Chapter 21
Shawn Skyler's P.O.V
Alas-singko pa lang ng umaga nagising na ako, paggising ko nakayakap pa rin sa'kin sa Ella Marie, kaya pala ang sakit ng katawan ko, nakasanday pala ang paa niya sa binti ko, ang bigat pa naman niya. Dahan-dahan akong bumangon at sinikap na wag makagawa ng ingay upang hindi siya magising, agad kong hinanap ang cellphone ko. Kailanga kong tumawag kay Mommy siguradong nag-aalala na 'yon sa'kin kahit na nga alam naman niya kung nasaan ako.
"Good morning Mommy," sabi ko ng sagutin niya ang tawag ko.
"Shawn, where are you?"
Hinawakan ko ang sintido at huminga ng malalim, nagpaalam na ako sa kanya kagabi, tatanungin pa ulit niya ako kung nasaan ako, 'Mom, di ba, nandito ako sa bahay ng girlfriend ko natulog."
"Shawn, akala ko ba magtatapos ka muna ng college? Graduating ka na, ngayon mo pa ba, hindi tutuparin ang pangako mo sa'min ng Daddy mo." Sunod-sunod na sermon ni Mommy sa'kin.
"Mom, Hindi po ako mag-aasawa agad, nakitulog lang ako sa bahay ng girlfriend ko, dahil sumama ang pakiramdam ko."
"Hay, naku! Ganyan na ganyan ang kuya John Ace mo, nakitulog sa bahay dati nila Heira, tapos ilang buwang lang nag-aasawa na."
"Mom, magkaiba kami ni kuya John Ace, si kuya playboy 'yon, kaya nakarma agad, behave ako Mommy, promise."
"Tigilan mo ako sa sinasabi mo'ng behave ka, alam ko na yang kinikilos niyong magkakapatid, manang-mana kayo sa Daddy niyo."
Parang gusto kong i-cut ang tawag kay Mommy, dahil puro sermon ang naririnig ko sa kanya.
"Uuwi na po ako ngayon,"
"Sige, hihintayin ka namin dito, nandito ang kuya at Ate mo, kagabi ka pa nila hinihintay, pagluto mo daw sila ng pagkain."
"Kasama ba nila ang mga anak nila?"
"Hindi nila kasama, umuwi ka na ngayon."
"Opo,"
"Isama mo pala ang girlfriend mo. Gusto nilang makilala."
Tumingin ako kay Ella, mahimbing pa rin ang tulog niya, paano ko kaya siya gigisingin? "Susubukan ko po siyang isama kung papayag siya."
"Sige, hihintayin namin kayo. Mag-ingat ka sa pag-uwi."
"Thanks, Mom." Sabay putol ko sa pag-uusap namin.
Hindi ko na hinintay na magising si Ella Marie, naligo na ako at nagbihis, mabuti na lang at palagi akong handa, dahil lagi akong may dalang extrang damit na nakatago sa loob ng kotse ko, ilang minuto na ang inilagi ko sa banyo. Ngunit nang matapos ako sa paliligo at pagbibihis. Tulog pa rin si Ella Marie.
Napailing na lang ako ng tumingin ako sa kanya. "Tulog mantika talaga," bago ako lumabas ng kwarto niya, ninakawan ko siya ng halik sa pisngi, napangiti na lang ako dahil nagawa ko siyang nakawan ng halik. Paglabas ko ng kwarto ni Ella Marie, nakita ko namang papalapit sa'kin ang isa sa mga katulong nila.
"Good morning po." Sabi ko.
"Good morning Sir, tamang-tama po kayo po talaga ang pupuntahan ko, sumabay na daw po kayong mag-almusal kay Sir at Madam." Sabi pa ng katulong.
"Thank you," tipid kong sagot sa katulong, pagkatapos ihinatid niya ako sa dining area. Ngiting-ngiti pa sa'kin ang parents ni Ella ng makita nila ako.
"Good morning Shawn, join us." Tumayo pa ang Daddy ni Ella, upang ipaghila ako ng upuan.
"Kamusta ang tulog mo?" tanong ng Mommy niya.
BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Teen FictionGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...