Chapter 5: Catastrophe!

606 22 10
                                    

Safia Kinn Rodriguez:

Nakasambakol pa rin ang mukha ko. Haaay. Si mama kasi.

"Iexplain mo nalang ulit kay Nanay, wag ka ng sumimangot. Pangit na nga eh papangit pa." sabi ni Kyo sakin. Habang si Aris naman, eto at ginagalaw ang buhok ko. Binabalak itirintas. Nginusuan ko nalang siya.

Nagflashback sakin 'yong nangyari kagabi.

Pinalabas ako ni mama para bumili ng gamot, gasa at kung ano-ano pa. At ako namang si gaga, tumakbo agad-agad. Hinihingal pa ako nung bumalik ako sa bahay.

Nung nagamot na siya ni Mama, lumabas na muna ako. Bukod sa hindi na ako makakatulog agad, medyo ay hindi pala medyo asar na asar pala ako. Sa dami naman, bakit ganitong klase pa ng lalaki ang ginusto ni mama.

Pumunta muna ako sa pinakamalapit na park samin tutal hindi naman maaga ang pasok ko.

Umupo ako sa batong upuan, and to my shock may nag-abot sakin ng ice cream.

"Naisip ko kasi, baka gumaan ang mood mo kapag kumain ka." tapos ngumiti siya at umalis na.

Si Chasten.

Malapit lang ba siya dito? Ewan ko pero kahit papaano napangiti ako, pero hindi niya nakita yun.

"Oh, ba't ka naman nangiti diyan?" tanong sakin ni Kyo at Aris.

"Baliw kasi ako. Masaya na kayo? Tara na time na." pagyaya ko sakanila. Pumasok na kami sa room. Bagong prof na makakasalamuha naman.

Umupo na ako sa upuan, at naghiwa-hiwalay kaming tatlo dahil walang tatlong upuang magkakatabi. At ang nakatabi ko po ay si Chasten.

Magtethankyou na sana ako tungkol sa nangyari kagabi, kaso nakita kong nakasahod yung kamay niya sakin. Ano 'to? May hinihingi ba siya?

"Anong kailangan mo?" tanong ko sakanya.

"Yung bayad mo sa ice cream kagabi." nagulat ako. Inisip ko pa namang mabait siya.

"Seriously, sinisingil mo ko?" tanong ko ulit sakanya.

"I'm dead serious." sabi niya, sabay tingin ng seryoso sakin.

"I can't believe you." I said in disappointment. Kukuha na sana ako sa bulsa ko kaso bigla niyang pinasada yung daliri niya sa ilong ko.

"Joke lang. Hahahaha." tapos tumayo siya sa upuan niya at patuloy pa rin sa pagtawa.

The nerve of this guy. Baliw siya. Sobra. Pinapatay ko sa bugbog si Chasten sa utak ko.

Sadyang makapangyarihan 'yong ballpen, automatic kasi akong nagsusulat ng kung ano-ano, obviously, gawain 'to ng ilan, magdoodle. Mukhang hindi na naman dadating 'yong prof, nasakit tiyan ko. Pupunta muna akong cubicle, papasama nalang ako kay Aris.

Umalis na ko dun at pinuntahan 'yong napakadaldal kong kaibigan.

"Aris, samahan mo muna ako. Alam mo na, sumasakit 'yong tiyan ko." sabi ko sakanya, ewan ko nalang kung may nakarinig. Iniisip ko nga ngayon kung ba't ba sumama na naman ang timpla ng tiyan ko.

"Luh, sumasakit na naman? Napaka sakitin naman ng tiyan mo, tsk. Tara na nga." pagsusuplada ng bruha. Wala rin naman siyang choice kundi ang samahan ako, dahil highschool palang, siya na ang taga bantay ko. Nakakahiya kaya kung umutot ako ng umutot dun, tapos may tao pala. Tsh.

Nung makarating kami sa girls cubicle, nagtatakbo na ako papasok. Pinagbantay ko si Aris para walang makapasok. Mahirap na. At pagka upong pagkaupo ko, sunod sunod ng naglabasan yung tunog galing sa pwet ko. Opo, utot ako ng utot.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon