Chapter 16

37.2K 1.3K 66
                                    

[Ella Marie's P.O.V.]

Ito ang araw na pinakahihintay ng lahat ng mga estudyante sa weibford university. Ngayon na kasi gaganapin ang pageant at karamihan sa mga estudyante ay excited malaman kung sino ang mananalo. Bukod do'n ang pinaka-excited sa lahat ng ito ay si Mommy, kahapon pa lang nandito na siya para paghandaan ang event na ito. Kung noong mga nagdaang araw hindi sila sumama sa'kin para suportahan ako sa mga pictorial at practice, ngayon silang dalawa ni Daddy ang kasama ko para sumuporta sa'kin, napapataas kilay na lang ako sa kanila dahil pinaghandaan talaga ni Mommy ito, mas mahal pa yata ang mga suot kong gown sa prize ng mananalo, pero hindi iyon alintana ni Mommy dahil ang mahalaga kay Mommy ay ang makuha ko ang titulo ng mananalo, iyon kasi ang pangarap niya.

"Jovel, Ayosin mo ang buhok ni Ella, Trisha! Siguraduhin mong maganda ang pagkakamake up mo kay Ella Marie.. Ella, wag kang sumimangot. Blah! Blah! Blah!"

Hindi pa nga nag-uumpisa ang pageant pero stress na ako kay Mommy dahil sa boses niyang maraming reklamo at opinyon, sa tatlong taong nag-aayos sa'kin habang nakaupo ako. Feeling ko kapag natapos ito ibang tao na ako. Kung ano-anong pinaggagawa sa'kin mahigit isang oras na akong inaayusan.

"Mommy, masyado na yatang sobrang paghahanda ang ginagawa natin. Hindi naman ito contest para sa Miss Universe." Reklamo ko.

"Jovel, medyo itaas mo ng konti ang pag-curly ng book niya." Tumingin siya sa'kin. "This is the fist step of my dream. Susunod niyan isasali na kita sa contest sa bayan. Tapos dadayo tayo kung saan-saang contest hanggang sa mahasa ka at makasali ka sa Binibing pilipinas tapos Miss Universe, kaya dapat ituloy-tuloy mo na ang pagda-diet." Nakangiti niyang sabi.

I rolled my eyes. "No way! Last na ito Mommy. Masyado ng nakakapagod."

Nameywang si Mommy sa harapan ko, "Sasali ka sa ayaw at gusto mo, ibabalik ko na pala ang credit card, Atm card at bank book mo Ella Marie, basta siguraduhin mo'ng mananalo ka. Sinabi ko sa kanilang kahit ikaw ang Anak ko, hindi sila pwedeng maging balimbing piliin nila ang deserving na manalo. Kaya galingan mo."


Okay na sana yung sinabi niyang ibabalik niya lahat, pero napakahirap naman ng kondisyon niya, hindi ko nga alam kung anong gagawin kahit paulit-ulit naming pina-praktis ito, nahihirapan pa rin ako, lalo na ang pagrampa sa stage.

"Hindi ko maipapangako ang gusto niyo Mommy, gagawin ko ang lahat ng kaya ko. Kaya sana naman Mommy ibalik niyo na ang Bank Account ko at Atm ko."

"Ibabalik ko kung mananalo ka." Sabay ngisi niya.


"Wala ng pag-asa."


"Teka? Nasaan ang Escort mo, Ella?"

"Wala po akong escort Mommy." Tipid kong sagot.

"Wala ba? Sino 'yang gwapong papalapit dito?" nakangiti pa si Mommy.

Ang bilis ng tibok ng puso ko ng magtama ang tingin namin ni Shawn, hindi ko nagawang umiwas ng tingin dahil sa itsura ni Shawn. He's so Handsome and hot sa suot niyang white fit tshirt. Habang nakasampay sa balikat niya ang red polo niya. Feeling ko tumutulo ang laway ko sa adonis na papalapit sa'kin. My cheek turn to red ng bigla siyang kumindat sa'kin. "Shit! My heart, kailangan yata ng pampakalma."


"Hello, Tita." Bati niya kay Mommy ng lumapit siya.


Dug,dug, dug. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang papalapit siya sa'kin. Kung pwede lang hilahin ko na siya para yakapin agad. "Hi Babe, sabay halik niya sa'kin sa pisngi." Simpleng halik lang iyon pero parang gusto ng sumabog ng puso ko. Parang nasa fourty degree ang temperature ng init ng katawan ko ng maramdaman ko ang labi niya sa pisngi ko.

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon