Ella Marie's P.O.V
NAKATALUKBONG ako ng kumot habang rinig na rinig ko ang katok mula sa labas ng kwarto ko. Hindi ko iyon pinansin. Kahit ilang beses na akong tinatawag ng katulong namin para gisingin ako. Ilang saglit pa narinig kong bumukas ang pintuan. Marahil ginamit na ni Mommy ang duplicate ng kwarto ko. Ipinikit ko ang mata ko nang maramdaman ko ang mga yabag ni Mommy.
"Ella Marie! Bumangon ka na diyan! Tanghali na mala-late ka na sa pagpasok." Sabi ni Mama iyon.
Hindi ako kumibo. Nagpanggap pa akong humihilik upang isipin ni Mommy na mahimbing akong natutulog.
"Ella Marie! Hindi ka babangon diyan?!"
Hindi ako nagpatinag sa sigaw ni Mommy. Kaya naman nagulat ako ng maramdaman ko ang paghampas sa'kin ni Mommy ng unan.
"Bumangon ka na diyan! Tanghali na!"
"Hmm.. Ano ba iyon Mommy inaantok pa ako!" sabi ko sa kaniya. Ikaw ba naman hampasin ng unan ewan ko lang kung hindi ka magigising si Mommy talaga ang hard sa'kin.
"Abah! Tanghali na! Hindi ka ba papasok?"
Kakamot-kamot ako ng ulo ng bumangon. Nakakunot pa ang noo ko ng umupo ako sa kama at isinandal ko ang likod ko sa dashboard ng kama ko. "Hindi po ako papasok masama po pakiramdam ko."
"Hindi ka pa rin magaling sa pagdudumi mo?"
Nagkulay kamatis ang mukha ng banggitin ni Mommy ang pagdudumi ko. Bigla kong naalala ang nangyari kahapon. Shit! Nakakahiya talaga iyon. "Wag niyo ng ipaalala sa'kin ang nangyari kahapon." Nakasimangot kong tugon kay Mommy.
"Kung ayaw mong ipaalala ko kumilos ka na at pumasok sa school."
"Opo!" inis kong sagot kay Mommy.
Kakamot-kamot ako sa ulo habang naglalakad ako patungo sa banyo. Ayokong pumasok sa school ngayon. Hindi ko kayang magpakita sa mga kaibigan ko dahil siguradong bubulihin nila ako. Isa pa ayokong makita ang crush kong si Shawn. Siguradong pagtatawanan niya ako.
"Bilisan mong kumilos!" sigaw ni Mommy sa'kin.
"Opo!" napabilis tuloy ang mga hakbang ko patungo sa banyo. Nakakainis talaga si Mommy laging galit sa'kin. Habang naliligo ako abala naman ang isip ko sa pag-iisip ng magandang paraan upang hindi ako makapasok sa school.
"Alam ko na!" nakangiting sabi ko nang makaisip ako ng paraan. Paglabas ko ng banyo nagmadali kunwari ako sa paglalakad tapos nang tumalikod sa'kin sandali si Mommy. Sumigaw ako.
"Araayyy!" sigaw ko. Nakuha ko naman ang Atensiyon ni Mommy lumapit siya sa'kin kaya tinodo ko ang pag-arte ko. Hinawakan ko ang paa ko kunwari at umarte akong namimilipit sa sa'kin.
"A-anong nangyari sa'yo Ella Marie?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Mommy.
"A-arayy! Ang paa koo!"
"Bakit Anak?"
"Mommy, ang sakit ng paa ko natapilok ako." May luha pa ako sa mata.
"Grabe ang galing kong umarte. Pwede na akong maging leading lady ng mga crush kong artista."
"Yan na nga ba ang sinasabi ko sa'yo Ella Marie. Sa sobrang katabaan mo at palagi kang natatapilok. Hindi na kinakaya ng paa mo ang bigat mo."
"Ano ba ang problema ni Mommy sa katabaan ko. Palagi na lang extra ang taba sa mga sinasabi niya sa'kin."
"Mommy, Hindi ako makalakad." Mangiyak-ngiyak kong sabi.
Tumayo si Mommy. "Teka Sandali lang tatawagin ko ang Daddy at driver natin para buhatin ka." Nagmamadaling lumabas si Mommy.
BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Teen FictionGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...