Chapter 43: Cheers!

245 13 2
                                    

Saki's point of view:

From Krimen:

  Labas ka, ngayon na.

Weh?! Seryoso ba siya?! Bossy! Parang nung last na kita namin sa Enchanted Kingdom, gusgusin at umeemote siya tapos ngayon, back to his usual self? Aba okay huh!?

Isang linggo na rin naman ang nakalipas kaya siguro okay na siya. Hindi ko nalang din uusisain.

Naghilamos at nagtootbrush na ako, saka ipinuyod ang buhok ko. Above the knee ang under garment ko, atsaka nag t-shirt at nag tsinelas nalang ako. Konting polbo at konting pabango.

Pagbukas ko ng pinto, nasa labas na nga siya. Naka-long sleeves na red tapos black fitted na jeans atsaka sneakers.

"Ang aga-aga mo. Ano 'to? Crime and his yaya ang peg?! Paki-explain." Tanong ko sakanya.

"Ano? Tsk. Puro satsat naman eh. Tara na." Sabi niya atsaka nauna na. Aba bastos? Hindi makahintay?! Tapos dinedma pa tanong ko?! What the hell is wrong with this guy?!

"San ba tayo pupunta?" Tanong ko habang sinasabayan na siya sa paglalakad.

"Basta. Atat ka no? Pwede maghintay?" Sabi niya atsaka ngumiti, at walang paalam, bigla niya akong hinila atsaka nagtatakbo.

"Ba...liw! Hin...di pa ako nag-aalmusal!" Reklamo ko sakanya, habang kinakaladkad niya pa rin ako. Medyo napatigil na kami kaya napahawak ako sa tuhod ko habang hinihingal pa rin. Para kaming nag exercise ng hindi ako handa.

"Exactly, ako rin. Tara, kain. Dalawang tapsilog nga."

Oh. Okay, sa isang tapsilugan niya ako dinala. Pwede na! Bawing bawi na sa pagkaladkad sakin.

"Bakit mo ba 'to ginagawa Crime?" Tanong ko habang iniintay 'yung pagkain.

"Trip ko lang." Sagot niya at saktong pagserve naman nung Tapsilog na inorder namin.

"Napakaganda ng mga sagot mo! Bwisit ka kamo." Sabi ko sabay subo ng kanin.

"Heh! Kumain ka nalang."

"Whatever Krimen!"

"Extra rice!" Sabay naming sabi.

"Ang sarap naman dito! Alam mo, the best talaga pag libre." Sabi ko. Napapangiti ako. Pakiramdam ko libre 'to eh. Hahahaha! Dapat lang ano.

"At talagang nanigurado kang libre 'to? Kapal ng mukha ah." Sabi niya habang nakasimangot.

Pero nagbayad naman siya. Napapangiti ako. Kunwari pa 'to, ganyan lang kasi yang si Crime. Kunware walang pake pero hindi makatiis. Wahahaha. Charot! Medyo awkward. Lol.

"So saan na tayo?" Tanong ko at hinimas himas ko pa ang tiyan ko kasi busog na busog ako.

"Doon." Tinuro niya ang isang park malapit dito samin, may playground din doon. Tapos makulimlim at presko ang hangin. Masarap tambayan.

Hindi siya public, kaya may bayad 'to pero 50 pesos lang naman ang entrance. So, pwede na.

"Tutugtog ka?" Tanong ko ulit nung nakita kong nagrent siya ng gitara.

Tinignan niya ako.

"Hindi. Ipampupukpok ko sa ulo ko. Tss. Syempre tutugtog." Pamimilosopo niya sakin.

Nginusuan ko lang siya.

"Marunong kaba?" Tanong ko pa ulit.

"Ay hindi. Display lang 'to. Tss.." Sagot niya at halatang napipikon na.

Grabe! Nagtatanong lang eh! Masama ba 'yon?

"Halika nga, dun tayo." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon