CHAPTER 17
ELLA'S P.O.V.
Nangingig ang buong katawan ko habang bumibilis ang tibok ng puso ko, nararamdaman ko rin ang pagpatak ng pawis ko mula sa likuran ko, para akong nasa kabilang dimension habang hinihintay kong sabihin ng Emcee ang mananalo. Pinikit ko ang mga mata ko upang taim-tim na magdasal. "Hindi ko po hinihingi ang manalo ng miss Popular girl ng Weibford, ang gusto ko lang po may makuha kahit first at second runner up."
"For Second runner up! Goes to—?" Naghiyawan ang bulong palagid, naririnig kong sinisigaw nila ang number four at Ten, walang sumisigaw sa'kin. Number three kasi ang numero ko. Tinawag na kanina ang Third runner up. Ramdom ang pagtawag nila kaya hindi mo malalaman kung sino mananalo, sa ganoong paraan mas mai-intese silang malaman kung sino ang magwawagi.
"For second runner up..."
Parang gusto kong batuhin ng suot kong sandals with four inches na heels ang Emcee, sobrang pabitin. Para akong natatae sa sobrang ka ba.
"Number two, congratualation!" pabitin na sabi ng Emcee.
Napahiyaw ang katabi kong contestant at napaiyak sa kaligayahan. Ayos na 'yung maging second runner up, para sa'kin masaya na ako doon.
"And now for First runner up!"
Mas malakas pa ang tibok ng puso ko kaysa naririnig kong tambol. Usually ang laging natitira, ay yung magiging First, second at yung champion. Pero dito kakaiba, sinadya siguro nilang ibahin, dahil tatlo na lang kaming naiiwan. At maaring isa sa'min ang makauwi ng korona, kung sinunod sana nila yung dating nakagawian na first at magiging champion lang ang matitira, sana hindi ako kinakabahan ng ganito, masaya na akong manalo ng first wag lang ang fourt dahil matatalo si Shawn sa pustahan. Ayokong mangyari 'yon kaya halos lahat ng santo tinawag ko na marinig lang nila ang hiling ko.
"Congratulation to—"
"Lord, please ako na lang po." Dasal ko.
"Conratualation to Miss, Ella Marie Weibford for Winning first runner up!"
Dumagundong ang hiyawan ng sabihin ng emcee, natulala ako at panandaliang huminto ang paligid ko, hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko sa kaligayahan. "I made it." Pa-bulong ko.
Mula sa kinaatatayuan ko, nakita kong tumatakbo ang mga kaibigan ko, si Shawn Skyler, habang sila Mommy ay umakyat sa stage. Hindi ako makakakilos sa kinatatayuan ko. Nararamdaman ko rin ang unti-unting panlalabo ng mata ko.
"Nagawa kong manalo ng first runner up." Bulong ko sa hangin.
Hindi ko na nagawang humakbang dahil dumilim na ang paningin ko.
"Babe!" huling salitang narinig ko bago ako mawalan ng malay.
Nagising akong nakasandal ang balikat sa kinauupuan ko, nagsipatin ko ang lugar. Napansin kong nasa driver seat ako at katabi ko si Shawn.
"Anong nangyari?"tanong ko kay Shawn, Dalawang beses kasi akong hinimatay una, noong kokoronahan ako, medyo na-delay pa nga ang pag-annouce ng nanalo dahil hinintay nila akong magising, hindi kasi si Mommy na pumayag na walang picture at video ang paglagay sa'kin ng korona bilang first runner up, ang pangalawang himatay ko pagkatapos akong koronahan. Gutom at pagod na rin siguro kaya gano'n ang nangyari sa'kin.
Ngumiti siya sa'kin, "Hindi mo nasungkit ang miss Weibforb. Pero ikaw naman ang first runner up, ibig sabihin ako ang nanalo sa pustahan."
"Walang anuman, sapat na sa'king napanalunan ko."
"Thank you Babe, pinilit mo'ng manalo, dahil diyan, ililibre kita kahit ano at kahit saan mo gusto."
Lumiwanag ang mukha ko tapos tinitigan ko siya habang ngiting-ngiti ako sa kanya.
"Sigirado ka?" pag-uulit ko.
Tumango siya, "Name it."
Saglit akong nag-isip, "Sa Favorite restaurant naming kainan, okay lang ba sa'yo?"
"Your wish is may command." Sabay patakbo niya ng mabilis ng kotse niya.
Dahil galing akong pageant, suot ko pa rin ang huling gown ko, hindi ko pa ring maiwasang yumuko habang naglalakad dahil sa hiya ko sa mga taong nakakakita sa'kin, kadalasan mga mayayaman ang pumupunta rito, ngunit hindi naman ganito ka-bongga ang suot nila ng tulad sa'kin.
Pinisil ni Shawn ang kamay ko kaya nai-angat ko ang mukha ko upang tingnan siya. "Baka madapa ka diyan, hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo." Sabi niya sa'kin.
"Nahihiya kasi ako sa suot ko."
"Wala namang nakakahiya sa suot mo, ang ganda nga at ang sexy mo diyan."
Biglang namula ang mukha ko kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Nagiging dalagang Filipina ka na, masyado kang tahimik at mahinhin ngayon." Sabi pa niya.
Natahimik ako, so ibig sabihin hindi ako dalagang filipina noon kasi mataba ako. Grrrr!
Pagtapak pa lang ng mga paa namin sa loob ng restaurant, narinig kong tinatawag ang pangalan ni Shawn, hinanap ko ang boses na iyon, ngunit para lang maghugis puso ang mga mata ko, ang crush na crush kong mga anak ni Greek Apollo kumakaway sa'min ni Shawn, I flipp my hair, then, I smile with extra papungay ng mata habang nakatingin ako sa kanila.
"My loves."
"Si Kuya John Ace at Kuya Clarence Miguel pala 'yon."
"Puntahan natin." Sabay hila ko ng kamay niya, hindi ko na ito palalampasin. Matagal kong pinangarap na makita sila at makadaupang palad. Habang papalapit kami sa kanila. Paliwag nang paliwanag ang nakikita ko sa kanila. Parang nasisinag ako sa ka-gwapuhan nila shet!
"Shawn, may kasama ka pala." Binaling pa niya ang tingin sa'kin, ako naman nagpabebe.
"Yes, kuya Clarence Miguel, she's my Girl—?"
"GIRL CLOSE FRIEND!" putol ko sa sasabihin ni Shawn. Kulang na lang dalhin ako sa morge kung nakakamatay ang tingin ni Shawn sa'kin. Pa-simple ko ring inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
Sumimangot si Shawn, "Yeah, my friend." Walang kabuhay-buhay niyang sabi.
"Sit down, mukhang may date kayong dalawa." Sabad pa ni John Ace.
Nagkulay puso ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni John Ace, he's so damn hot and sexy. Yung tipong maglalaway ka habang nakatitig ka sa kanya.
"Thank you my love." Hindi ko napigilang sabi. Huli bago ko ma-realize ang sinabi ko.
"What?" tanong ni John Ace.
"I mean thank you! Mabuti walang langaw dito." Napangiwi ako sa alibi ko, sana maniwala.
"Walang langaw dito napakalinis dito at malinis ang pagkakaluto ng pagkain. Masarap din ang mga pagkain dito hindi ka magsisi."
"Yeah, masarap ang pagkain dito."
"Hindi talaga ako magsising minahal ko kayo." Nakatulala pa ako sa kanilang dalawa.
Ngumiti si John Ace at Clarence Miguel.
"Oh-my-pignesh! My heart is going to explode. Kyaaahh!"
"Anong pangalan mo Miss Beautiful?" nakangiting tanong ni John Ace.
Sinuklay ko muna ang buhok ko at pasimple akong nanalamin gamit ang screen ng cellphone ko tapos ngumiti ako na sobrang Over Acting na, "My name is Ella."
"Nice Name Ella, my name is John Ace, big brother ni Shawn Skyler." Nilahad niya ang kamay niyang sobrang puti at kinis. Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi muna ako nag-alcohol ng kamay.
"Nice meeting you John Ace." Parang labas sa ilong ko ang sinabi ko dahil gusto kong himatayin sa sobrang kilig nang maramdaman ko ang palad niya. Shet!
"Ako naman si Clarence Miguel." Nilahad na rin niya ang kamay niya. Syempre hindi ko 'yon pinalampas, nakipagshake hands ako. Yung heart ko jusko! Malapit ng sumabog.
"Ehem! Ehem! Excuse nandito pa ako." Sabad ni Shawn Skyler.
Sa sobrang kaligayahan ko nakalimutan kong kasama ko nga pala si Shawn, naputol ang ngiti ko ng lingunin ko siya matalim niya akong tinitigan.
"Kuya John Ace at Kuya Clarence Miguel, anong masamang hangin bakit kayo nandito?" sabad ni Shawn Skyler.
"Hinihintay namin ang mga ate mo. Dito kasi namin sila pinapunta para kumain." Sagot ni John Ace.
"Ahh, akala ko naghahanap kayo ng mabibiktimang babae. Siguradong sakit ng katawan ang aabutin niyo sa kanila."
Yumuko ako ng sa'kin nakatingin si Shawn habang sinasabi niya 'yon, kakainis naman siya, hindi na lang niya pinangalan, nahiya pa siya grabe! Pingpawisan tuloy ako ng malamig.
"Alam mo'ng hindi namin gagawin iyon, loyal kami sa kanila." Sagot ni Clarence Miguel.
Feeling ko para sa'kin ang pinag-uusapan nila. Nakakainis! Yung puso ko sinasaksak ng paulit-ulit.
"Yeah, So Um-order na tayo Ella." Ani Shawn.
Tumango ako. "Water na lang muna ako, bahala ka sa pagkain." Tipid kong sagot.
"Okay, kayo kuya anong order niyo?"
Magsasalita na sana silang dalawa ng sabay na tumunog ang cellphone nila. Umalis sila sa pwesto nila para kausapin ang tumatawag sa kanila.
"I'm sure sila ate Heira at Jhoace ang tumatawag sa kanila kaya wala kang pag-asang maging kabet nila." Nakangising sagot ni Shawn.
Salubong ang kilay kong tumingin sa kanya. "Wala naman akong planong maging kabet noh! Hindi ko sila gusto!"
"Kaya pala kanina kulang na lang maghubad ka na. Ngiting-ngiti ka sa kanila akala mo naman nakakita ng gwapo. Psh!"
"Gwapo naman talaga sila, elementary pa lang ako crush ko na sila."
"Mas gwapo pa ako doon. Sa'kin ka kasi tumingin wag sa iba para makita mo ang malaking pagkakaiba namin." Seryosong sagot niya sa'kin.
"Ha-ha-ha! Nakakatawa ang joke mo." Sabay irap ko.
Natahimik si Shawn, hindi rin ako kumikibo sa kanya. Tapos naramdaman kong huminga siya ng malalim. "Bakit ba ayaw mo'ng maniwalang nagseselos ako."
Parang slow motion kong ibinaling ang tingin ko sa kanya. "Ayan ka naman e, gusto mo ba'ng magkagalit tayo?"
Seryoso siyang tumingin sa'kin. "I'm serious, Nagseselos ako." Hinuli niya ang kamay ko at pinisil-pisil. Mas dobleng pagtibok ng puso ang nararamdaman ko ngayon kaysa kanina.
"Ehem!"
Hinila ko ang kamay ko at umiwas ng tingin.
"Sorry kung nakakaistorbo kami. Mauuna na kami sa inyong dalawa dahil ang mga ate mo Shawn nag-iba ng lugar ng gustong puntahan." Ani John Ace.
"Okay, ingat kayo." Tipid na sagot ni Shawn.
"Mauna na kami sa inyo, ingatan mo 'yang FRIEND mo Shawn." Sabay kindat ni Clarence Miguel,
"Um-order na tayo." Tumayo si Shawn upang mag-order ng pagkain namin. Pagkaalis niya kinapa ko ang puso kong kanina pa nagwawala.
Iba't-ibang putahe ng pagkain ang nakahain sa lamesa namin. Parang may fiesta sa dami ng order ni Shawn.
"Bakit ang dami mo'ng in-order?"
"Yan ang prize mo dahil nanalo. Let's eat." Sinandukan niya ako ng pagkain tapos sinubuan niya ako. Pulang-pula naman ang mukha ko. "Say Ahh!"
"Kaya kong mag-isang kumain."
"Pagbigyan mo na ako isa lang."
"Psh, okay sige." kinain ko ang pagkain sinubo niya sa'kin. "Thank you." Sagot ko.
"Kumain ka nang kumain kailangang magpaka-busog."
"Pero di ba, nagda-diet ako?"
"Sabi ng parents mo pakainin daw kita ng marami ngayon. Isa pa, parang mas gusto kong maging mataba ka na lang ulit."
Tumaas ang kilay ko. "Mataba pa rin naman ako, nagpapatawa ka ba?"
Tumingin siya sa'kin. "Gusto kong mataba ka na lang para ako na lang ang laging nakikita mo at napapansin." Seryosong sabi niya sa'kin.
Umiwas ako ng tingin, hindi ko kasi kayang titigan siya. Nagfocus na lang ako sa pagkain. Tama siya i-enjoy ko na lang ang pagkain dahil baka bukas. Wala na ulit itong mga masasarap na pagkain. Hindi na kaming dalawa nag-usap, nag-kasya na lang ako sa patingin-tingin sa kanya sa tuwing nakayuko siya. "Tama ka Shawn, mas gwapo ka nga sa kanila."
"Kaya mo pa ba'ng tumayo at maglakad Babe?" tanong niya sa'kin. Matapos ng isang oras naming foodtrip dalawa. Bundat na bundat na ako sa sobrang kabusugan. Nang maumpisahan kong kumain biglang bumalik ang gana kong kumain.
Tumango ako. "May konting space pa ang tiyan ko para makapaglakad ako." Sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya sa'kin, tapos inalalayan niya ako sa paglalakad hanggang sa makasakay kami ng kotse niya. Akala ko uuwi na kami dahil pasado alas-otso na ng gabi ngunit bigla niyang hininto ang kotse niya sa may baywalk. Lumabas siya ng kotse sumunod naman ako, umupo sa batuhan na kaharap ng kotse niya, sumunod lang ako.
"Gusto mo ng jacket?"
Umiling ako, kahit ang totoo lamig na lamig ako. Nakatingin siya sa kawalan. Ang hanging dumadampi sa balat ko ay mas lalong nagpadagdag ng kabog ng dibdib ko.
"Mahirap ba akong mahalin?"
Napatingin ako sa kanya. "Bakit mo naman nasabi 'yon?"
"Ang sabi ng iba, hindi raw ako mahihirapang hanapin ang babaing magmamahal sa'kin dahil isa daw akong Santiago. Pero mukhang sa'kin naputol yung paniniwala nila."
"Hindi totoo yan, maraming nagkakagusto sa'yo."
Nagkatitigan kaming dalawa. "Pero bakit hindi mo ako kayang mahalin?"
Parang naputol ang dila ko sa sinabi niya, pabigla-bigla kasi siya, na-statue tuloy ako.
Bumuntong-hininga siya. "Wag mo na lang sagutin ang tanungin ko or kalimutan mo na lang ang tanong ko."
"Bakit ako pa Shawn?"
Muli siyang tumingin sa'kin. "Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mo, basta ang alam ko mahal na kita as in mahal na mahal kita, selos na selos ako kanina kay Kuya J.A at kuya C.M, gusto ko nga silang bugbugin kanina. Hindi ka naman sexy, hindi ka rin naman masyadong maganda, lalong hindi ka naman magaling magluto. Lahat ng iyon kabaliktaran ng gusto kong babae, pero ewan ko ba, sa'yo tumibok ang gago kong puso. Hindi ko alam kung bakit mahal kita. Basta ang alam ko gusto kitang makasama habang buhay. Gano'n siguro ang pagmamahal walang description."
"Subukan natin ulit Babe." Namumula pa ang mukha ko ng sabihin ko iyon.
"Ha? Sigurado ka ba?" gulat na gulat niyang sabi sa'kin.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Kung gusto mo lang naman."
"Yes! Yes! Ofcourse gustong-gusto ko, thank you!" Niyakap pa niya ako ng mahigpit. Natatawa na lang ako sa ginawa niya.
"I LOVE YOU BABE!"
"I LOVE YOU TOO!"
Ipinikit ko na lang ang mata ko, habang ninamnam ang halik niya, tama na sigurong sumubok ulit. Aasa na sana totoo ang lahat ng sinabi niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Teen FictionGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...