Chapter 32

344 7 2
                                    

Saki's point of view:

Hindi ko alam kung bakit nagtatago ako. Takte! Baka kasi nandyan din si Crime! Huhuhu! Awkward na naman pag nagkataon. Next time nalang nila ako guluhin kapag kalmado na ako.

"Boom takot!"

"Jusko po pwet na malupet!" sigaw ko at pinagkrus ang dalawang braso ko at itinakip ito sa mukha ko. Proteksyon ko laban sa masasamang espiritu.

"Pft. Kapangyarihan ba yan Saki? Hahaha!" natatawang sabi ng hayop na si Sin.

"Akina yang bag mo!" sabay hila niya nga sa bag ko at kinalkal yun.

"Hay, nakakalungkot Saki." mangiyak ngiyak na sabi niya sakin.

"Huh?" nagtatakang tanong ko.

"Bakit..bakit.." sabi niya.

"Huy! Ano ba yun Sin?" nag aalalang tanong ko.

"Bakit wala kang pagkain?! Uwaaa! Huhuhu."  iyak niya at nagsisipa sa may damuhan.

Seryoso?! Umiyak sa pagkain!?

"Huy, anong pagkain ba gusto mo!?" tanong ko sakanya.

"Gus-gusto ko ng, ng matamis." sagot niya pa habang umiiyak pa rin.

"Hah? Tara na nga. Wag ka na umiyak, ibibili na kita!" sabi ko atsaka siya hinila sa damuhan.

"Teka Saki, kasama ko sila." sabi niya, at nagpunas ng luha.

"Ay oo nga pala! Eh nasan na ba yung mga 'yon?! Kanina lang rumarampa kayo, at napapaligiran ng mga estudyante dito ha." sabi ko sakanya.

"Yun na nga eh! Hayaan na muna natin, gusto ko talaga ng pagkain dito eh. Dali na, hindi ako kikilos hangga't di ako nabubusog." sabi niya at nagcross arms.

At talagang tinakot niya ako? Jusko naman!

"Tara na nga!" sabi ko at hinila na siya papuntang cafeteria.

--x

"Wah. Wah. Saki, totoo 'tong mga to? Gusto ko tikman lahat!" sabi niya, habang nakahawak sa lagayan ng donuts. Tama! Donuts! Donuts lang at ganyan siya namangha!

Tss.

"Akin na ang pitaka mo. Para maibili kita." sabi ko sakanya at inabot niya naman sakin yun, habang sa mga donuts pa rin nakatingin.

"Ate Jaja! Isang dosena po para matikman niya ang lahat ng flavor." sabi ko.

"Ang cute naman ng kasama mo, dapat lang na matikman niya itong mga 'to." ngiting ngiting sabi ni te Jaja.

Sanay na ako sa atensyong nakukuha ng mga 'to, since ganito na talaga ang reaksyon ng tao kapag nakikita sila. Lumala nga lang kasi mas gumwapo sila, yun nga lang mas naging weird sila. Hay, sayang! Lol.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon