Chapter 16

532 19 8
                                    

Hi BBG_024. Gising pa ako kaya kaninang madaling araw kaya naabutan ko yung pag flood votes mo. Dinededicate ko sa'yo 'to kasi yung pagvote mo kusa, tsaka obviously binabasa mo kasi may pagitan ng mga minuto kada vote. So hindi ikaw yung tipo na nagpaflood votes para lang sa dedication, so sana patuloy ka pa rin magbasa. <3 

--x

Saki's point of view:

"Trust me." yan ang dalawang salitang narinig ko kay Chasten.

Ewan ko rin kung bakit, pero I have this urge na magtiwala sakanya at nagawang ipikit nalang ang aking mga mata.

Papalapit ng papalapit yung ingay galing sa dami ng tao.

Pero maya maya, biglang tumahimik, at tanging pagsara lang ulit ng pinto ang narinig ko.

"Sige na, pwede ka ng dumilat." sabi ni Chasten.

Unti unti akong humarap sa altar at iminulat yung mata ko.

Pari ang nakita ko. At yung mga tao na kaninang akala mo may gagawin sa'yo ay taimtim na nakaupo.

"Chasten, anong nangyari?" nagtatakang tanong ko.

Ngumiti muna siya saka nagsalita.

"Ganito talaga dito, ilang beses narin ako nakakita niyan, at yung unang beses, tulad mo, muntik na rin ako tumakbo." sabi niya at nagdiretso ulit sa pagsasalita.

"Maraming nagsisimba dito, sobrang aga pa kaya sarado pa yung isang pinto. Kaya naman nung nagbukas na, dali dali at tuwa silang pumasok. Ayaw kasi nila mawalan ng upuan." pagpapatuloy niya.

"Halos lamunin ako ng takot alam mo ba yon?" pag amin ko sakanya.

"Oo na, tumahimik ka na. Makinig ka sa pari." sabi niya.

Nung matapos ang misa, sabay na kaming naglakad pero nagtirik muna kami ng kandila. Malay niyo, matupad ang wish ko, first time ko pa naman dito. Malayo pa naman yung lakarin.

Sa paglalakad pabalik sa van, sinalubong ako ng isang hinihingal ni Kyo. Magsasalita pa sana ako kaso nagulat ako nung bigla niya akong yakapin.

"A-ayos ka lang?" tanong niya habang nakayakap pa rin sakin.

"Oo Kyo, okay lang ako." sabi ko sakanya, sabay tapik sa likuran niya.

Nung nahimasmasan na siya, umupo muna kaming tatlo at kinwento ko sakanya yung nangyari kanina.

"Shit yun ha? Nag alala ako. Tara na nga, baka si Aris nahimatay na sobrang pag aalala." sabi ni Kyo, at tumayo na siya.

Inakbayan ko siya. Akbay tropa. "Pero natouch ako ha? Haha." sabi ko sabay tawa, napangisi lang siya.

At naglakad na kaming tatlo pabalik.

--x

"Sa wakas! Okay lang kayo. Daming kaba ang nawala samin." sabi ni Marey.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon