Ella Marie's P.O.V.
"Ella, pagkatapos mong magbreaktime. Pumunta ka sa office ko at sasamahan kita sa clinic para magtimbang para malaman natin kung may epekto ang pagda-diet at pagjo-jogging niyo tuwing umaga ni Shawn." Sabi sa'kin ni Kuya Calixto bago siya lumabas ng classroom tapos na kasi ang oras niya sa pagtuturo sa"min.Sumimangot ako, Malaki ang galit ko kaniya dahil feeling ko pinagkaisahan nila akong lahat. Ang dalawa kong PiggyBesh lang ang nakaka-unawa sa'kin. Sila Mommy, Daddy at Kuya Calixto lahat sila pinagkaisahan nila ako. Wala akong kakampi sa bahay. Kaya naman pakiramdam ko magiging malnurish na ako soon. Ang dating Three cups of rice na kanin at iba't-ibang klaseng putahe ng ulam with Ice cream at Fruit salad, biglang naglaho. Nakalimutan ko na rin ang itsura ng chocolate at lasa ng burger. Ang daming pagkain ang pinagkait sa'kin kaya feeling ko mamatay na ako sa gutom.
"Ella Marie, nakikinig ka ba sa'kin?"
"Yes Sir!" sagot ko sa kaniya.
Tumango si Kuya Calixto tapos umalis na siya ng classroom.
"PiggyBesh, sa tingin mo nabawasan na ang timbang mo?" tanong sa'kin ni Annaliza habang kumakain silang dalawa ng Apple. Binibigyan nila ako pero tumanggi ako. Bigla ko kasing naisip ang sinabi sa'kin ni Mommy, Gagawa siya ng paraan para ma-kick out ang sinumang estudyanteng magbibigay ng pagkain sa'kin. Ayoko namang mapahamak sila dahil sa'kin.
"Pigg Besh, siguro nabawasan naman ng kaunti ang timbang mo mga four pounds. Syempre ang hirap naman yatang magjogging na gatas at itlog lang ang kinakain sa umaga." Sabad naman ni Loren.
Bumuntong-hininga ako. "Sana merong pagbabago. Dahil kung wala baka mas pahirapan ako ni Mommy, alam niyo naman iyon gustong-gusto niya akong sumali sa mga pageant."
"Pwede naman Piggy besh, sumali ka sa patabaan na contest. Oh, di ba? Atleast sumali ka sa pageant." Sabad naman ni Annaliza.
I glared, "Hindi ako nakikipagbiruan, binuhat ko ang bag ko. "Let's go! Break time muna tayo." Pinagmasdan ko silang dalawa. "Pero mukhang busog na kayong dalawa."
"Hindi noh! Tikim lang namin ito." Tumayo si Annaliza at binitbit ni Annaliza ang Bag niya, gayon din si Loren. Noong una, naiinggit ako sa tuwing nakikita ko silang kumakain pagkatapos ng mga subjects namin. Kung gaano kasi kadaldal nilang dalawa ganoon din kabilis ng bilis ng bibig nila sa pagkain. Wala silang kabusugan dalawa.
"Oh? Bakit kayo nakatingin sa pagkain ko?" tanong ko kay Annaliza at Loren. Napansin ko kasing mula ng binuksan ko ang Baunan ko hindi na nawalan ang tingin nila.
"Ahmm... Ella, sure ka 'yan lang ang kakainin mo?" tanong ni Loren.
Isang nilagang saging at Lemon juice ang pagkain ko. "Ouhm, gusto niyo?"
"Wag na kulang pa yan sa'yo. Bigyan ka namin ng foods Piggy Besh," sabi ni Loren.
"Pwede naman, pero sigurado bukas na bukas din kick out na kayo ni Mommy."
"Joke lang! Sabi nga namin magdiet ka." Sagot naman ni Annaliza.
"Mga Piggy, tingnan mo si Andrei Sebastian, Nakatingin sa'tin."
Nilingon namin sila. "Oo nga piggy besh." Kinikilig na sabi ni Annaliza.
Nagtama ang mata namin ng tumingin ako sa kaniya. Ewan ko kung totoo ang nakita kong kumindat siya sa'kin Oh, dala lang ito ng gutom ko. Umiling-iling ako at pinagpatuloy ko ang pagkain ko. "Gutom lang yan! Kumain na nga lang tayo." Sabi ko sa kanila.
"Ella, Totoo! Papalapit na siya satin." Pabulong niyang sabi sa'kin. Hindi ko tuloy makuhang lumingon dahil sa sinabi niya. Nahihiya kasi akong magtamang muli ang mga mata namin.
"Hello girls!" narinig kong bati ni Anrei.
"Hello Gwapo!" nakangiting tugon ni Loren.
"Mukhang masarap ang kinakin niyo ah, maliban nga lang kay Ella Marie."
Yumuko ako, bigla kasi akong nahiya.
"Nagda-diet na kasi siya ngayon." Sabad ni Annaliza.
"Hmm... Ella, gusto mo samahan kitang mag-exercise every day?"
Nilingon ko siya, "Ha? E-eh, kasi..." biglang tumunog ang cellphone ko. Naputol tuloy ang iba kong sasabihin kay Andrei.
"Hello kuya,"
"Ella Marie, tapos ka na bang kumain? Nandito na ako sa clinic."
"Yes kuya! Sige po papunta na ako diyan."
"Okay sige hihintayin kita. Bye!" sagot ni kuya Calixto.
Tinungga ko ang Lemon juice tapos mabilis kong nginuya ang natitira kong nilagang saging bago ako tumayo at binitbit ang bag ko. "Mauna na ako sa inyo. Pinapatawag ako ni Sir Weibford. Andrei, Next time na lang tayo mag-usap. Bye guys!" Sabi ko bago ako tuluyang umalis.

BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Fiksi RemajaGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...