Chapter 11

541 16 9
                                    

Safia Kinn Rodriguez:

10 PM.

"Sige Saki, isip pa more! Loko kang Chasten ka! Mas baliw ka, kaysa sakin!" sigaw ko sa sarili ko habang nagpapagulong gulong ako sa kama.

"Okay lang yan, Saki."  sabi ng kisame.

Pisti yan! Diba? Naiimagine ko na nagsasalita 'tong kisame sa kwarto.

Biglang nagvibrate 'yong phone ko.

Unknown number? Pero iba 'to kaysa sa unang nagtext sakin.

From: 09355579413

Saki, may inupload ako sa faceboo.

                                 -Stalker

Chasten? Argh! Dali-dali akong tumakbo papalabas ng bahay. Sira pa naman 'yung laptop, nakakainis. Wrong timing naman masyado. Argh! Due to rush, nandito na ako sa computer shop at punong puno na rin.

"Mga ugok, pabakante ng isa!" sigaw ko. 

At wala pang sampung segundo, lahat ng seryoso sa paglalaro kanina eh parang nilamon ng takot, kaya lahat sila nakatayo.

"Sa-Saki, di-dito ka na."  sabi ni Alex, taga samin lang 'to.

Siguro nagets nilang lahat na may importante akong gagawin. At buti nalang hindi sila slow.

Pagkaupong pagkaupo ko, nag log in agad ako sa facebook kahit hindi ko naman talaga trip gamitin 'yon. Nakakanis.

Ano kayang ginagamit niyang pangalan sa facebook? Di ako sure sa apelyido niya. Haaaay. 

Pagod na ako, kanina pa ako naghahanap ng ubod ng panget niyang pangalan pero di ko makita. Nakaramdam ako ng init, nasa likod ko naman pala kasi ang mga lalaking ito na ginawa ng girlfriend ang DOTA. Bigtime, may DOTA 2 na. 

Nahampas ko 'yong keyboard sa inis.

Hindi nga pala ito samin. 

Nakita kong nagulat si Flynn. Yung may ari. 

"Sorry!"  sigaw ko.

Bigla ulit nagvibrate 'yong phone ko.

From: 09355579413

Hindi joke lang, wala akong inupload. Haha!

                                 

Yan 'yong text niya na nagpainit lalo ng ulo ko.

Nilapitan ko si Flynn nung na log out ko na yung account ko.

"Subukan niyong ihack yan gamit ang keylogger, aalisin ko yang laman loob niyo!" sabi ko sa mga lalaking lalo atang natakot sakin.  "At ikaw, Flynn. Bukas na yung bayad!"   sigaw ko sakanya.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon