Chapter 30

313 9 0
                                    

"Paalala ko lang ulit. Next week ang schedule ng midterm examinations, so study hard. Goodluck!" reminder ng professor namin bago lumabas ng kwarto.

Seryoso!? August na nga pala! Bakit hindi ko namalayan 'yon. At next week na ang exams namin tapos Friday na ngayon!? Hala! Ice yan Saki! Ang Sabado at Linggo mo ay ang pagpo-focus sa mga libro at subjects niyo! Like.. Huh!? Rush ako nito eh, since first year ako, wala akong idea sa kung paano ang types ng exam dito! Asar.

Para akong binuhusan ng pako. Tinutusok ang ulo ko. Nakakastress.

"So saan tayo ngayong Friday frand?!" tanong ni Aris sakin. Hindi ko pa nga nakukwento sakanila yung nangyari nung party e.

"Kanya kanya muna tayo. Mag aaral ako." seryosong sabi ko.

"Tss KJ! May dalawang araw pa naman babs." reklamo ni Kyo. Huh! 8 subjects for 2 days? Let's say may mga vacant hours pa, hassle yun eh.

"Pass muna ako diyan. After midterm, magsaya tayo." sabi ko.

"KJ! Ah. Alam ko na, group study sainyo babs. Yun o, group study! Group study!" sabi ni Kyo at nakisama pa si Aris.

"Saki saki saki, sama kami ni Chasten! Yey. Yey. Group study! Group study." sabi ni Chio, at nakisama rin si Chasten, at nagchant na sila paulit ulit.

I'm left here, dumbfounded. Ang weekends ko ay magiging isang malaking disaster!

 --x

"Ha! Ganda mo, mukha kang tae." I said to myself. Nakatingin ako sa salamin, at sinasamaan ng tingin ang sarili kong mukha na tinubuan ng eyebags.

Ang college life ay isang park! Jurassic park! Bakit ako nagpuyat? Inayos ko lahat ng lecture, notes, photocopies at books ko para sa pagrereview ko. I mean, talagang magfofocus ako.

Bumaba muna ako sandali para kumuha ng gatas, at tinapay. Bangag na bangag na ako.

At bago pa man ako makababa, isang matining na boses ang narinig ko.

"Fraaand! Gahdmorning!" sigaw niya at nanlaki ang mata ko. Pero, nabawi ko rin naman. Mga 3 seconds ako, nashock.

"Saki saki saki, gumorning!" sigaw ni Chio.

"Morning babs." bati pa ni Kyo.

"Maganda ka pa sa umaga. Hahahaha!" maagang kacornyhan ni Chasten.

"Tch! Morning din." sagot ko.

Lahat sila nakangiti sakin. Okay, nalimutan kong may group study nga pala kami.

Nagdiretso ako sa baba. Hindi ko na sila inalok kung gusto ba nila mag almusal kasi mukhang hindi naman sila gutom.

Pagdating ko sa kusina, napanganga ako. Kasi may pagkain sa ref, may pagkain sa mesa. May mga finger foods! Buti nalang talaga, dahil pag nagkataon, nganga kami dito sa bahay!

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon