Chapter 4: First day of school!

655 26 9
                                    

Safia Kinn Rodriguez:

I went to school as early as I could. Iniisip ko kasi na kung mas maaga ako doon, syempre mas maaga ako makakauwi. Enrollment namin ngayon, and hindi ko alam kung paano ang kalakaran sa academy na pinapasukan ko, of course isa ako sa mga freshmen dito. Hindi ko alam kung hi-tech na ba, o yung makalumang style pa rin na kailangan mong pumila.

And the latter part is still on going. Maaga na ako, pero ang haba pa ng pila. Matter of factly ang daming dapat pilahan.

I was about to get my way para sumunod sa last na nakapila, when suddenly my phone beep.

From Aris:

Girl, i'm on my way na. Is our enrollment by computer na o pila pa? If pila, wait mo ko. Baka maiwan ako sa pila, please. Ayoko namang sabihin nilang sumisiksik ako. Thank you. Muah. :*

Uhhh. So kahit pala ang aga ko, kailangan ko pa ring intayin 'tong si Aris. It kills me. Haaay.

1 hour later dumating din siya, at yung haba ng pila? Limang beses na ng haba kanina. Anong oras pa ako makakauwi nito?

"Sorry girl. Traffic kasi." medyo hinihingal pang sabi ni Aris sakin.

"Drama mo, pumila na tayo." I hurriedly grab her.

Wala, huling huli na kami. And to the point na nakakairita lang kasi hindi umuusad yung pila simula pagtuntong ko dito. Haaay. So may oras ang pagbubukas ng offices and departments. Ang sakit sa bangs, kahit wala ako nun.

"Hoy." nagulat naman kami kay Kyo na biglang sumulpot sa likuran namin. Mukhang okay na siya. Ayoko na rin naman halungkatin 'yong nangyari kagabi. He sincerely said thankyou and sorry for the mess he made last night. Luckily wala kaming kasunod kanina sa pila kaya eto, magkakasama kaming tatlo.

I haven't ate breakfast. I'm starving, actually.

"Shit, sa wakas umusad din." I was about to say that, naunahan lang ako ni Kyo.

Sandamukal na pawis na ang tumutulo sakin, grabe. Ang init talaga sa Pilipinas. Kung pwede lang tayong ikulong sa aircon, why not.

Limang tao nalang 'yong nasa unahan namin at makukuha na namin ang registration form para makakopya na kami ng schedule.

Kaso, may dalawang libag ang sumingit. Eh kung paghahambalusin ko kaya ng sandals na may heels 'tong dalawang 'to? Pinilit kong tingnan silang dalawa, isang babae at isang lalaki.

"Ano Saki, bubugbugin ko na ba?" sinamaan ko ng tingin si Kyo.

"Ano ba yan, kanina pa kami dito tapos may mga sisingit ng ganon ganon lang." pagpaparinig ni Aris.

I'm not into fights, lalo na at maliit na bagay lang. Pero nakakainis lang kasi.

At nung makita ko 'yung itsura nila, wala sa mukha nila yung ugaling ipinakita nila kanina. They both look gorgeous. Ang ganda nung babae, at gwapo 'yong lalaki. At dahil pinoy ako, I can't help but think if these two are together dahil bagay sila.

Hindi ko namalayan kami na pala ang susunod. Medyo nawala ang inis ko dahil finally, finally. Hawak hawak na naming tatlo yung registration form.

Pinapunta kami sa isang hall kung saan dun nakapaskil 'yong schedule bawat course. At syempre isusulat namin 'yon.

Matapos nun, pinaglinis kami ng pathways. Ang dami kasing dry leaves, kami ang naassign. At inabot kami ng anung oras, plus yung pagod sa pinilahan namin matapos lang sa pag eenroll. Kaya pagdating na pagdating ko samin, nakailang sandok ako ng kanin nagpahinga at saka nahilata sa kama.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon