Chapter 10

41.3K 1.4K 108
                                    

Ella Marie's P.O.V


"Ano ba kasing ginawa mo bakit ganyan ang nararamdaman mo?" tanong sa'kin ni Annaliza habang nasa loob kami ng Classroom.

Habang hawak ko ang isang bote ng malamig na malamig na mineral water. Sapo ko ang ulo dahil sa nararamdaman kong hang-over.

"Nag-inuman kasi kami kagabi ni Shawn Skyler."

"Whaaattt!! Oh-my-Pignesh!" lumapit sila sa'kin na sobrang Dikit na dikit, kulang na lang magpalit-palit kami ng mukha. "Oh! My!Pignesh! Anong ginawa niyo sa Bar? Nagborles ka ba do'n?" nanlaki pa ang mata ni Loren.

"Sumayaw ka ba doon ng Walang saplot? Oh-My gosh! Baka may Video ka na Ella Marie maging viral." Reak na sagot ni Annaliza.

Tumaas ang kilay ko. "Ano ba'ng pinagsasabi niyo? RestoBar pinuntahan namin hindi bahay aliwan ng mga hayok sa laman! Jusko! mga piggybesh! Ang cheap ng Pinag-iisip niyo." Inis kong sagot.

Bigla nilang nilayo ang mukha nila sa'kin. "Ano ba'ng malay namin. Hindi naman kami pumapasok diyan e, pagkain lang ang trip namin ni Annaliza, di ba? Piggybesh?"


Tumango si Annnaliza. "Big check sa pink na ballpen ko." Aniya.


"Okay Class! I have an Annoucement for you."

Napahinto kami sa pag-uusap ng biglang sumulpot ang professor namin at nagsalita. Umayos kami sa pagkaka-upo. Mahirap ng mahuli kami ng professor naming nagda-daldalan baka tanungin kami sa mga lecture niya kahapon. Hindi pa naman kami pumasok tatlo sa subject niya.


"Ano po iyon Sir?" narinig naming sigaw ng mga classmate namin.

"May contest next month. Miss and Mr Body Beautiful. But, this is an ordinary contest? Ang pwede lang sumali ay mga matataba na may timbang na Two hundred to three hundred pounds. Ang mechanics dapat nilang Meet ang timbang na atleast one fifty pounds."

Nagkatinginan kaming tatlo nila Annaliza at Loren. Alam namin kasing kami ang ituturo ng mga bully naming kaklse.

"Sir, marami po kaming panlaban. Sila Loren, Annaliza at Ella Marie. Sila ang magandang panlaban." Sabat ng classmate namin.

Naghalakhakan silang lahat.

"Quite! Hindi niyo pa nga alam kung papayag sila." Binaling sa'min ang tingin nila. "Willing ba kayong sumali?" tanong ng professor namin.

"Nooo wayy!!" sigaw ni Loren at Annaliza.

"Sir, hindi po kami sasali diyan." Sabat ko.

"Tama! Ayaw naming mag-diet never!" inis na sabad ni Loren,

"Walang kwentang contest 'yan! Kelan pa nagkaroon ng ganyang contest sa school na ito." Reak pa ni Annaliza.

"For your information mga ladies, request ito ng principal ng school. And hindi tayo pwedeng walang panlaban. Kailangan may candidate tayo, dahil unang-una kailangan niyong i-represent ang course niyo lalo na Culinary arts kayo. Kailangan niyong ipakita sa lahat na kayang i-manage ang healthy life style kahit mahilig kayo sa foods and that's the main purpose natin. So sino sa inyong tatlo ang sasali?"

"Si Ella Marie." Turo sa'kin ng dalawa kong kaibigan.

"Bakit ako ang tinuro niyo?"

"Syempre alangan naman kami ang sasali, hindi pa kami ready sa pagda-diet piggybesh, isa pa nag-uumpisa ka na diyan."

"Miss Ella Marie Weibford, umpisahan mo nang maghanap ng escort mo para sa contest."

"Teka! Sir, hindi pa naman ako pumapayag, bakit ako maghahanap?"

"Actually, ang sabi ng principal ikaw raw ang isali sa contest na ito."

Sumimangot ako, "Bakit hindi niyo na lang sabihin na si Mommy ang may gusto ng Contest na 'yan." Kahit naman kasi hindi nila sabihin may kutob akong si Mommy ang nag-isip ng contest na 'yan. Ngayon lang kasi nagkaroon ng ganyang contest dito sa school.

"I don't know what your taking about Miss Weibford. as I've said, maghanap ka ng magiging escort mo. Anyway, change topic, let's start to our topic for today."

Mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa sinabi ni Sir sa'kin. Si Mommy talaga! Gagawin niya ang lahat para lang matupad ang pangarap niyang maging miss beauty Queen na katulad niya.

"Piggy besh, ano kaya kung si Shawn Skyler na lang ang Escort mo? Mukhang bagay naman kayong dalawa." Ngiting-ngiti pa si Loren habang sinasabi niya iyon sa'kin.

"Hindi iyon papayag, isa pa hindi kami close ni Shawn." Sabay irap ko sa kanila.

"Hindi daw? Pero palagi silang magkasama." Sagot ni Annaliza.

"Pwede ba! Makinig na nga lang tayo kay Sir, hindi kung ano-ano ang iniisip niyo."

"Ang sungit mo naman Piggy." Sagot ni Loren. Tapos nakinig na kami sa professor namin.

Habang naglalakad kami papuntang Canteen nakarinig kami ng hiyawan ng mga estudyante. Hinanap namin kung saan nagmumula ang hiyawan na iyon hanggang sa malaman naming sa loob ng Canteen.

"Excuse us! Kung ayaw niyong itulak namin kayo." Sabi pa ni Loren habang hinihila kami papalapit sa unahan.

"Ayan na si Elle Marie, grabe ang swerte niya." Narinig kong bulong-bulungan ng mga estudyante. Binigyan pa kami ng daan ng makita nila kami.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa dalawa kong kaibigan. Simula kasi nang makita nila ako sa'kin na sila nakatingin.

"Ewan ko, magkakasama tayong tatlo e," sagot ni Annaliza.

Inirapan ko siya. "Asar ka rin.

Tumaas ang kilay ko nang nasa harapan na kaming tatlo. Wala naman kasing kakaiba sa unahan para pagkumpulan ng mga estudyante, Walang espesyal O kakaiba doon, Nandoon lang ay isang upuan.

"Umalis na nga lang tayo. Wala namang kakaiba dito." Pumihit patalikod si Loren habang si Annaliza ay nakatingin lang sa upuan na tila may hinahanap siya rito. Hindi pa rin maiguhit ang kaligayahan ng ibang estudyante nakatingin sa'min.

"Halika ka—"

Naputol ang sasabihin ko dahil sa hiyawan ng nasa unahan namin kulang na lang matanggal ang eardrums ko sa sigaw nila. Sinundan namin ng tingin ang mga mata nila at nalaglag ang panga ko ng makita ko si Andrei na may bitbit siyang mga bulalaklak. Tulad ng ibang napahiyaw rin kami sa papalapit na si Andrei. Bagamat nakasuot siya ng school uniform, ayos na ayos naman ang buhok nito na nilagyan pa ng gel, idagdag mo pa ang mga ngti niya habang papalapit sa'min.

Lumapit siya sa'kin. "Flowers for you Miss Beautiful." Sabi niya sa'kin, habang nakatitig siya sa'kin.


"Para sa'kin ba talaga 'yan?" hindi ko inaalis ang tingin ko sa mukha niya kahit na nga nararamdaman ko ang paulit-ulit na pagsiko ng mga kaibigan ko Sa'kin.

"Yes! Its all for you." Nakangiti pa niyang sabi.

"Ligawan mo na ang lahat ng babae dito wag lang ang babaing pag-aari ko!"

Sabay pa kaming napalingon sa likuran namin at nakita namin si Shawn na nakapamulsa habang kampateng naglalakad palapit sa'min, lumapit siya kay Andrei na halos magdikit na sila ng mukha. "Tigilan mo ang girlfriend ko!" pasigaw na sabi ni Shawn.

Napayuko tuloy ako dahil sa hiya, nakatuon kasi samin ang lahat ng tingin ng mga estudyante doon.

"Pigilan mo si Shawn, piggybesh baka makipag-away siya." mahinang sabi ni Loren sa'kin.

Bumuntong-hininga ako upang kumuha ng lakas ng loob para harapin siya. "Shawn!"

Isang matalim na titig ang pinukol niya sa'kin. Umurong tuloy ang dila ko.

"Dude, bakit hindi mo tigilan si Ella Marie? Hindi naman siya ang gusto mo'ng babae." Sabi ni Andrei.

"Its none of your business!" Lumapit sa'kin si Shawn at hinawakan ang braso ko tapos tumingin sa'kin. "Sasama ka sa'kin kung ayaw mo'ng marinig nila ang sinabi mo sa'kin kagabi." Seryosong sabi niya sa'kin.


Napakunot ang noo ko at pilit na inaalala ang nangyari kagabi, namilog ang mga mata ko, "Oh! Shit!" napatakip pa ako sa bibig nang maalala ko ang nangyari kagabi.

Yumuko siya sa'kin at bumulong. "Gusto mo ba'ng marinig ang lahat ng sinabi mo kagabi? Gusto mo ba'ng marinig nila?"

Umiling-iling ako. "Let's go!" hinila ko pa ang braso niya palayo. Wala na akong pakialam kung anong isipin at sabihin nila.


***

Nakabusangot ang mukha ko habang nakacross-arm ako sa harapan ni Shawn Skyler, nasa loob kami ng classroom kung saan kami magkaklase, matapos niyang iparinig sa'kin ang ni-record niya kagabi. Ginawa na niya akong utusan, well, kasalanan ko rin naman e, sinabi ko rin naman kasi talaga iyon sa kaniya, kung bakit naman kasi ang daldal ko kagabi. Nahuli tuloy ako sa sarili kong bibig.

"Babe, pwede mo ba akong paypayan? Please!" nakapuppy eyes pa siya sa'kin.

Matalim ko siyang tinitigan habang siya naka-puppy-eyes pa sa'kin. "Ayoko! Bakit ko naman gagawin ang inuutos mo!"

"Because you're my Slave." Enjoy na enjoy pa siyang sa sinasabi niya.

"Eh, kung daganan kita diyan? Letche ka!" tatalikod na sana ako upang mag walk out.

"Ikaw rin, maririnig ng buong school ang mga sinabi mo sa'kin kagabi."

Huminto ako at humarap sa kaniya. Kung nakakamatay lang ang mga matatalim na titig patay na siya. Nagpapadyak akong bumalik sa harap niya. "AKIN NA ANG PAMAYPAY!!" sigaw ko.

Tumingin siya na parang nang-aasar. "Ang sarap dukutin ng mata mo!"

"Galit ka ba?"

"Ano sa tingin mo?"

"Ayokong ibigay, galit ka sa'kin, gusto ko lambingan mo muna."

Sinabunutan ko ang buhok sa sobrang asar kay Shawn, sinasabi na nga ba! Trip niya lang akong asarin! Grr!

"Babe... pwede ko ba'ng makuha ang pamaypay para magawa ko na ang gusto mo." Sinadya ko pa'ng landiin ang boses ko para sa kanya.

Nang tingnan ko siya ngiting-ngiti sa'kin.

"Sure," Iniabot niya sa'kin ang pamaypay at pinapaypayan ko siya.

"Okay na ba yan?" sabi ko.

"Tumabi ka nga sa'kin. At pakilakasan ng pagpaypay mo. Number three sa lakas."

"Relax lang Ella Marie."

"Ano ako Electricfan!"

"Hindi piggybank."

I glared. Pengeng isang araw para paslangin ko ang letcheng  lalaki na ito.

"Babe, pakilakasan ang pagpaypay ang init kasi. lakasan mo please! Sige ka, ikaw rin."

"Makakaganti rin ako sa pamba-blackmail mo sa'kin!"

"I love you Babe."

Sumimangot ako, "Babe, ang sarap mo'ng patayin." Sabi ko.

Mahina siyang tumawa. Aliw na aliw talaga siya sa ginagawa niya. "Ang cute mo pala kapag nagagalit."

"Tse!" Sabay irap ko sa kaniya.

"Babe, pwede ba'ng tama na ito. Nilalamig na kasi ako," sabi ko sa kaniya. Paano ba naman kasi ang lakas-lakas ng aircon sa loob ng classrom tapos magpa-paypayan kami, gusto lang talaga niya akong pahirapan.

Tinitigan niya ako. "Sige, kiss mo muna ako."

"Yes! Ay! Anong sabi mo i-kiss kita? Yuckk! No way! Over my sexy body."

"Maka-yuck naman, parang hindi mo ako pinagsamantalahan ang labi ko."

Huminto ako sa pagpaypay sa kaniya. "Ano? H-hindi ko ginawa iyon! Asa ka!"

Tumingin siya sa'kin. "Gusto mo ng evidence?" Kinuha niya ang Cellphone niya bubuksan sana. Pero pinigilan ko siya.

"No need,"

"So i-kiss mo na ako. I'm waiting."

Tumingin ako sa kaniya. Ang tukmol, naka-dikwatro pa. Huminga ako ng malalim upang kumuha ng lakas ng loob. Mas maganda siguro kung lasing na lang ako. 'Yung wala akong maalala sa ginagawa ko.

"Piggy besh!"  tawag sa'kin ni Loren, kasama niya si Annaliza.

"Good timing!"

Nakasimangot si Shawn ng tingnan ko siya. "He-he-he! Buti hindi natuloy. manyak ka!"

"Oh? Bakit?"

"Pinapatawag ka ni Sir, ilista mo na daw ang magiging escort mo."

"Ha? Ano? Ayokong sumali diyan! Bahala sila."

Lumapit si Shawn samin at inakbayan ako. Bigla tuloy bumilis ang kabog ng dibdib ko pag-akbay niya. "Sasali siya at ako ang escort niya."

Napatili ang dalawa kong kaibigan sa sinabi ni Shawn. Nakakatitig naman ako sa kaniya. Bakit ganito ang nararamdamn ko bumibilis ang tibok ng puso ko. Nagtama ang tingin namin ng lumingon siya sa'kin. "Ang gwapo ko ba?" sabay kindat sa'kin.

"Ang kapal mo!" Sabay iwas ko ng tingin sa kaniya, hindi ko gusto ang nararamdaman ko, hindi ko gustong nakakausap at nakakasama ko ang ultimate crush ko, ayoko ng ganito mas gusto ko noon. Nag-aabang lang akong dumaan siya. Inaantay ang Subject na magkasama kami at inaasam na mapansin niya ako. Ayoko ng ganito dahil unti-unting lumalalim ang naradamdaman ko sa kaniya unti-unti akong nahuhulog sa kaniya.


"Let's go! Magpalista ka na!" hinila pa niya ang kamay ko. Ang dalawa kong kaibigan nakasunod saming dalawa.


"Ikaw? Mr Shawn Skyler Santiago ang partner niya?" hindi makapaniwalang tanong ng babae sa Registration.

"Yes, susuportahan ko ang girlfriend ko."

"Lupa, lamunin mo ako."

Lahat kasi sila nakatingin sa'ming dalawa. Hindi ko tuloy maiangat ang mukha sa sinabi ni Shawn. Bakit hanggang dito sinabi niya ang kalokohang iyon.

"Girlfriend mo si Miss Ella Marie Weibford?"

"Yes! Something wrong?" inakbayan pa niya ako na parang proud na ako ang girlfriend niya.

"Wala naman! Sige nakalista na kayo. Kailangan niyang magpatimbang bago fill-up-an ang form."

"Thank you! I'll make sure na mananalo ang girlfriend ko." Sabi pa ni Shawn.

"Shawn, pwede ba'ng huwag mo'ng ipagkalat na ako ang girlfriend mo." Sabi ko sa kaniya nang makaalis kami sa registration desk,

Huminto siya, salubong ang kilay niyang tumingin sa'kin. "Why? Ikinakahiya mo ba ako bilang boyfriend mo?"

"Ha?"

"Ayaw mo ba'ng malaman nila na ako ang boyfriend mo para ligawan ka ni Andrei."

"Teka! Bakit nadamay si Andrei dito. Hindi naman iyon ang gusto kong sabihin."


Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tumingin siya sa'kin. "I'm sorry Babe, pero hindi ako papayag na mapunta ka sa iba. Ayoko ng may kahati. Akin ka lang okay!" mabilis pa niya akong dinampian sa noo.

Nagkulay kamatis ang mukha sa sinabi niya. Gusto kong maniwala na totoo ang lahat ng sinabi niya, gusto kong paniwalaan na nagseselos siya at mahal niya ako. Pero paano? Nakakatakot umasang totoo ang lahat.

"Nagseselos ka ba?" mahina kong tanong sa kaniya.


"Yes! I'm jelous, so please! Iwasan mo siya." He said habang nakatitig siya sa'kin.


"Oh my Pig! kinikilig ako."


MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon