Chapter 42: Girl's Day!

244 9 1
                                    

Chio's point of view:

"Okaaaay! Ready na ako! I'm going home na ulit." Sigaw ko, pagkatapos kong ipack lahat ng gamit ko. Naaaah! Hahahaha. Lakas ng energy ko. I feel so alive!

Araw araw kasi akong pumupunta ng Groto para magdasal. Kahit na nakakapagod, mag-akyat panaog, ayos lang kasi natauhan na ako. Well, I mean.. si Chasten? Tanggap ko na, na hanggang friends lang kami. At sasabihin ko sakanya 'yun later. Yes. Mamaya, aamin ako sakanya, hindi para guluhin siya, para naman hindi maging unfair sakanya. Pero love ko pa rin siya, yun lang yung secret. Muhahahaha!

At sa  ngayon, magpapaganda muna ako. Syempre no, uuwi na ako. At ready na talaga ako, wala naman akong kapaguran. Eh, ngayon lang? Charaught.

-------------------------------------------------

Maaga pa nung nakarating ako sa dorm, kaya naman inayos ko lang lahat at kinuha yung pasalubong nila, pati nagbihis na rin ako. Iba na ang klima dito eh.

Una kong pinuntahan 'yong real address nina Chasten. Actually first time ko 'to, kasi hindi tulad nila, sa Baguio ko lang naman sila nakakasama. Kaya winiwish ko na nandito siya ngayon. Ang sabi kasi ni kuya Sky the pogi sakin, masecret yun sa bahay. Kung saan saan daw yun napapadpad. Eh isa lang binigay nilang address sakin dati eh.

Napailing ako. Ang laki naman ng bahay na 'to! Nagdoorbell ako.

At ang bilis na may lumabas na maids.

"Goodmorning  po, sino or ano pong kailangan nila?" Nakangiting bati sakin nung maid.

"Hi po! Goodmorning! Nandito po ba si Chasten? Close friend niya po ako." Sabi ko.

"Ay, nandito po siya. Sige po wait lang po ah, ano po palang pangalan niyo?" Tanong niya.

"Chio po." Nakangiting sagot ko.

Tapos dali dali siyang pumasok sa loob ng bahay. Wish ko lang makabalik siya agad, kasi ang laki eh. Pero galing ah, lumabas nga agad si Chasten.

Na mukhang kagigising lang.

"Baby girl!" Sigaw ko nung papalapit na siya.

Ngumiti siya sakin. Okay! Ako na kinikilig pa rin sa ngiti lang!

"Nakangiti ka agad, aga mong bumalik ah." Sabi niya habang binubuksan ang gate.

"Buti, nandito ako, kundi sayang punta mo." Dagdag niya pa at shala! Bukas na gate.

"Grabe, yan talaga sinalubong mo sakin ha? Hindi ba pwedeng, uy chio, namiss ka ng baby girl mo. Pahug! Mga ganyan ba. Grabe ka talaga baby girl!" Sabi ko at nagpout.

"Hahahaha! Baliw." Natatawang sabi niya, atsaka siya nagbend ng onti at ni-hug ako.

Wait.

Ni-hug niya ako.

"Namiss kita, bata." Sabi niya pa, ng mahinahon.

At boom. Nabitawan ko ang lahat ng dala ko, kasabay ng pagbitaw niya rin sa hug niya.

"Tsk. Ano ba yan, nilalag mo. Akin na nga, ako na. Tapos pasok ka sa loob. Sumabay ka ng mag almusal samin." Sabi niya at ngumiti, pero lutang parin ako. Hayiiip! :( Kinikilig ako. :( Nakakalungkot! Huhuhu! Nagdiretso nga kami sa malaki nilang bahay.

-------------------------------------------------

"Baby girl. Ang sarap!" Sabi ko matapos maubos yung inihanda nilang breakfast. Wala pala ang mama niya dito. Nasa ibang bansa. Yung papa niya, ewan ko lang?

"Ate Chio, ang cute naman ng tawag mo sa kuya ko." Sabi ni Shabby.

Yay! Nameet ko siya ngayon lang! Hahahaha. May kapatid pala si Chasten.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon