Epilogue

46.8K 1.2K 318
                                    

A/N: last part na ito. Thank you!

Ella' P.O.V.

Dalawang buwan ang lumipas ng ikasal kaming dalawa. Bumili kami ng bahay at nagbukod na kaming dalawa ni Shawn. Naging masaya ang pagsasama naming dalawa ni Shawn kaya naman agad kaming biniyayaan ng supling, six weeks pregnant ako sa una naming anak ni Shawn. Hindi na ako bumalik sa gym mula ng nabuntis ako. Dahil maselan ang pagbubuntis ko hindi na ako pinagtrabaho ni Shawn sa bahay na lang ako at doon nagsusulat ng kwento.

Habang nakatutok ako sa harapan ng computer. Naramdaman ko ang yakap ni Shawn mula sa likuran ko.

"Babe, bakit gising ka pa, baka makasama 'yan sa Baby Aeden Harvey natin."

Napangiti ako. Binigyan na niya agad ng pangalan ang baby namin. Iyon kasi ang pangalan na matagal niyang gusto.

"Mauna ka na, tatapusin ko lang ang sinusulat ko."

Hinalik-halikan niya ako sa leeg hanggang sa pisngi. "Wag ng makulit Babe."

"Deadline kasi bukas, sige na mauuna ka na."

Tiningnan niya ang sinusulat ko. "Babe, bakit pangalan ko at pangalan mo ang nakalagay?"

Humarap ako sa kanya. "Sinusulat ko ang kwento ng buhay ko. Malay mo di ba maging pelikula rin tulad ng kwento ng buhay mo."

"Gusto mo gawin nating pelikula 'yan?" nakangiti niyang sabi.

Ngumiti ako. "Oo, pero gusto ko kung maging pelikula siya dahil nagustuhan nila at wala kang gagawin para maging pelikula."

"Sige, pero sa ngayon kailangan mo munang matulog para maging malakas si Baby." Hinalikan niya ako sa pisngi at pagkatapos binuhat niya ako patungo sa kwarto namin. Niyakap niya ako ng magkatabi kaming matulog.

"Good night, Babe. I love you." Muli niya akong hinalikan sa labi.

"Good night, Babe. I love you too." Sumiksik ako sa dibdib niya pagkatapos pinikit ko ang mga mata ko.

Hindi lang pala sa story ang may magandang happy ending, pati rin sa love story ko may happy ending rin.

****WAKAS***

Marahang tiniklop ng professor ko ang huling pahina ng sinulat kong kwento na My piggybank girlfriend. Ilang gabi akong nagpuyat para isulat at pagtiyagaang i-print, halos maubos na nga ang ink ng printer ko dahil sa kapal ng sinulat ko at nai-print ko.

Inayos ng Professor kong si Mrs Vegua ang makapal niyang salamin at tumingin sa'kin.

"Ito na ba ang entry mo para sa story contest ng paaralan natin Miss Weibford?"

Inayos ko ang nagusot kong uniform bago nagsalita. "Hindi niyo po ba nagustuhan ang kwento Ma'am Vegua?"

"Well, maganda ang story ng kwento. Kakaiba dahil isang two hundred pounds beauty ang bida, tapos nai-inlove sa kanya ang gwapo, mayaman, macho, suplado at higit sa lahat magaling na chef. Siguradong ikaw ang mananalo at matutupad mo na ang dream mo'ng maging book siya at maging pelikula."

"Talaga?" Masayang sabi ko.

Tumango si Mrs Vegua. "Pero ang kwento mo ay disqualified!"

"P-pero bakit naman po? Iniba ko na ang plot para maging kakaiba. Bakit disqualified?" inis kong sabi.

"Nakakalimutan mo na ba ang mga ginamit mo'ng characters ay totoong tao. Like for example si Andrei Sebastian, at ang pangalan ng School. Tapos kapangalan mo ang bidang babae. Higit sa lahat pangalan ng isang Santiago ang ginamit mo'ng bidang lalaki. Lahat ng pagsasalarawan mo sa bidang lalaki na magaling at batang Chef ay purely true, Iniba mo lang ang school. So hindi siya pwede kung gusto mo, I-revised mo at baguhin ang mga characters name dahil kapag nalaman nila iyan maaari kang kasuhan dahil ginamit mo ang name nila without any consent."

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon