Chapter 50: Iniiwasan, shet.

193 6 0
                                    

Saki's point of view:

Busog na busog pa rin ako hanggang ngayon. Grabe ang dami naming nakain. Inubos ata nila 'yung pera na napanalunan nila sa pageant eh. Pero keri lang kasi busog naman ako maigi. Ang iniisip ko lang, weird na nga sila.. pero mas weird sila kagabi. After namin puntahan 'yung sila Chasten sa backstage. I don't know. Pero ganun 'yung pakiramdam ko. I'm so confused kasi sabay sabay sila nag shit kahapon. Ano kaya 'yun? Nung tinanong ko naman sila kung bakit, sagot lang nila eh..

"Ah wala. Trip lang."

"Gutom lang siguro."

Yan. Yang dalawa lang.

Pero nung kumakain kami parang hirap na hirap sila lahat kumain. Basta 'yung aura parang ang bigat. Can't explain it that much kasi nga di naman nila sinasabi sakin. Ugh. Pakiramdam ko nga ako lang 'yung nabusog.

You see.. may mga sinabi sila, pabulong lang na ikinabagabag ko. Hindi ko kasi talaga  maintinidihan.

"DIBS 'yon."

"Hindi lang basta DIBS. Taena pre, nawala sa isip natin."

"Nasanay na kasi tayo."

"Tss shut up."

Paulit-ulit na ganyan. Darn. Bakit ko ba iniisip yon? Hay nako. Erase nga muna. Ang nonsense lang kasi. Well atleast alam na nilang lahat diba? Wala ng hassle kasi magkakakilala na. Ang saya ng buhay!

"Pasok na ako." Sabi ko sa sarili ko nung nakabihis na ako't handa ng magpakastudyante. Events were over. Normal schooldays na ngayon. Yaaaah!

---------------------------------------------------

"Ano sama kana samin? Mag aala una na." Paalala sakin ni Kyo. Niyaya niya akong maglunch, kasama si Aris.

"Hmm. Okay lang ako. Una na kayo. Intayin ko pa si Chasten. Sandali nalang naman siguro 'yon." Sagot ko.

"Sure ka, Saki?" Medyo ilang pang tanong sakin ni Aris. Awkay. Can't blame her. Medyo awkward pa talaga.

"Uhuh. Sure." Ngumiti pa ako. Saka sila umalis. Nagpatiuna na. Well, cute nila together.

Yes. Hinihintay ko po si Chasten. Simula nung nilagnat siya, medyo official din nanililigawan niya na ako. Every break atsaka lunch sabay kami lumakain. Madalas siya pa nag iintay sakin. Medyo baliktad lang ngayon. May tinatapos pa kasi siya, kaya ako naman angnag iintay sakanya.

3PM pa naman ang resume ng klase. Tapos nakaantok pa 'yung ganoong time. Gugutom na ako. Haaays.

"Yes!" Napatayo ako pagkalabas na pagkalabas niya.

"Tara na?! Gutom na gutom na ako eh!" Sabi ko pa sakanya.

"Ah, sige. Tara." Sabi niya.

Wow? Cold. Anong problema nito?

"Tss. Sungit. Gutom ka rin siguro. Hehehe!" Pang asar ko sakanya. Pero di ko inexpect na dedeadmahin niya ako.

Alam niyo naman na pag inaasar ko 'yan pwedeng mapikon siya, pwede rin namang babanat siya ng pick up line. Pantapat ba. Pero hindi. Nagpatiuna siyang maglakad.

"Ganon ba siya kagutom?" I asked myself. Ang OA niya ha. Tss. Sumunod nalang din ako agad sakanya atsaka umorder.

Hindi siya nagsasalita. Tapos tinutusok tusok niya lang 'yung pagkain niya. He's not in his usual self right now. And I'm getting worried kasi hindi naman siya ganyan.

"May problema ba?" Tanong ko.

Pero ugh. Hindi niya ata ako narinig kasi dirediretso lang siya sa pagtusok ng pagkain niya.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon