SIDE STORY: Sky and Race

389 12 3
                                    

Hello Joyce, first time ko nakita name mo sa notifs ko, so for youuu. Enjoooy. :">

Hiii. Basahin niyo itoooo. Wahahaha. Kasi ano may mga flashback chenes dito. Harthart. Rak para sa lahat. Sheeeems. Huahua. 

Race’s point of view:

"Hanggang dito sa bahay papers pa rin." sabi ko sa sarili ko, nung matapos kong icheck ang mga proposals for foundation week.

Matagal pa naman yun, pero mine-make sure namin na hindi kami ma-ra-rush kapag event na mismo.

I was about to sleep nung makita ko yung photo album ko, na naglalaman ng mga mahahalagang pictures, pictures na nagpapaalala lahat ng good and bad memories.

Hindi ko nalang titignan.

I close my eyes, at pumasok sa isip ko kung paano kami nagkakilala ni Chasten..

Flashback:

"Tao ka ba?" biglang may lalaking nagsalita habang nakaupo ako sa bench at nakayuko.

Tinignan ko siya, may nagtatakang ekspresyon ng mukha, at pinapayungan ako.

"Ah, tao nga. Hahaha. Kala ko kasi isang baliw na kamote na nagpapakabasa sa ulan." sabi niya at bigla na namang natawa.

Ako daw, kamote?

Tinignan ko ang sarili ko, naka t-shirt at tokong na.. Okay, kulay kamote. :(

"Pipi ka ba? Hawakan mo muna to." tanong niya at umalis na, pero iniwan yung payong na hawak hawak niya.

I don't talk to strangers e.

Nilaro laro ko yung tubig na natatapakan ng paa ko, nung naramdaman kong may tao na naman sa tabi ko, at nakaupo na siya.

"Oh, inumin mo. Malinis yan." nakangiting sabi niya.

Kinuha ko naman yung inalok niya. Coffee in can, at mainit nga.

"Thankyou.." sabi ko at pinilit ngumiti.

Nagulat ako nung bigla niya akong iniharap sakanya habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko.

"Hala! Nagsasalita ka. Hahaha! Nakakatawa. Nagsasalitang kamote!" sabi niya at saka nagtatawa na naman.

Hindi ko rin ma explain, pero dapat mainis ako diba, dahil kanina pa siya kamote ng kamote pero, bakit ganito? Natawa na rin ako.

"Ayan, tumatawang kamote! Hahaha. Ako nga pala si Chasten, ikaw kamote? May pangalan ka ba?" tanong niya habang natatawa pa, at inabot ang kamay niya.

"I'm Race." sabi ko sabay abot ng kamay niya, at nakipag hand shake.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon