Chapter 19
Mhaika's P.O.V
Napansin kong huminto si Loren sa gilid ng Classroom namin, alam kong pinakikinggan niya ang pinag-uusapan namin, pero wala akong pakialam kung marinig niya ang panglalait na sinasabi namin sa kanila lalo na kay Ella Marie.
"Guys, si Baboy, nakikinig sa usapan natin." Ani Nica.
Nang lumingon sila nagtago ito sa gilid.
"Akala niya siguro hindi natin alam na nakikinig siya." Sabi ng isa kong kasama.
Tumayo ako. "Let's go! Baka masira lang ang araw natin sa kanila." Tumayo ako at naglakad palabas ng classroom, sumunod naman sila sa'kin. Habang naglalakad kami, muli naming napansin na sinusundan kami ni Loren, this time dalawa na sila ni Annaliza.
"Ang dalawang pig sinusundan tayo, Mhaika." Ani Nica.
I flip my hair, "May plano ako guys, turuan natin sila ng leksyon."
"Hu? Anong leksyon naman?" tanong nila.
Pilya akong ngumiti. "Malalaman niyo rin, follow me guys, magpanggap kayong hindi niyo sila napapansin."
Tumango sila bilang pagsang-ayon. Dinala namin sila sa Library ng school. Kapag ganitong oras pa-iilan-ilan na lang ang pumupunta do'n, dahil uso na ang Mag-search sa internet ng mga project at assignment. Nagkunwari kaming walang alam na sinusundan nila kami, kumilos kami na parang walang pakialam kahit na nga nasa loob kami ng library.
"Nahuli sila sa bitag natin." Pabulong na sabi sa'kin ni Nica, nakatapat sa mukha niya ang makapal na libro, at nagkunwaring nagbabasa, habang ang mga mata niya ay nakatingin kila Loren at Annaliza. Sinenyasan ko ang iba kong kasama na maghiwalay-hiwalay at isa-isang umalis sa loob ng library, ilang minuto pa ang lumipas nagawa naming makalabas ng library. Eksakto namang paparating na ang security guard na magsasara ng library room, hinarang ko siya. "Manong, ako na po ang magsasara ng library room." Sabi ko.
"Ako na lang ang magsasara, titingnan ko pa kasi kung may naiwan sa loob." Sagot ng matanda.
Nagkatinginan kami, mukhang masisira yata ang plano namin.
"Manong, kami na po ang bahala. Iaabot na lang namin sa inyo kapag naisara namin ang library." Kinuha ko ang hawak niyang susi.
"Pero—
"Don't worry, Manong kami na po ang bahala." Sabi pa ni Nica,
"Sige, ibigay niyo na lang sa'kin mamaya, may mga room pa akong titingnan."
"Sige po,"
"Bye! Manong."
Inangat ko ang susi habang nakangiti ako. "We got it."
Nagtawanan kaming lahat, pagkatapos ni-lock namin ang pintuan ng library.
."Ang mga piggy, kawawa naman kakagatin ng lamok." Sabay tawa ko.
"Mabuti nga sa kanila 'yan, let's go umuwi na tayo."
Paalis na sana kami ng marinig namin ang malakas na pukpok sa pintuan. "Tulong! May tao po dito sa loob, buksan niyo po ang pintuan." Narinig naming sigaw.
Nagkatitigan kaming lahat at nagtawanan uli kami.
"Mabuti nga sa inyo! Akala niyo siguro, hindi namin alam na kanina niyo pa kami sinusundan, magdamag kayo diyan, ha-ha-ha!" sagot ko.
"Palabasin niyo kami, Mhaika, mananagot ka samin." Sigaw ni Loren.
Umarko ang kilay ko. "Pasalamat kayo, at hindi 'yan kulungan ng baboy. Dapat sa inyo nasa kulungan ng baboy. Pwe! Mga inahing baboy!"
BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Teen FictionGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...