Chapter 7: Bakit parang lagi siyang tama?

690 20 5
                                    

Safia Kinn Rodriguez:

Naglalakad ako sa pathway nung may umakbay sakin. Si Kris? Ano ngang pangalan? Urgh.

"Classmate,alam mo ba, sure ako na makakasama si Chasten sa officers. At gustong gusto ko talaga doon, kaso wala namang magnonominate sakin." malungkot niyang sabi. Nakahikbi pa talaga siya.

Hindi ko alam kung ba't niya sinabi sakin 'to. Ano namang pake ko kung kasama si Chasten sa officer? Ah, alam ko na, isa siguro siya sa mga nagkakagusto sa manyak na lalaking 'yon. Tsh, mga type talaga ng kababaihan ngayon.

"Sige, ako nalang magnonominate sa'yo." nakangiti kong sabi. Nangningning yung mata niya. Bigla niyang hinawakan 'yung dalawang kamay ko.

"Talaga? Napakabait mo talaga. Sa wakas, hahaha. Makakasama ko na palagi si Chasten, sige ha? Aasahan ko yan. Salamat." kumaway pa siya ulit bago siya mawala nang tuluyan sa paningin ko. Sabi ko na nga ba eh, ang galing ko talaga. Wahaha.

"Ay teka.." grabe, ngayon ko lang naisip. Ano ngang pangalan nun? Argh. Timing naman at nandito si Chasten. Siguro naman nandito na siya bago pa umalis 'yung si ano ngang pangalan nun? Kris? Ay asar, urgh.

"Chasten, kilala mo ba 'yun?" tanong ko sakanya.

"Ah, si Kristine Añasca."

Hindi ko rin maintindihan 'tong lalaking 'to, minsan maingay, minsan tahimik, ngayon poker face lang, ay ano bang pake ko? Hahaha. Buti nalang alam niya. Naku, kung hindi. Nakakahiya naman kung hindi ko siya manonominate. Nakapagbitaw pa naman ako ng salita sakanya.

"Salamat." sabi ko, at nagdiretso na ako sa room.

_____________________________________

Room.

"Oh, dahil walang nagbo-volunteer, Chasten, ikaw ang gusto kong maging president ng student council ng Business Ad." ani ng professor namin, habang nasa may desk siya ni Chasten.

Napakamot naman ng ulo si Chasten sabay ngiti.

"Napakadaya sir, magbo-volunteer nalang po ako bilang, vice president. Hahahaha!" tapos nag peace sign siya. Nagtawanan yung classmate ko.

Wala namang nagawa ang professor ko, napakagaling talagang lumusot ng lalaking 'to.

Ay nalimutan ko, teka. Itinaas ko ang kamay ko.

"Sir, gusto ko rin po sanang inominate bilang secretary si Kristine Añasca.."

Biglang nagtawanan 'yung classmate ko.

Hala, ano na namang problema?

Kinalabit ako ni Kyo.

"Saki, ang pangalan niya Kristine Añasco pfft. Hahaha." tapos pang asar pa 'yung mukha niya. Takte, parang binagsakan ako ng sandamukal na buhangin. Trip na trip talaga ni Chasten na mapahiya ako. Nakakainis.

At anong naging resulta?

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, naging president ako ng student council. Hindi talaga sinasadya dahil lang sa pagkakamali ko kanina. Asar. Ang dami kong magiging responsibilidad. Ang buong course kung saan kabilang ako. Urgh, ano ba naman kasing kalokohan ang pumasok sa isip ko at naniwala ako sa Chasten na 'yun? Buti nalang, by course ang student council dito, kundi baka mabaliw ako. Kapag may mga events sa school, magmimeeting bawat president at members, dahil kami ang mag-aasikaso nun. Ibig sabihin, kami ang nakaassign sa acquaintance party, at ibig sabihin din, required kaming pumunta doon.

Bwisit. Napagdesisyunan ko pa namang hindi na ako pupunta doon, dahil baka abutan na naman ako ng sakit ng tiyan. Pero wala akong magagawa. Huhuhuhu.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon