ELLA'S P.O.V."ELLA,"
Mahinang tawag sa'kin ni Andrei habang nagle-lecture ang professor namin. Mabilis akong lumingon sa kanya.
"B-Bakit?" Gulat na gulat pa ako sa tawag niya. Muntik na akong tumayo.
Magkatabi kaming dalawa ni Andrei sa upuan. Ngunit mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa'kin.
"Anong iniisip mo?"
"W-Wala naman!" pa-iling-iling pa ako sa kanya.
"Kanina pa kita tinatawag pero hindi ko ako naririnig. May problema ka ba?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Bumuntong-hininga ako tapos malungkot akong tumingin sa kanya. "Ang totoo, may problema nga ako."
"Tell me, ano ba iyon?"
Nakipagtitigan ako sa kanya. "Nahihirapan na akong maging maganda. Hindi ko naman ito ginusto pero binigay sa'kin ng Diyos."
"Hayss! Malalang sa'kit nga 'yan. Walang gamot diyan."
"Ang alin? Ang pagiging maganda ko?"
"Hindi ang pagiging mayabang mo."
Inirapan ko siya. "Ayaw mo'ng suportahan ang bestfriend mo."
"Kung ano-ano kasi ang sinasabi mo. Ano ba kasi ang problema mo?"
Natahimik ako. Hindi pa rin pala ako makakalusot kay Andrei. Kilalang-kilala talaga niya ako.
"Medyo nahihirapan lang ako sa mga subjects ko. Alam mo naman marami akong activities ngayon." Alibi ko.
"You need help?"
"No, thanks!"
"Basta kung kailangan mo ng tulong ko nandito lang ako." Pinisil pa niya ang pisngi ko.
"Ouch!" Sabay irap ko sa kanya.
Mas magandang iyon na lang ang isipin niya ayokong malaman niyang may malaki akong problema ngayon. Napahawak tuloy ako sa labi ko nang bigla kong maalala ang ginawang pagnanakaw ng halik ni Shawn Skyler. Grabe siya ilang beses niya akong ninakawan ng halik. Naramdaman kong umiinit ang tenga ko dahil sa iniisip ko. Mabuti na lang at hindi ako napansin ng professor namin na hindi ako nakikinig sa kanya.
"Miss Weibford!"
Huminto ako sa paglalakad nang marinig ko ang isang professor namin. Papunta na sana ako sa cafeteria upang kumain ng lunch.
"B-Bakit po Ma'am Lapuz?"
"Pinapatawag ka ng Dean."
"Po? Bakit?" Bigla akong napaisip sa dahilan ng Dean.
"Hindi ko alam Miss Weibford. Puntahan mo na lang."
"Sige po, Ma'am thank you."
Imbis tuloy na dumiretso ako sa cafeteria. Mas inuna ko munang puntahan ang Dean. Pagpasok ko pa lang sa loob napansin ko na ang Dean namin.
"Good afternoon." Bungad kong bati sa Dean namin.
"Nandito na pala si Miss Weibford."
Lumapit ako sa Dean namin. "Ma'am, pinapatawag niyo raw po ako?"
Tumingin sa'kin ang fourty five years old naming Dean na si Mrs Keagai. Inayos pa niya ang makapal niyang salamin habang tinitingnan ako.
"Miss Weibford, pinatawag kita dahil may naghahanap sa'yo."
Kumunot-noo ako. "Sino po?"
"Isang special na tao at hindi ko talaga na inaasahan na pupunta siya sa ating paaralan." Sa lapad ng pagkakangiti ng Dean namin kumpirmadong special na tao nga ang naghahanap sa'kin. Ngunit sino?
BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Novela JuvenilGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...