.

Wahahahaha, pikon much.

"Nilista ko na 'yung mga kailangan mo. Eto, ikaw bumili, susundan lang kita." Ani niya, inabot sakin ang papel at pinagtulak ako ng cart habang busy siya sa pagkalikot ng phone niya. O well, gusto ko naman 'to yung ako lahat mag eeffort.

"Ano, Crime. Bili na rin tayo ng iba pang pwedeng gamitin sa Noche Buena. Malapit na magchristmas eh. Punta ka sa bahay." Sabi ko, habang patuloy sa pagtulak at paghahanap ng ingredients.

"O, sige sige." Sabi niya at papikit pikit pang nakinig ulit ng music.

Inggit much.

"Crime.." sabi ko in my own cutest way, at boom panes. Medyo cute nga ata ako kasi nilagay niya sa isang tenga ko 'yung music.

"Thanks." I murmur.

Ngumisi lang siya. Ih, ang pogi. Hahahaha. Landi ko ano? Joke lang 'yun. Pero pogi talaga si Crime eh, wala tayong magagawa.

"Tss, ang tagal mo naman. Namamanhid na binti ko kalalakad." Reklamo nitong kassma ko. Kanina pa talaga kami. Pabalik balik kasi ako. Ang tungerns lang.

"Sorry naman kasi. Ililibre nalang kita ng pagkain." Pag aassure ko sakanya.

"Ililibre, baka nga ako pa magpakain sa'yo mamaya." Sabi niya pa.

Luuuh. Naghahamon. Bahala siya, tatapusin ko nalang itong mga bibilhin ko.

Naggalagala pa kami para sa mga nasa huling listahan nung makakita kami ng free taste stand.

"Wag mo sabihing papatulan mo 'yang free-taste na 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Crime.

Tinignan ko siya ng masama.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon