Chapter 22

426 10 6
                                    

This chapter is dedicated to youuu. Salamat sa floodvotes. Binasa mo man o hindi. Wahahaha. <3 Sana suporta ka padin hanggang matapos 'tong story. Basahin mo po kung di mo pa nababasa. Salamat. Salamat ng super. Godbless. :]

--x

Woosh! Woosh!

Hmmm..

Minulat ko 'yong mata ko. At napagtanto ko na nasa kwarto na ako. Kyaaah. Sakit ng ulo ko, ano bang nangyari? Tsk.

Dahan dahan akong bumangon para bumaba at mag almusal.

"Ma." yan lang ang nasabi ko. Antok pa ako ng konti eh. Hmm.

"O, buti at gising kana. Mag ayos ka na at puntahan mo si Aliyah ngayon. May event sa school nila, at magpeperform na maya maya yung kapatid mo. Tapos dumiretso na kayo sa mall or kahit sa palengke. Eto listahan ha. Aayusin ko pa lahat kailangan para matanggap ako sa company na pinag applyan ko okay?" dire diretsong sabi ni Mama sakin.

"Ma, ba't di ko alam na magpeperform si Ali?" tanong ko.

"Alam mo 'yon. Sinabi niya satin dati bago ka umalis papuntang Baguio. Tsk. Tapos panira ka pa n moment kagabi, sino ba may sabing magdrama ka ulanan ha? Nagcollapse ka pa. Alam mo yon? Wag mo ng uulitin."   dirediretsong sabi ni mama.

Tsh. Napagod lang naman kasi talaga ako kagabi eh. Haaay.

Waaah! Oo nga pala. Asar naman, may bisita pa daw si Aliyah, classmate niya na naman, tapos iiyak na naman siya kasi bakla. Naku batang 'yon. Pero tulad nga ng sinabi ni mama, nag ayos na ako. Syempre bibo ang kapatid ko kaya manunuod talaga ako. At bilang ate niya ako ang number zero fan niya! O diba, mas una pa sa one. Hahaha!

--x

Nandito na ako at nakaka what the what the lang kasi, what the talaga!

"Hoy! Anong ginagawa mo dito? Si-sinusundan mo ba talaga ako!?" tanong ko sakanya, panindigan daw ba ang pagiging stalker!

"Ako bang kinakausap mo?" tanong niya sakin.

Aba! Napaka intrimitido ng ugok na 'to. Malamang! Siya lang naman kakilala ko dito, tungerns.

"Ewan ko sa'yo! Stalker much!" inis na sabi ko sakanya pero ang reaction niya lang was "Luh!"

Yes its a Luh. Nakakapikon siya! Buti nalang at dumating na si Aliyah.

"Yay! Aliyah! Ang galing mo! Mana ka talaga kay Ate Sa--"

"Prince! Did you like it? Thankyou for coming!" sabi ni Aliyah.

What the! What the talaga ulit. Lampasan daw ba ako at dumiretso kay Chasten? Kailan pa sila nagkakilala!?

"I love it princess." What the ulit! I love it princess siya jan! Pukpukin ko kaya mukha niya.

"Hoy Chasten! Child Abuse!" sigaw ko pero kumapit lang si Aliyah sa kamay niya at nauna na silang maglakad sakin.

Oh gahd! Anong nangyayari?!

"Hoy! Kayong dalawa! Intayin niyo ko! May bibilihin pa tayo sa mall eh. Ano baaaa! Huuuy!" sigaw ko at hinabol ko narin sila.

--x

Nandito kami sa bus ngayon, katabi ko si pugok at kalong niya ang kapatid kong kiri.

"Aliyah, kilala mo ba yang lalaking yan ha? Ba't sama ka ng sama!" inis na tanong ko sakanya.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon