SIDE STORY: Kyo and Aris

454 15 6
                                    

Hi Lenaaaa. Thankyou sa pagvote. Sana patuloy ka pa rin sumuporta. Godbless. <3

Author's note: Hi, kung wala kang pake sa point of view ni Kyo at Aris, eh di wag mo na basahin. Pero basahin mo na rin para masaya. Hahahaha. Maganda 'to, para mas makilala niyo sila. XD

--x

KYO:

"Wow! Move on move on din. Tsk. Eh di kayo na ang mamaw sa patintero, kayo na. Durugin ko pagmumukha ng huling bantay niyo eh!"  pagrereklamo ni Saki. 

Kanina pa kasi kami tumatawa ni Aris dito, dahil sa pagkakatalo niya sa patintero kaninang P.E namin. Tapos na klase namin at naglalakad kami para kumain sana ng kung ano-ano. 

"Eh kasi friend, akala mo lahat madadaan mo sa kalokohan mo."  singit ni Aris na hinila kami papunta dun sa tusok tusok. 

"Kuya, bibili kami ha?"  sabi ni Saki.

"KKB 'to ha." biglang sabi ko sakanila, kasi baka ako nanaman ang pagbayarin ng dalawang 'to. Lagi kasing ganun eh. 

Tumango naman sila.

"Shayang naman, gushto ko kasama ko rin kayo sha dorm. Burrf."  salita ng salita si Saki, habang punong puno pa ng kwek kwek yung bibig. -__-

"Girl, manners. Hahahaha. Look, how I eat mine."   saway ni Aris kay Saki habang pinakita ang tamang pagkain ng kwek kwek. Tsh.

Wala sa itsura ng dalawang ito ang ganitong ugali. Hinayaan ko silang magdaldalan dun, at ako eto. Tumusok at tumusok lang din, habang kumakain. 

"Uy, una na ako! Duga niyo kasi, sana payagan ako lumipat  sa dorm niyo. Ingat patot, ingat frand!" sabi ni Saki tapos nagmadaling tumakbo.  Nagpaalam naman kami ni Aris sakanya. Papaalis na rin sana kami kaso kinalabit ako ni manong habang naunang maglakad si Aris sakin.

"Bayad niyo sa kinain niyo."   sabi ng tindero sakin.

Dapak. Nautakan na naman ako ng dalawang 'yon.

--x

Nakakabadtrip naman. Ayoko talaga ng nagsosolo sa kwarto. Nakahiga lang ako habang nakatitig sa kisame. Pucha. Naalala ko nanaman siya. 

Kaya ayoko ng ganito eh. Kapag tahimik, ako lang mag-isa. Laging nagpaflashback sa utak ko yung eksena sa LRT. Kung paano ko nalamang ginagago na pala ako ng ex girlfriend ko. Yung kahit anong bait mo, mapapamura ka nalang  kasi iniisip  mo kung bakit ka niya ginamit. Bakit ang tagal kong nagpaloko. Tangina. 

Lumabas ako ng kwarto ko bago pa ako mabaliw dun. Kumatok ako sa katapat kong kwarto.

"Sige na, pasok!"  sabi niya.

Pumasok naman ako, at sumalampak sa sofa niyang malambot.

"Hmm. Napapaisip na ako Kyo ha, friends tayo. Pero ganun ba ako kaganda para gabi gabi mo akong puntahan sa kwarto ko?"  tanong ni Aris sakin. Napasabunot nalang ako sa ulo ko. Ang labo nito eh. 

"Wag kang mababaw mag-isip Aris. Remote."  sabi ko, tapos hinagis niya naman sakin yung remote ng tv niya. 

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon