Shawn Skyler’s P.O.V
“I’m sorry hindi ko sinasadyang makita kayong dalawa kanina.” Aniya. Tapos pumihit siya patalikod sa’kin. Kaya naman bago niya ihakbang ang mga paa niya papalayo sa’kin. Kinabig ko siya papalapit sa’kin. Hindi ko napigilan ang sarili kong dumampi ang labi ko sa labi ni Ella Marie. Habang ginagawa ko iyon. Hindi ko naman maipaliwanag ang nararamdaman. Nag hyperventilate yata ako. Halos mabinge na ako sa malakas na tibok ng puso ko, at habang naamoy ko ang mabangong hininga ni Ella Marie mas nanaig sa sarili kong tama ang ginawa ko at hindi ko iyon dapat pagsisihan.
Marahas niya akong tinulak palayo sa kaniya, bago pa ako makapagreak sa ginawa niya, naramdaman ko ang palad niyang dumampi sa mukha ko. Tinitigan ko siya, kitang-kita ko sa mukha niya ang pagtataka sa ginawa ko. “Bastos!” huling salitang iniwan niya bago siya tuluyang umalis palayo sa’kin.
“Ella…” pabulong ko.
Hindi ko siya hinabol para magpaliwanag O kaya naman humingi ng tawad sa kaniya, dahil ginusto ko iyong gawin.
“Shawn!”
Saglit kong inihinto ang pagsusulat ko sa aking kwaderno. At iniangat ko ang mukha ko upang tingnan ang tumawag sa pangalan ko na ngayon ay nasa harapan ko na. “Bakit Miss Cuevas?”
“Masyado ka namang pormal sa pagtawag sa’kin, Loren na lang. Or just say Goddess kung gusto mo.” Ngiting-ngiti pa siya sa’kin.
“Goddess? Hindi bagay sa katawan mo, mas maganda siguro kung Loren na lang or Babsy?” sagot.
Sumimangot siya sa’kin. “Babsy? Hindi naman ako baboy very healthy lang. Mas prefer kong tinatawag akong Loren. anyway, Kaya ako lumapit sa’yo, kasi itatanong ko sana kung nasaan si Ella Marie, kanina ko pa siya hindi nakikita.”
Nagsalubong ang kilay ko. Mahigit tatlong oras na ang nakalipas magmula ng mag-usap kami at nakawan ko siya ng halik. Akala ko bumalik na siya ng classroom at kasama niya ang mga kaibigan niya. Iyon pala hindi nila kasama si Ella Marie. “Baka umuwi na ng bahay?” sagot ko.
Umiling-iling pa siya sa’kin. “Kaya ko nga siya hinahanap dahil tumawag sa’kin ang Mommy niya, hinahanap siya sa’min dahil may lakad daw silang dalawa mamaya. Akala ko kasama mo siya?”
“Hindi ko siya kasama.” Kinuha ko ang gamit ko at tumayo ako upang lumabas.
“Teka! Saan ka pupunta Shawn?” habol niyang sigaw sa’kin.
“Hahanapin ko ang Piggybank na iyon.” Sagot ko.
“Thank you Shawn.” Aniya.
Malalaking hakbang ang ginawa ko nang makalabas ako ng classroom. Nakaramdam ako ng pag-aalala para kay Ella Marie, hinanap ko siya sa mga lugar na madalas niyang puntahan ngunit hindi ko siya natagpuan. Umupo ako sa mahabang upuan na yari sa puno ng narra. “Where are you piggybank?” kausap ko sa sarili ko. Ilang minuto akong nakaupo upang pansamantalang ipahinga ang katawan ko sa paghahanap kay Ella Marie. Sinubukan kong tawagan siya ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko, mas lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkainis.
“Kapag nakita kita gagawin kitang Dinuguan!”
“Ang Gulo na talaga ng mundo ngayon girl, biruin mo si Andrei Sebastian kasama ngayon ang pinakamataba sa school na ito. OMG! Anong silbi ng gluta at pagda-diet ko kung baboy naman ang Type ng mga gwapo sa school na ito.”
Narinig kong sabi ng babaing nakaupo sa kabila. Tumayo ako para lapitan sila. “Excuse miss!”
Tumili muna sila bago nagsalita. “Yes! My prince.” Sagot ng babae na may kulay brown ang buhok. Papungay-pungay pa ang mga mata niya sa’kin.
BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Teen FictionGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...