Chapter 49: Pageant: Main Event.

217 6 0
                                    

Una sa lahat, sorry po sa typos at late update.

------------------------------------------------

"Ano ba 'yan! Ang panget. Mukha ba 'yang banner?!" Reklamo ko habang pinapanuod sa pagdodrawing at pagdedesign 'tong apat na pugo na 'to. I mean tatlo lang pala, natutulog lang kasi si Guilt sa isang dulo. Diyan ako hindi makaangas eh. Haynako. Nakakapag init talaga ng ulo 'tong mga ito!

"Saki. Nagugutom na kasi akoooo." Mangiyak ngiyak na pagpapaawa ni Sin sakin. Haynakooo. Effective. 

Tapos sumunod na rin magpuppy face 'tong dalawa. I'm talking about Arc and Crime.

"Fine! Ako na ang gagawa! Haynako talaga. Akina nga lahat 'yan, bili na kayo ng merienda." Sabi ko at hinablot na 'yung malaking pagdodraw-ingan.

"We love you Saki!" They said in unison as they sprinted outside. Mga ugok. Mukha ngang mga gutom na gutom.

Iniwan pa si Guilt dito. O well, kahit naman nandito 'yan ang feeling eh ako pa rin mag isa dito. Anyways, etong banner na ginagawa ko eh para sa pageant mamaya. Para kay Crime, syempre! Para din kay Chasten! Syempre. At para kay Race at Sky! Hehehehe!

Yung banner naman ni Aris, hmm. Hinayaan ko nalang si Kyo ang gumawa. Baka kasi pumangit pa. If you know what I mean. Blah blah. Sakit niya kasi sa lungs. Hay. Ayoko na munang isipin 'yon.

"Ano kayang design?" Tanong ko sa sarili ko nung sinimulan ko ng remedyuhan ang puchu puchung banner kuno na ginawa nila. Tsk. Walang kwenta. Ew!

Isang oras lang ang lumipas nung matapos kong gawin 'yung banner. 3PM palang at 6PM ang start ng program.

Wala pa rin ang mga pugo. Nakakainis! Napa unat ako, kasabay ng pagmulat ni Guilt.

"Is that a trash?" Tanong niya. Habang nakaturo sa ginawa kong banner. Take note. Sobrang layo niya sakin. Uwaaaah.

"Anong trash pinagsasabi mo jan?" Tumayo ako at nameywang. Trash daw 'tong gawa kooo!?

"A piece of crap. That's hideous." Sabi niya pa gamit ang oh so famous blank face niya.

"You'll display that infront of a big crowd? That trash? Aren't you ashame?" Dagdag niya pa.

"How dare--"

"How dare, what?" Sabi niya at papalapit sakin. "Stay away from me." Sabi niya. Ang cold. Wala akong nagawa kundi umatras.

Inapakan niya 'yung gawa ko. Saka sinipa.

"What the! Seriously, anong ginagawa mo?!" Mapait na sigaw ko sakanya. Lapastangan!

"Putting a trash on a garbage?" Sagot niya.

"Bwisit ka kamo! Pinaghirapan ko 'yan, namin yan. Yet sisirain mo lang?! Ang kapal nito. Wala ka ngang naitulong eh! Ang insensitive mo alam mo 'yon? Makiramdam ka naman kahit papaano!" Sigaw ko. Nangingilid na ang luha ko sa inis.

"Just shut up. You're contributing so much noise. It's annoying!" Sigaw niya pabalik tapos kumuha ng bagong papel at kung ano ano pa. Don't tell me, gagawa siya ng bago?!

"Bakit ka ba english ng english ha?! Minsan na nga lang magsalita puro mura pa. Tapos minsan ka na lang makausap puro english pa. Haller! Nasa pinas ka!" Pagdadakdak ko.

"The hell I care? Just shut your mouth." Sabi niya pa habang nakafocus lang sa ginagawa niya.

Bastusan talaga. Alam niyo konti nalang babangasan ko na 'to. Pero hindi ko 'yun magagawa kasi sa kanilang lima, siya ang pinakasinasaniban ng kademonyohan. Hindi ata yan marunong maguilty. Kabaligtaran ng pangalan niya. Buset!

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon