Chapter 37

300 8 5
                                    

Hi. Eto yung nangyari nung bitbitin ni Crime si Saki sa park. Wahahaha. Okaaay. Kung gusto niyo nung soundtrip, click niyo yung video sa side. Nakaantok. Wahahaha.

---

Saki's point of view:

Ang ganda ng tugtugan dito sa park. Senti. Wahahahaha. Medyo tapos na rin kasing magpractice 'yung mga nagsasayaw. Nakaupo lang sila sa stage. Ako, eto nakikinig lang. Wala rin kasing imik 'tong lalaking 'to.

You've got magic inside your finger tips

Its leaking out all over my skin

Inabot kami ng gabi sa park na pinuntahan namin ni Krimen. Tulad nga ng sinabi ko sainyo, maganda naman ang mga scene. Masakit lang talaga sa mata 'yong mga lovers in park. Mas nakakaumay kaysa sa Lovers in paris. Tipong pinaglumaan na ng panahon. Mga ganon. Hindi bale sana kung parang mala Lee Min Ho at kung sino mang swerteng nilalang ang nakakapartner niya ang naglalampungan dito. Mga ganon ba, kaso hindi eh. Magkakasore eyes ata ako. 

Everytime that I get close to you

Your making me weak with the way you

Look through those eyes

"Anong tinitingin tingin mo sa mga yan? Naiinggit ka." Sabi nitong katabi ko. 

Tinignan ko siya ng masama. 

"Ano? Ako, nainggit? Nagpapatawa ka ba Crime? Anong kanggit inggit sa mga iyan? Gabing gabi na, pero pakiramdam ko nakatingin ako sa tirik na tirik ang araw kasi ang sakit sa mata." Sabi ko sabay irap ko sakanya. 

But all I see is your face

All I need is your touch

"Tss. Bitter ah." Sabi niya habang nakadekwatro at nakakrus ang dalawang braso.

"Talagang bitter ako. Kinakalyo na pwet ko dito eh. Ano uupo nalang tayo? Magtititigan ganon?" Inis na tanong ko. 

Napangisi siya tapos bumuntong hininga.

Wake me up with your lips

Come at me from up above

Yeah, oh I need you

"Bakit, kasama ba sa plano mong magtitigan tayo?" Tanong niya. 

Napa huh nalang ako sa hangin. Grabe rin talaga 'tong lalaking 'to. Lakas ng tiwala sa sarili. Kasing lakas ng bagyong pilit naninira sa sambahayan. Bwisit.

"Hay tanga mo talaga forever." Sagot ko. Tapos bumuntong hininga. Isa pa, kumukulo na ang tiyan ko. Inubos kaya ng tropa yung pagkaing dapat akin sana huhubels. 

Nagulat ako nung bigla niyang hawakan ang braso ko at itinayo ako. Binitawan na rin naman niya ako nung nakatayo na ako at nagsimula na kaming maglakad. 

I remember the way that you move

Your dancing easily through my dreams

"Saff, iutot mo nalang yang pagkulo ng tiyan mo. Mas maingay pa sa tugtog dito eh." Sabi niya, habang nakapamulsa. 

"Kasalanan mo 'to no. Dami mong arte Crime." Sagot ko. 

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon