Chapter 44: Cupcakes.

224 11 3
                                    

Saki's point of view:

Nandito kami ngayon sa Simbahan. Ako si Mama.. si Aliyah. Lagi naman kaming nagsisimba tuwing Sunday, 6AM. Pakiramdam ko ang peaceful ng paligid. At ang sarap sa feeling kapag sa umpisa ng Linggo, eh pagsisimba na agad ang nagawa mo.

"Tapos na ang ating misa. Humayo kayo at ipahayag ang mabuting balita ng Diyos." Huling pagbabasbas ng pari, at saka kami nakangiting lumabas nila mama.

-------------------------------------------------

"Uhmm.. ano nga 'yon?" Tanong ko sa sarili ko habang iniisip 'yung mga ingredients sa gagawin ko.

Kinuha ko nalang 'yung papel na listahan ko. Actually nahihiya kasi ako talaga sa pwedeng mangyari mamaya, so inisip ko na magpatulong gumawa ng cupcakes, tapos puro yes 'yung sagot. Mukhang sasagutin na eh noh? Eh manliligaw palang. Hahahaha! Wala eh, effort yan eh. Obvious ba na gusto ko siya? Well, sige.. obvious ba na na-fall na ako sakanya? Eh. Hayaan niyo na, minsan lang naman eh diba?

Natuwa nga sila mama nung sinabi ko sakanila yun, at talaga namang sasarapan daw namin kaya magfocus daw ako. Muhehehe!

"Check. Check. Check!" Sabi ko nung sa wakas tapos na rin! Nagbayad na ako sa cashier, tapos pumunta akong department store para bilihin 'yung gustong damit ni Aris. Actually set kasi 'yon, eh since bukas, birthday niya na at mamayang madaling araw eh susurprise namin siya ni Kyo, magreready na rin ako. This day, would be great! Hahahahaha. Excited na talaga ako.

Bumili rin ako ng dalawang damit. Una, sa isusuot ko kapag binigay ko kay Chasten yung home made cupcakes at pangalawa, yung isusuot ko kapag sinurprise na namin si Aris, atsaka ako umuwi sa bahay.

"Ma! Eto na, game na ba?" Tanong ko, pagkadating na pagkadating ko sa bahay. Dami kong bitbit.

"Ate! Can I help?" Tanong ni Aliyah.

"Sige, pero pakiakyat muna 'to sa kwarto ko ha? Salamat Ali." Sabi ko at iniabot sakanya yung mga damit at kinuha niya naman.

"Oh ano? Simulan na natin?" Tanong ni mama nung nakaready na kaming maggawa ng cupcakes. Gusto ko ako mismo ang gagawa, kaya yung gagawin ni mama, para yan sa bahay. At yung gagawin ko, yun yung ibibigay ko kay Chasten. Syempre, mas okay diba kapag ganun, pag ikaw mismo yung nagpakahirap? Hehe.

Since 9AM palang naman, marami pang time. Kung magkamali man ako, at pangit ang lasa, pwede pang umulit kasi may duplicate naman lahat ng ingredients. Syempre, ni-ready ko na ang sarili ko sa ganito.

"Safia, mali! Dapat inuna mo 'to, kaysa diyan." Sabi ni mama.

"Ah, okay po." Sabi ko, at kumuha ulit ng panibagong bowl.

"Ay, nasobrahan anak. Aalat yan." Sabi pa ni mama, kaya umulit na naman ako.

"Nakakainis naman, pero dapat keri lang! Papanget lasa nito." Pagkumbinsi ko sa sarili ko, nung napipikon na ako kasi paulit ulit nalang at hindi ko makuha ng tama!

"Anak. Konti lang dapat niyan." Sabi ni mama.

Actually naiiyak na ako, kaya bago pa man tumulo ang luha ko, eh pinunasan ko na agad.

"Kaya ko 'to!" Sabi ko, at nagsimulang muli.

Dinahan dahan ko, saka ko nafeel na eto na, matatapos na. Sigurado akong malambot at masarap ang kalalabasan nito. Sigurado akong, magiging perpekto 'tong unang cupcakes na ginawa ko sa buong buhay ko. Okay! Time na para iluto.

"Oh, ingat. Mainit ang oven." Pag papaalala ni mama.

"Ouch!" Sigaw ko. Badtrip! Nanginginig kasi ang kamay ko, kada lagay ng raw cupcakes sa oven, at infairness hindi lang isang beses akong nag ouch! Hindi na mabilang! Badtrip! Puro paso na ang daliri at kamay ko. :(

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon