Ella Marie's P.O.V.Sinipa ko ang paa ni Shawn sa ilalim ng lamesa upang tumigil siya sa kakasabi niya ng maling information sa parents ko. Bakas kasi sa mukha nila Mommy at Daddy ang kaligayahan sa narinig nila mula kay Shawn. Ang bwiset na 'yon. Masyadong pinaasa sila Mommy syempre pati ang puso ko umaasa na rin.
"Ouch!" Reak niya. Sinalubong ko naman ang matalim niyang tingin sa'kin.
"Anong nangyari Shawn?" Tanong ni Mommy.
"She Kic—?"
"May kumagat sa paa niya Mommy. Lamok siguro." Pagpuputol ko sa sasabihin niya.
"No Tita is'nt true. She— fuck! Ouch!"
"Why babe? Anong masakit sa'yo. Hinawakan ko pa ang kamay niya at inilapit ko ang mukha ko at pasimple ko siyang binulungan. "Wag kang epal diyan Shawn, kapag sinumbong mo ako, i swear hindi na kita kakausapin si Andrei Sebastian na lang kakausapin ko. So better shut up!"
"That fuckin jerk!" Sagot niya.
"Yeah, that fuckin jerk guy siya lang ang kakausapin ko."
Natahimik siya. Pagkatapos noon nagkunwari akong concern sa kanya.
"Gusto mo ba'ng gamutin ng gamot para sa insect bite?" Sabi ni Mommy 'yon,
"No thanks Tita, thank you!" Tapos pinagpatuloy niya ang pagkain.
"Kaylan pa naging kayo ni Ella Marie?" Tanong ni Dad,
Muntik kong ma-ibuga ang iniinom kong juice. Nasamid ako kaya naman inubo ako."
"Ella, are you okay?" Tanong ni Daddy.
"Opo," tipid kong sagot.
Paano ba naman kasi, akala ko tapos na ang topic na 'yon dahil pinigilan ko na si Shawn, pero mukhang ang parents ko ang hindi maka-move on. Pangiti-ngiti si Shawn ng tingnan ko si ya. Parang sinasabi niya sa'kin na he won.
"Maghinay-hinay lang kasi sa pagkain." Sabi ni Daddy.
"Opo."
"Back to our topic Shawn kaylan pa naging kayo ng anak ko?" Usisa ni Daddy.
Gusto ko na lang na lumubog sa kinauupuan ko sa sobrang walang paraan para makawala sa topic nila.
"Sekteto, gusto kong ako ang unang babati ng monthsary sa girlfriend ko, i"m sorry but your question is very confidential."
Nagkatinginan sila Mommy at Daddy na, nawala ang excitement nilang dalawa at napalitan ng hiya. "Pasensya ka na Shawn, dito sa asawa ko, ngayon lang kasi siya nagkaroon ng boyfriend si Ella Marie."
"Don't worry mrs and mr weibford, dahil ako ang una at huling magiging boyfriend niya." Yumuko ako ng magtama ang mata namin. "Dahil ako ang lalaking maghahatid sa kanya sa altar."
Parang may fireworks na akong narinig sa sinabi niya. Samahan mo pa ng matatamis na ngiti nila Mommy at Daddy na halatang masaya sa narinig. Hindi ko rin maiwasang kiligin sa sinabi niya. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Para akong hihimatayin, lalo ng kumindat siya sa'kin.
"I have to go! Hinahanap na po ako ng parents ko."
"Thank you Shawn." Sabi nila Mommy.
"Ihahatid ko siya Mommy." Sabi ko. Tapos tumayo ako sa pagkakaupo at hinatid ko siya sa labas.
"Ano ba'ng kalokohan ang pinagsasabi mo kay Mommy at Daddy?" Sabi ko sa kaniya.
"The truth between me and you."
BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Teen FictionGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...