Chapter 47: May sakit ka?

189 7 3
                                    

Saki's point of view:

"I'm sorry. Hindi ko naman sinasadyang makaabala sa lakad niyo ni Chasten eh. I'm really sorry. Its just that, wrong timing lang 'yung pagtawag ko sakanya. Sorry Saki, wag ka na magalit sakanya."

Nandito kami ngayon ni Race sa school. Hindi pa rin kami umuuwi. Hindi na kami pinasama ni Sky sa hospital. Oo, dinala si Chasten sa hospital. Iniintay pa rin namin kung anong balita.

"Pagod lang talaga siguro ako nun Race. Hindi ko rin kasi inisip ang side niya, nagalit lang ako kasi pakiramdam ko nasayang 'yung effort ko. Alam mo 'yun?"

Napatango siya atsaka bumuntong hininga.

"Saki, to tell you the truth, i'm really jealous. Syempre kahit papaano masaya ako kasi nandiyan pa rin siya para sakin kapag kailangan ko siya. Tulad nga kahapon, he went to the hospital to check my mom's condition, when in fact.. may lakad pala kayo. Si Sky lang nagsabi sakin nito eh. That's the reason pala kung bakit tingin ng tingin si Chasten sa watch niya."

Nakatingin lang ako kay Race habang nagkukwento siya. It feels like lutang na lutang pa rin ako ngayon, pero nakakapagtaka na naabsorb ko lahat ng sinasabi niya. Eto yung isa sa mga power ng love. Yung kahit wala ka sa sarili mo, kapag pinag-usapan na 'yung taong mahal mo, yung interes at focus mo nandon na sa taong 'yon. Haaaay! Lifeeee.

"I even confessed what I really feel for him until now. Yes Saki, I still love him. And I still blame myself for letting him go just like that. I was rejected yesterday. Dati sakin siya inlove, pero ngayon, inlove na inlove na siya ulit. Sayo. I feel stupid. I feel oh so stupid. Ang sakit lang Saki eh. Sana ako nalang ulit, pero hindi pwede. And i'm so jealous." dagdag niya pa.

Speechless ako. Nareject ang babaeng ito.

"I'm jealous the way he treats you. The way he look at you, inlove na inlove siya alam ko. Yung mga simpleng bagay na ginagawa niya na talaga namang magpapakilig sa'yo. Hinihiling ko na sana sakin niya nalang ginagawa 'yon. But no, cause I don't deserve him."

Nakatingin pa rin ako sakanya.

"Saki, he's deeply inlove with you. I know, you feel the same way right?" Tanong niya.

"Oo, kahit hindi halata." Sagot ko.

"Exactly. So don't be mad na. You know, all the efforts are worth it naman. Minsan its just me and the time, na nagsisilbing panira.   He loves you so much, na kahit sobrang lakas ng ulan kahapon, pinuntahan ka pa rin niya. He's so worried about you, na kahit alam niyang mababasa siya ng sobra, binalewala niya 'yon para mapuntahan ka. He even go to school today, just because you said so. He will do everything for you, and I doubt it if you don't see it. Saki, all the efforts will be worth it. The effort wasted yesterday? Its just a part of all the efforts he had done. You see, walang wala pa 'yon."

Yung speech niya, nagpaspeechless lalo sakin.

"Race, punta tayong hospital. Gusto kong makausap si Chasten." Sabi ko.

Lahat naman ng paghihirap mapapalitan ng magandang resulta. Bakit ko nga ba nakalimutan na magkasama talaga ang sakit at saya? Kapag nagmahal ka, asahan mo ng masasaktan ka. Nagmamahal ako. Kung ikukumpara ang sakit na naramdaman ko noon, parang tuldok lang itong nararamdaman ko ngayon. For now, hindi ko gagamitin ang pride ko. Ayokong dumating sa pagkakataon na hawak ko na sana pero binitawan ko pa.

Ngumiti siya atsaka kami umalis papuntang hospital.

-------------------------------------------------

Kyo's point of view:

Pauwi na sana ako nung makita kong nagtatatakbo si Aris. Sinigawan ko siya, pero hindi niya ako nilingon. Narinig niya man ako o hindi.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon