Chapter 46: Monday Is Hurt Day!

185 8 2
                                    

Saki's point of view:

Kung idedescribe ako ngayon, para akong isang papel. Noon, sobrang linis, walang gusot. Tuwid na tuwid. Pero ngayon, parang ako yung isang papel na matapos gamitin, eh lulukutin at pupunitin. Ako? Ako yung papel na binaboy at ginago. Ako yung papel na matapos pakinabangan, eh sinira at pinunit lang.

Bawat hakbang ko, parang gusto ko nalang ulit umuwi, at magkulong sa kwarto. Yung pag-iintay ko kay Chasten kahapon? Yung pag-amin ni Aris? Ha-ha-ha. Gusto kong matawa. Pinagsabay pa talaga! Biyaya naman 'yon oh. Pwede kayang ishare 'tong nakakawindang na pakiramdam? Sana no? Para hindi lang ako 'yung nakakaramdam ng matinding sakit.

Dapat tapos na ako sa ganito diba? Nakakasawang umiyak. Nakakasawang manisi ng iba. Nakakasawang magkulong at magmukmok sa kwarto. Nakakasawang baliwalain lahat ng tao sa paligid mo.

Kaya eto ako ngayon, pinili kong pumasok at isiping parang walang nangyari, kahit na ang totoo ang sama sama ng loob ko. Ang sama sama ng loob ko. Lalo na sa taong akala ko kaibigan ko. Akala ko kapatid ko.

Hindi ako nagkakaganito dahil bitter ako sa nasira naming relasyon ni Crime. Nagkakaganito ako kasi hindi ko man lang naramdaman na pinaplastik lang ako ng kaibigan ko. Na siyang itinuring kong kapatid ang mananasksak sa likuran ko. Siya pa palang sisira ng tiwala ko. Siya palang mananakit sakin. Siya palang uh shet! Naiinis ako kasi nasasaktan ako!

Bawat kakilala kong makakasalubong ako, iisa lang ang tanong.

"Okay ka lang?" Paulit-ulit.

Mukha ba akong okay? Etong mukhang 'to? Mukhang okay? Lokohan ba talaga? Parang gusto kong ihampas sa mukha nila 'yung manila paper na may nakasulat na 'Pakyu'. Malaking malaking pakyu!

Gusto ko man silang prangkahin hindi ko magawa kaya isang matipid na tango lang ang binibigay ko sakanila.

Pakiramdam ko ang dilim ng paligid. Naiinis ako sa mga nakikita kong nakangiti. Buti pa sila no, pangiti ngiti nalang. Samantalang ako, kapag ngumiti baka mapunit pa ang labi ko sa lecheng kplastikan ko sa nararamdaman ko.

Sana nabura nalang ang Linggo kahapon sa kalendaryo. Sana walang madaling araw na naganap. Sana may milagrong hindi nangyari yung mga nangyari kahapon. Pero pusang ina, kasi sabi nga, walang himala. Leche!

"Babs." Boses ng isa sa lalaking gusto kong makasama ngayon. Dahil alam kong alam niya ang nararamdaman ko. Alam niya at saksi siya sa sakit na naramdaman ko, ilang oras lang ang nakalipas.

"Kyo." Tawag ko pabalik sakanya habang tila may namumuo na namang luha sa traydor kong mga mata.

-------------------------------------------------

"Kaibigan ko pa Kyo. Hindi, bestfriend ko pa. Unfair ha. Ang unfair unfair!" Sabi ko habang nakadantay ang ulo ko sa balikat niya,inaalalayan niya ako.

Wala akong pake kung isipin ng iba na PDA kami. Pakain ko pa sakanila 'tong mga binubunot kong damo sa isang malilim na part dito sa field.

"Nagulat din ako Saki eh." Sabi niya pa.

Napabuntong hininga ako.

"Alam mo Kyo, hindi naman ako nagkakaganito kasi mahal ko pa rin si Crime at umaasa akong kung hindi niya ginawa yun eh di sana kami pa rin. Hindi eh. Nagkakaganito ako kasi hindi ko matanggap na siyang kaibigan ko, na halos araw araw ko ng kasama at parang kapatid ko na pala yung tatraydor sakin. Siya pa palang.. hindi ko inexpect eh. Ah bullshit!"

Pinipilit kong hindi umiyak. Hindi ako iiyak.

Nagbuntong hininga rin si Kyo.

"Akala ko masakit lang kapag nadisappoint ka sa expectations mo. Hindi ko alam na mas nakakadurog pala ng puso 'yung hindi mo inasahang sasaktan ka nung taong sobrang pinagkakatiwalaan mo."

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon