CHAPTER 32
SHAWN'S P.O.V.
Napabalikwas ako ng bangon, nang marinig ko ang malakas na tunog ng tororot. Gulo-gulo pa ang buhok ko at biglang sumakit ang ulo ko dahil sa pagkabigla.
"Good morning Kuya Shawn," nakangiting sabi sa'kin ni John Axle.
Matalim ko siyang tinitigan. "Anong kailangan mo?" inis kong sabi sa kanya.
Imbes na sagutin niya ako tumalon siya sa kama ko at humiga. "Ang baho ng kama mo amoy panis na laway," sabay tawa ng malakas.
Sa badtrip ko binato ko siya ng unan ko. "Lumabas ka ng kwarto ko John Axle kung ayaw mo'ng sipain kita palabas."
Bumangon siya sa pagkakahiga at patawa-tawa siya nang tumingin sa'kin. "Ayusin mo ang sarili mo, Kuya, pinapatawag ka ni Daddy." Sabay talikod niya upang lumabas ng kwarto.
"S-Si Daddy?"
Lumingon siya sa'kin at ngumisi."Yeah, kadarating lang niya galing Amerika, sinabi ni Kuya John Ace na ilang araw ka ng hindi pumapasok at pinapabayaan mo na ang sarili mo. Kaya pinapatawag ka niya, bilisan mo raw wag mo'ng daw hintayin na si Daddy ang pumunta dito."
Parang biglang nawala ang hang-over ko dahil sa sinabi ni John Axle, hindi ako pwedeng magpakita ng ganitong itsura kay Daddy, siguradong magagalit siya sa'kin.
"Susunod na ako, maliligo lang ako." Kinuha ko ang towel ko at pumasok ako ng banyo upang maligo.
Hindi ko na pinansin halakhak ni John Axle habang papalabas ng kwarto ko. Tinuon ko na lang sarili ko sa pag-aasikaso ko sa sarili. Habang nasa loob ako ng banyo abala na ang isip ko sa pag buo ng sasabihin kay Daddy, sigurado kasing sinumbong na ako ni Kuya John Ace kung hindi naman si Ate Jhoace.Makalipas ang isang oras lumabae na ako ng kwarto ko, nakita ko si Daddy na nasa loob ng mini bar, mag-isa siyang umiinom ng alak doon habang nakikinig ng music.
Lumapit ako sa kanya. "Dad,"
Nilingon ako ni Daddy. "Oh, Shawn, ma-upo ka."
Agad naman akong umupo sa harap niya. "Dad, bakit niyo po ako pinapatawag?"
"Nabalitaan ko ang nangyari sa'yo," tinungga pa niya ang alak na nasa shot glass niya.
Umiwas ako ng tingin kay Daddy. "May konting problema lang po Daddy."
"Pwede mo sa'kin sabihin baka makatulong ako sa'yo."
Nanahimik ako at binaling ang pansin sa iba.
"Shawn Skyler..."
"Dad, ako na po ang bahalang lumutas ng problema ko, wag niyo na po akong isipin."
Nagkibit-balikat siya. "Sige, pero mula ngayon, ititigil mo ang paglalasing mo lalo na sa gabi, ayokong may makarating sa'kin na pinapabayaan mo ang sarili mo."
Tumingin ako sa kanya at tumango. "Opo, Dad."
"Okay, good."
"I have to go Dad,"
"Siya nga pala bago ko makalimutan. Pinapasabi ng pinsan mo'ng si Denver na pumunta ka raw sa mansyon nila ngayon. Kanina kasi nandito siya, umalis lang nang malaman niyang mag-uusap tayo."
"Salamat po, Dad," sabay talikod ko.
"Mukhang nakialam na ang pinsan mo sa problema mo." Narinig ko pa'ng sabi ni Dad.
Siguradong importante ang sasabihin sa'kin ni Denver, kapag kasi nakikialam na siya sa problema namin. Siguradong alam na niya ang solusyon, kahit kasi madalas kong hindi makita si Denver, palagi naman siyang updated sa nangyayari sa'min, kaya malamang importante iyon.
BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Подростковая литератураGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...