Ella Marie's P.O.V
"I told you Ella, hindi 'yan ang dapat mong kinakain. Bakit hindi mo kinain ang binigay ko sayong kanina? Bakit hindi ka nag-jogging? Blah! Blah! Blah!"
Gusto kong pansamantalang ipatahi ang tenga ko para pansamantalang hindi ko marinig ang unlimited sermon ni Shawn, tinalo pa niya ang Mommy ko sa kaka-sermon sa'kin. Kulang ang kinakain mo everyday may free sermon ka pa, siguro nga papayat ako pero ang kapalit naman no'n mababaliw ako sa paulit-ulit na sermon ni Shawn na kahit sa aking panaginip ginugulo ako.
"Babe," pag-uulit niyang tawag sa'kin.
Inirapan ko siya. "Ayoko ng sumali sa contest na 'yan!" Sinalubong ko ang mga tingin niya sa'kin tapos humakbang ako palayo sa kaniya.
Ngunit bago pa ako makalayo sa kinatatayuan niya. Sinundan niya ako at hinila ang braso ko.
"Kung ayaw mo sa'king makinig. Siguro sila pakikinggan mo." Sabi niya sa'kin.
"Teka! Sino ang sinasabi mo? Bitiwan mo nga ako!" pilit kong hinihila ang kamay ko sa kanya. Ngunit mas lalong hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Kung hindi ko bibilisan ang paglalakad ko baka makaladkad ako papuntang car park.
"Wag kang tumutol, hindi kita kayang buhatin kung 'yan ang iniisip mo. Hihilahin lang kita ng mahigpit sa kamay O sa paa kung magpupumilit kang wag sumama." Sabi niya. Nang hindi man lang ako pinag-aksayang tingnan.
Sumimangot ako. "Ang sunget mo naman."
"Wala akong oras makipag-away sa'yo, Ilang araw na lang at magtitimbang na kayo, kapag bumagsak ka sa unang timbang mo ibig sabihin dis-qualified ka."
"Mas maganda! Matatapos na rin ang paghihirap ko."
Matalim na tingin ang pinukol niya sa'kin bago niya pinaandar ang kotse niya, ilang minuto pa ang lumipas, huminto ang kotse niya sa isang Mataas at malaking gate, may lumabas na Security guard at lumapit sa kaniya, pagkatapos niya makausap ang security guard. Binuksan na nito ang napakataas at malaking gate.
"Kaninong Mansion 'to?" hindi ko napigilang tanong.
"Mansion, kung saan magiging tahanan mo." Sagot niya sa'kin.
Kumunot-noo ako. Hindi ko kasi ma-gets ang ibig niyang sabihin. "What do you mean?"
"Piggybank ka na nga Slow ka pa." sarcastic niyang sagot.
I glared him. If I given a chance to kill someone. Siguro si Shawn na iyon. Sala sa init sala sa lamig ang mood. "Ang ganda ng sagot mo." Inis kong sabi.
Saglit niya akong sinulyapan. "Kapag naging mag-asawa na tayo. Dito tayo titira sa mansion namin. Ang gusto ni Mommy at Daddy, dito tayo titira hanggat hindi pa nakakadalawang taon ang magiging anak natin." Seryosong sagot niya.
Bigla akong nakaramdam ng init na umakyat hanggang sa pisngi. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko, dahil hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya.
"Wala kang sasabihin?"
Napatulala ako at saglit na-blanko. "Ha?"
"Magpa-general check up ka na bukas. Marami ka ng sakit na lumalabas. Bingi, Slow, High blood, mataas ang cholesterol. Ayokong maging biyudo ng maaga."
Pigil na pigil kong ilabas ang mga ngiti ko na gustong-gusto ng kumawala kanina pa dahil sa sobrang kilig. "I can't breath."sa isip-isip ko.
"Bumaba ka na diyan."
Agad naman akong bumaba ng kotse. hinawakan naman ni Shawn ang kamay ko, bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko.
"Wag kang kabahan Babe, ipapakilala lang naman kita sa mga Ate ko, hindi ka namin kakatayin."
Sinulyapan ko siya tapos kumindat siya sa'kin ng magtama ang mga mata namin. Mabilis kong iniwas ang mukha ko at ngumiti ako na hindi niya napapansin.
Pagtungtong ng mga paa ko sa Living room nila. Tila hindi ko na muling maihakbang ang mga paa ko papalapit sa mga taong nasa kusina at nakatingin sa'ming dalawa.
"Shawn! Siya na ba ang tinutukoy mo?" sabi ng babaing kamukha niya.
"Yes, Ate Jhoace." Sagot niya ng makalapit kami sa kanila.
Yumuko ako ng mapansin kong pinagmamasdan ako ng tinawag niyang ate, ang kabog ng dibdib ko ay sobrang lakas. Nakataas kasi ang kilay niya. "Anong masasabi mo sa kaniya Ate Heira?" baling na tanong ng ate niya sa isang babae na kasing ganda rin niya.
"Pwede na." sagot ng babaeng tinawag nilang Heira.
Lumapit ang dalawang babae sa'kin, at hinawakan ang buho ko at braso ko. Pinagpawisan ako ng malamig
"Lord, kakatayin na ba nila ako, wag po! Puro taba ako."
"Nasabi sa'kin ni Shawn na kailangan mo daw magbawas ng timbang, kaming bahala sa'yo." Nakangiting sabi ni Ate Jhoace.
Nabawasan tuloy ang nerbyos at kaba ko nang ngumiti siya sa'kin. "Po?"
"Alam mo ba'ng ngayon lang nagdala ng babae dito si Shawn? Ngumiti uli siya.
"Ate Jhoace, pagda-diet ang hinihingi kong tulong sa inyo, wag kung ano-anong interview ang ginagawa niyo sa kaniya." Reak ni Shawn.
Tumawa silang dalawa sa sinabi ni Shawn. Tila sinasadya nilang asarin si Shawn.
"Relax, Hindi ka namin ipapahamak." Nakangising sagot ni Ate Jhoace.
"Mga kapatid po kayo ni Shawn?" nagpapalit-palit pa ako ng tingin sa kanilang dalawa.
Umiling sila. "Si Jhoace ang kapatid ni Shawn, ako hipag nila. Asawa ako ng panganay nilang kapatid na si John Ace, may Tatlo na kaming anak."
Namilog ang mga mata ko. O! My Pignesh! Siya ang panganay na kapatid ni Duke Hairu Chuaford?" pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa at ngayon ko lang na-isip na kahawig niya si Hairu.
"Kapatid niyo po si Hairu?" hindi ko napigilang itanong sa kaniya, sigurado kasing gustong-gustong malaman ni Annaliza ang information na ito.
Ngumiti siya sa'kin. "Kilala mo pala ang pasaway kong kapatid, kamusta siya bilang estudyante? Sakit ba ng guidance councilor niyo?"
Umiling ako. "Tahimik at Suplado si Hairu sa School, ma'am.
Mas lalong lumuwag ang ngiti niya. " Hindi ko akalain na makulit pala si Hairu." Tipid kong sagot.
"Ate Heira, wag niyo ng kausapin ang Gilfriend ko ng walang kinalaman sa pagda-diet." Sabad ni Shawn.
"Ate Heira, selos si Shawn o!" nakangising sagot ni Jhoace.
"Psh! Bakit naman ako magseselos kay Hairu? Kasing dami ng buhangin ang nilalamang ko sa pagiging gwapo."
"Ang yabang talaga!" sa isip-isip ko.
"Naku! Kapag nalaman 'yan ni Hairu, hindi rin 'yan papayag. Ella Marie, mula bukas pagkatapos niyong mag-jogging ni Shawn, de-deretso na kayo dito para naman sa belly dancing mo. Tuturuan ka naman ni Jhoace at Clarence Miguel ng boxing. Siguradong mababawasan ang timbang mo.
Napalunok ako, parang hindi ko kayang gawin ang lahat ng gusto nilang gawin. Ang hirap masyado. "Ahm.. wala na ba'ng mas madaling paraan?"
Sabay pa silang ngumiti sa'kin at nagsabing.. "WALA!"
"Walang pag-asang makalusot." Bulong ko.***
Annaliza's P.O.V.
"Nasaan na kaya sila piggy?" sabi ko habang palakad-lakad ako sa labas ng classroom. Bitbit ko ang back pack ko na may lamang pagkain. Actually, mas inuuna kong ihanda ang babaunin kong pagkain sa tuwing papasok ko kaysa sa mga assignment at mga gamit na daladahin ko sa school. Mas concern ako sa pangangailangan ng tiyan ko. Kaya heto ako ngayon kumakain sandwich.
"Nakita niyo ba sila Ella at Loren?" tanong ko sa kaklase kong nakasalubong ko.
"Hindi e,"
"Okay, thank you!" tapos muli akong naglakad para hanapin sila. Nang makaramdam ako ng pagod. Umupo ako sa mahabang upuan na natatakluban ng malaking puno. Ang paghampas ng hangin sa'kin ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na parang hinihila ako ng antok. Kaya naman habang ngumunguya ako nakatulog ako.
"Gising!"
Isang maliit na bato ang tumama sa'kin ng magising ako. Ilang minuto pa lang naitulog ginising na agad ako. Nakaramdam ako ng inis. "Istorbo ka ng tu—log ko." Napanganga ako habang nakatitig sa lalaking nakayuko sa'kin at nakatitig sa mga mata ko. "Nasa heaven na ako."
Isang gwapong lalaki ba naman ang nakatitig sa'kin at nakangiti.
"Nguyain mo muna ang nasa bibig mo bago ka ngumanga. Nakakadiri kasi tingnan." Sabi niya.
Nag-aapoy tuloy ang mukha ko dahil sa sobrang hiya, bakit hindi ko napansing may nginunguya ako bago ako makatulog. "Shit! Nakakahiya sa Dream boy ko."
"Sorry!" umiwas ako ng tingin sa kaniya at mabilis kong inubos ang nasa bibig ko.
"Ang cute mo pala kapag namumula ang mukha mo." Nakangiti pa siya sa'kin.
"Oh! My Pignesh!"
"Thank you!" tipid kong sagot.
"Teka nasaan ang mga kaibigan mo?" tanong niya sa'kin.
"Hinahanap ko nga sila, ikaw nasaan ang mga kaibigan mo?" tanong ko rin.
Nagkibit balikat siya. "May nakikita ka ba'ng kasama ko?"
"Pilosopo ka pala."
Ngumiti uli siya. "Pansin mo pala." Kumuha siya ang sandwich sa loob ng bag ko. "Thank you!" sabay nguya niya.
"Ibang klase kang manghingi e, thank you agad."
"Para walang kawala. Alam mo cute ka," muli akong yumuko ng magtama ang mata namin. "Pero siguradong hindi ka lang cute kapag pumayat ka. Magandang-maganda ka."
Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko, para akong aatakihin sa sakit sa puso sa kilig.
"G-ganoong babae ang gusto mo, sexy?" nauutal kong sagot.
"Kaya mo ba'ng maging sexy para sa'kin?"
"Ha?"
"Okay, ganito na lang. Idi-dare kita Annaliza, kapag pumapayat ka, kahit anong gusto mo'ng ipagawa sa'kin. Susundin ko."
"Kahit ano?"
Tumatango-tango siya sa'kin. "Hindi mo naman siguro sasabihin na kukunin mo ang bahay at lupa namin?" ngumiti pa siya sa'kin.
"Syempre hindi, sige pumapayag na ako, at kapag ikaw ang nanalo gagawin ko rin ang gusto mo na kayang kong gawin."
"Okay Deal!" tinaas niya ang hinliliit niya, gayon din ang hinliit ko at pinag-krus namin iyon. Para naman akong hihimatayin dahil sa pagdikit ng daliri namin. Parang gusto ko na agad pumayat bukas para matupad ang hiling ko.
Pagkatapos sabay naming inubos ang laman ng pagkaing nasa loob ng bag ko. Ito na ba ang right time para talikuran ang pagiging baboy ko. Talikuran ang Letchon, liempo, hotdog, sanwich, burger, pizza, spagetti etc. Ito na ba ang ang oras para kasuklaman ang lahat para kay Duke Hairu, sana hindi ako nagkamali ng desisyon, sana talaga..
![](https://img.wattpad.com/cover/112417430-288-k236365.jpg)
BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Teen FictionGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...