Chapter 19

636 13 4
                                    

Hiiii girl. This chapter is dedicated to you. Salamat sa votes and comments, at sa pagiging active supporter nitong story. Sana patuloy ka pa rin sumuporta, and enjoy sa chapter na itooo. Loveyouu. 

--x

ARIS:

Waaaah. Baliw kasi si Saki, kung saan saan ata sumuot. Ang lamig lamig dito sa Baguio pero tumatagaktak na 'yung pawis namin ni Kyo.

"Wait lang Kyo. Eh paano kung nakabalik na pala sila don? Tapos tayo nalang pala ang iniintay nila? Balik muna kaya tayo dun, tapos pag wala, magpatulong nalang tayo okay?"  suggestion ko.

"Sige, pero teka lang.." may kinuha siya sa bulsa niya.  "Pikit ka nga muna."  sabi pa niya, at pumikit naman ako. 

Naramdaman ko naman na pinupunasan niya 'yong pawis ko which is meron nga sa may mata ko kaya pala niya ako pinapikit.  "Okay na, tara na."  sabi niya tapos hinawakan niya ulit 'yong kamay ko.

Waaaah. Ang sweet naman ni Kyo. Ideal guy na siya, sa totoo lang. Ano ba yan, kahit hindi ko siya gusto, okay cute siya. Basta kinilig ako, pero konti lang. Si Chasten kasi ang lupit eh, ngiti lang. Ngiti lang niya, parang kinukuryente na ako. 

---

Nandito na ulit kami ni Kyo, kaso wala pa si Chasten, naghahanap pa rin ba siya? Eh si Saki? Haaay. Nasan na 'yung mga 'yon? 

Naupo muna kami sa may damuhan.

"Siguro naman okay lang siya. Ang pasaway kasi nun."  pagrereklamo ni Kyo tungkol kay Saki.

"Sana talaga okay siya, dahil patay sakin 'yon. Oh, wait. Kyo, ikaw ba eh may gusto kay fraaand? Gusto mo ba si Saki?"  tanong na biglang lumabas sa makati kong bibig. 

"Oo, gusto ko siya."   sagot niya. What the?

"Gusto ko siya, kasi kaibigan ko siya. Ikaw, gusto rin kita dahil kaibigan kita at mahalaga kayo sakin. Ingatan niyo sarili niyo ha?"  sabi niya pa ulit.  "Kuha lang ako ng tubig, tapos hanapin na ulit natin siya."  

Tumango lang ako. Swerte kami ni Saki kasi we have Kyo. Yiheee. Ang drama ng life. 

Hindi pa man nakakabalik si Kyo, natanaw ko na si Chasten, kasama si Saki, nakaback ride sakanya. 

Alam kong hindi ngayon ang tamang oras para dito sa nararamdaman ko, pero bakit..

Bakit nagseselos ako? 

--x

KYO:

Pabalik na ako sa pwesto namin ni Aris nung matanaw ko si Saki na nakapiggy backride kay Chasten.

"Aris oh, tubig."  ngumiti ako sakanya, pero tulala siya, hindi sakin kundi dun sa dalawa. Inabot niya pa rin naman yung tubig pero hindi siya lumingon kahit isang segundo, talagang tulala siya. Anong problema?

Nilapitan ko si Chasten at Saki.

"Salamat pre, ako na ang papasan sa baboy na yan."  sabi ko tapos nginitian ko si Saki. Dahan-dahan din naman siyang ibinaba ni Chasten, at naglakad na siya papalayo samin matapos niya akong tapikin sa likod.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon