Chapter 10: Video?! Video oh, oh!

614 21 16
                                    

Safia Kinn Rodriguez:

"Ouuuuch."   sabay hawak ko sa ulo kong parang pinupukpok sa sobrang sakit. Wala ako masyadong maalala sa mga nangyari sa party bukod dun sa pinag gagawa ko nung mahina palang yung tama ng alak na iniinom namin.

Flashback:

 

Nakakailang shot na rin kami. Ang saya pala ng ganito, ngayon ko nalang ulit 'to nagawa. Pero mas masaya 'to kasi wala akong problema, yung tipong umiinom ng walang dahilan. Ay hindi, umiinom kasi masaya ka.

 

"Wooooh. Sayaw tayo Aris. Yeaaah."  sabay hila ko sakanya sa gitna ng dance floor at nakisabay kami sa tugtog sa venue.  

 

Dahil mukhang nagsawa na si Aris sakin, hinila niya naman si Sky na may tama na rin. Ang saya, hindi ko maexplain. Si Kyo, nakakainis. Natulog na sa table. Napakahina ng taong 'to, taob agad.

 

Nagtatatalon pa ako nung biglang may humila sakin. 

 

"Woooo. Chasten, sayaw tayo? Hahaha."   sabi ko sabay hila sakanya. Naramdaman ko kasing parang gusto na niya akong awatin, eh nag-eenjoy pa kaya ako. Buti nalang may tissue sa may bulsa ng suot niya,sus kinuha lang naman yun sa table hahaha, nilagay ko yung tissue niya sa dalawang kili kili ko. Ewan ko ba naman kasi, kung bakit ang init pa rin kahit na naka aircon naman 'tong venue.

 

"Saki, para kang abnormal."   nakasimangot na sabi ni Chasten. Suuus. Tinawanan ko nga. Matagal ko na kayang alam 'yon hahahaha. Iniwan ko na rin siya dun tapos bumalik na ako sa table. Muntanga kasi, ako lang yung sumasayaw. Siya, ayun, parang tuod na nakatayo lang at pinapanuod ako. Walang silbi, so boring. Hahaha.

The rest di ko na maalala.

"Safia, gatas mo o."  sabay abot ni mama ng gatas na dala niya.

Pagbangon ko, kumirot lalo yung ulo ko. 

"Thanks ma."  sabi ko.

"Ikaw na bata ka, masyado kang naging wild and free sa party niyo. Buti walang masamang nangyari sa'yo. Hinatid ka ni Kyo kanina dito. Naku, ulitin mo pa yun. Kahit gaano ako kaluwag sa'yo, malilintikan ka talaga sakin."  sabi niya.

"Opo ma, pasensya na."  habang hawak ko pa rin yung ulo kong lintik sa kirot. Di na ako uulit.

"Sige na, bumaba kana. Baka interesado ka sa bisita natin sa baba."  sabi ni Mama, tapos ngumiti siya ng nakakaloko. Tapos lumabas na siya ng kwarto ko.

Luuuh? May bisita?

Dali-dali akong nagpuyod ng buhok. Nagpalit na rin ako ng pambahay. Nakadress pa din kasi ako, buset.

_____________________________________

"So anong meron ma-"   di ko na natuloy sasabihin ko.

"Maaaa. Anong eksena 'yun?"  tanong ko kay mama, na naghahanda ng merienda para sa isang bubwit.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon