Chapter 22

38.5K 1.1K 101
                                    

CHAPTER 22


ELLA'S P.O.V


Hindi ko alam kung paano ako ngingiti sa nakasimangot na si Shawn Skyler, habang nakasandal sa harap ng kotse niya. Nakapamulsa pa ang dalawang kamay niya habang nakakatitig sa'kin. Huminga muna akong malalim bago ako pilit na ngumiti sa kanya.

"Hi, babe! Kanina ka pa ba dito?" muntik kong sampalin ang mukha ko dahil sa tanong kong walang kwenta.

"What do you think?" he  glared.


Yumuko ako habang nakaharap sa kanya, hindi ko kasi kayang titigan siya, malaki kasi ang kasalanan ko sa kanya.

"Sorry, nakalimutan kong mag-alarm."

"How stupid! Paanong nakalimutan mo'ng mag-alarm? Wala lang ba sa'yo ang date natin ngayon?"

"Sorry na!" I pout.


Huminga siya ng malalim, "Next time hindi na ako maghihintay sa'yo ng matagal." Binuksan niya ang pintuan ng kotse niya upang makapasok ako sa loob. "Get in."


Tumango ako at pagkatapos pumasok ako sa loob ng kotse niya, hindi pa rin maalis ang simangot ng mukha niya, kaya naman nanahimik na lang ako mahirap ng baka mapag-initan ako.

"Hindi ka ba magsasalita diyan?" basag niya sa katahimikan.


Tiningnan ko siya, ang mga mata niya ay nakatuon sa kalsada dahil siya ang nagmamaneho. Napapasulyap lang siya sa'kin pag may pagkakataon. "Ayokong magsalita kasi galit ka sa'kin." Tipid kong sagot, pagkatapos muli kong binaling ang tingin ko sa ibang bagay.

Bumuntong-hininga siya. "Nakakainis ka kasi," sabay sulyap niya sa'kin.


"Sorry na!" Inis kong sagot.

"Ikaw pa ang galit, ikaw na nga itong may kasalan sa'kin."


Kung pwede ko lang sabihin sa kanya ang dahilan ng pagpupuyat ko baka yakapin pa niya ako ng mahigpit. Umusog ako palapit sa kanya at sinadya kong idikit ang katawan ko sa balikat niya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang magpreno.


"Geez!" sambit niya.


Muntik ng lumabas ang katawan ko sa salamin dahil sa lakas ng pagkakapreno niya ng kotse niya, mabuti na lang at nagawa kong makahawak, kung hindi baka tumalsik na ako sa labas.

"Ano ba! Muntik na akong tumalsik sa labas." Inis kong sagot kay Shawn, nakaiwas siya ng tingin sa'kin.

"Wag mo'ng ididikit ang dibdib mo sa katawan ko, ayokong ma-distract sa pagda-drive."

Pinasadahan ko siya ng tingin, nakaiwas pa rin siya ng tingin sa'kin, napangiti ako ng mapansin ko ang pamumula ng mukha niya. "Hindi kita sini-seduce wag kang feeling. Gusto sana kitang yakapin para magsorry."


"Don't worry hindi naman ako na-aakit sa katawan mo, masyado lang kasing magaspang ang balat mo kaya nagulat ako."

Tumaas ang kilay ko. "Yabang!" sabay irap  ko, bumalik ako sa pwesto ko. Siya naman ay muling pinaandar ang sasakyan. Hindi na kami nag-usap pa hanggang sa makarating kami sa Mall.

"Let's go!" sabi pa niya ng makalabas siya ng kotse, ang bwiset hindi man lang ako inalalayan sa paglabas ng kotse ungentelman talaga.

Humahaba ang nguso ko ng lumabas ako ng kotse, inunahan ko siya sa paglalakad patungo sa loob ng Mall.

"OH MY GOSH! SI SHAWN SKYLER! KYAAHH!"

Bigla tuloy akong napahinto sa narinig kong tiliin ng mga babaeng nakasalubong ko. Paglingon ko nasa harap na ni Shawn ang mga babae na  halos himatayin sa sobrang kilig.

"Asawa ko, pa-picture naman, please!" Narinig kong sabi.

Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa narinig ko. Kaya naman nagmartsa akong lumapit sa nagkukumpulang mga babae. Hinawi ko silang lahat.  "Tumabi kayo mga hitad kayo." Sabi ko pa.

"At sino kang Baboy ramo!" Nakapameywang pa ang babae sa'kin.

Nagcross-arm ako sa harapan nila at nakataas ang kilay. "ME? I'M HIS—"

"She's my wife." Sabat ni Shawn.

"Oh,Noo! I'm gonna die. No! Hindi ito totoo." Hindi makapaniwalang sabi ng babae na halos mabali na ang leeg sa kakailing.

Hindi ko naman kayang lingunin si Shawn, parang napako na ang tingin ko sa mga babae, pulang-pula kasi ang mukha ko dahil sa sinabi niya, ang gusto ko lang naman sabihin na siya ang boyfriend ko, pero iba ang sinabi niya sa mga babae.

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon