Chapter 30

30.8K 974 153
                                    

Chapter 30
ELLA'S P.O.V.

"Good morning, Mommy. Good morning Daddy." Pagkatapos ko silang bigyan ng halik sa pisngi ay umupo na ako sa harap ng lamesa.

"Yaya, Gatas lang po ako at Nilagang saging." Ngumiti pa ako sa Katulong namin.

"Opo, Senyorita." Agad naman niyang inilapag sa harapan ko ang nilagang saging at Gatas na tinimpla niya kanina.

"Thank you, Yaya." Pagkatapos nag-umpisa na akong kumain.
Nakatulala sila Mommy at Daddy sa'kin habang pinagmamasdan akong kumain.

"Bakit po?" sabi ko nang mapansin ko silang hindi kumakain.

"Anong nangyari sa'yo, Ella?" tanong ni Mommy.

"Maganda ba ang panaginip mo at ganyan ka-ganda ang gising mo anak?" sabad pa ni Daddy.

Malapad na ngiti ang naging tugon ko sa mga tanong nila. "People change." Tipid kong sagot, pagkatapos pinagpatuloy ko ang pagkain.

Habang kumakain kami ng almusal. Walang patid naman ang mga tanong ni Mommy at Daddy sa'kin. Isang malaking himala daw kasi ang nangyari ngayong umaga. Unang-una, hindi raw sila nahirapan gisingin ako para bumangon. Nakakagulat daw ang pagpunta ko sa hapagkainan na nakasuot na ng uniform at handa ng pumasok.

"People change!" iyon ang naging sagot ko sa lahat ng tanong nila sa'kin na kinainis naman nila. Gusto kasi nila ng mahabang detalya 'yung tipong parang lumalaban ako ng Declamation.

"Papasok na po ako." Sabay bitbit ko ng bag ko at lumabas ako ng bahay upang doon hintayin si Shawn.
Kalahating oras na ang lumipas ngunit walang Shawn na dumating para sunduin ako, sobrang inis ang naramdaman ko. Lalo na't walang kahit isang reply akong natanggap mula sa kanya.

"Makikita mo mamaya, Shawn, who you ka sa'kin!"

"Ella!"

Napalingon ako nang marinig ko ang pangalan kong tumatawag sa'kin.
Kumunot-noo ako. "Andrei?"

Huminto ang kotse ni Andrei sa harapan ko at lumabas siya ng kotse. "Mabuti na lang pala at na-isipan kong dumaan dito." Pinagmasdan niya ako. "Mukhang hindi dumating ang sundo mo."

Tumaas ang kilay ko at rumehistro sa mukha ko ang inis. "Si Shawn kasi late, hindi yata papasok."

"Huh? Ang alam ko kanina pa siya nasa School dahil ngayon siya muling kakausapin ng Dean."

"Gano'n!"

"Hindi ba sa'yo sinabi ng Boyfriend mo?"

Mas lalong nadagdagan ang inis ko sa narinig ko. Kahit pala mamuti ang mata ko, walang Shawn na darating. Grrr!

"Let's go! Andrei." Agad akong sumakay sa kotse ni Andrei, kahit  hindi niya pa ako inaalok na sumakay.

"Okay!" kibit balikat pa niya.
Hindi ko ma-iwasang mainis habang binabagtas namin ang daan patungo sa School namin. Hindi naman sa ako ang dapat unahin ni Shawn, dapat sana nagtext siya or tumawag na hindi na niya ako hihintayin dahil kailangan niyang maagang pumasok para hindi na ako naghintay sa kanya ng matagal.

"Pwede ng pagsabitan ng kaldero ang nguso mo, chillax lang."

I deadly glared. "Shut up!"

"Sungit mo."

"Wala ako sa mood makipag-usap." Sabay irap ko.

"Okay, sige hindi na kita kakausapin, basta mamaya sabay tayong kumain ng Lunch, remember ililibre kita di ba?"

Tumango ako tanda ng pagsang-ayon. Pagkatapos ipinikit ko ang mgat mata ko. Hindi ko na siya uli kinausap. Mas gusto kong i-preserve ang mga sasabihin ko kay Shawn mamaya. Kaya ng makalipas ang labinlimang minuto nasa parking area na kami ng school. Agad akong bumaba ng hindi hinihintay si Andrei.

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon