CHAPTER 23
Ella's P.O.V.
"Oh, bakit ganyan kayo makatingin sa'kin mga piggy?" Tanong ko sa dalawa kong kaibigan na pilyang nakatingin sa'kin. Kasalukuyan kaming nasa loob ng canteen oras kasi ng lunch break kaya magkakasama kaming tatlo. Tuwing first break kasi anim kaming magkakasama sa table, sumasabay sa'min sila Shawn, Hairu at John Patrick.
"Naghuhugis puso ang mga mata mo Piggy besh." Ani Loren sa'kin. Habang ngumunguya siya ng apple.
"Hindi naman, wag niyo nga akong pagtripan dalawa." Sabay irap ko sa kanila.
"Masyado ka ng inlove na inlove kay Shawn, baka mamaya niya niloloko ka lang pala niya." Sabi pa niya.
"Makapagsalita ka naman, Piggy. Ikaw din naman inlove na inlove kay John Patrick. Tingnan mo nga sarili mo ang payat mo na. Namatay na siguro sa gutom ang ibang bulate mo sa tiyan kaya ganyan ang katawan mo." Sabad naman ni Annaliza na kumakain ng vegetable salad.
Napangiti ako sa kanilang dalawa habang nagtatalo. Hindi ko kasi akalain na sasabay rin sila sa pagda-diet ko. Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal. Nabawasan na nga ang timbang nila ng kaunti at siguradong mapapansin ito ng mga taong nakakakita sa kanila. Samantalang ako feeling ko hindi naman ako pumayat.
"Kaya pala dati rice ang kinakain mo tuwing lunch, takenote three cup of rice ka pa noon, pero ngayon wala ng rice, dahil ba 'yan kay Hairu?" Ani Loren.
Napangiti kami ng yumuko si Annaliza. Namumula kasi ang mukha niya. "Hindi siya ang dahilan, wag niyo nga akong i-hot seat." Aniya.
"Oh, look girls, kung sino ang makikita natin ngayon ang tatlong inahing baboy!"
Sabay pa kaming napalingon tatlo sa babaing biglang nagsalita. Sumimangot ako dahil si Mhaika at ang mga kaibigan niya ang nasa harapan namin, nakacross-arm silang lahat habang nakataas ang kilay na nakatingin sa'min.
"Anong kailangan niyo sa'min?" Tanong ni Loren.
Imbes na sagutin nila ang tanong ni Loren, lumapit si Mhaika at nakangising pinagmasdan ang mga pagkain namin. Hindi pa ito nakontento at kinuha pa niya ang pagkain ni Annaliza na Vegetable salad. "Tingnan niyo guys, ang baboy kumakain ng damo." Sabay tawa nila ng malakas.
Kuyom ang kamao ko, habang matalim ang mga tingin ko sa kanilang lahat. "Umalis na kayo, bago pa namin kayo patulan." Sabi ko.
Pailalim niya akong tinitigan. "Ikaw Ella, masyado ka naman yatang, pa-bida. Naging boyfriend mo lang si Shawn Skyler. Akala mo ikaw na ang pinakamaganda dito sa School. Tandaan mo awa lang ang nararamdaman niya sa'yo!" Sa lakas ng boses ni Mhaika, nakatingin tuloy ang ibang estudyante sa'min.
"Tigilan mo na sila Mhaika!" Boses iyon ni Andrei, papalapit siya sa'min nang tingnan namin siya.
"Ayos lang ba kayo?" Sabi niya sa'min. Tumango naman kaming tatlo.
"Andrei, wag mo kaming pakialaman!"sigaw pa ni Mhaika.
Nakipagtitigan si Andrei kay Mhaika. "Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko oras na awayin niyo sila." Pagbabanta ni Andrei.
Nagpupuyos sa galit ang mga ito at padabog na naglakad palayo.
"Salamat Andrei, nakaka-inis na 'yang si Mhaika, may kalalagyan na 'yan sa'min." Ani Annaliza.
"Naiinggit siguro sila sa inyo. Kasi kahit mataba kayo, kayo ang palaging nilalapitan ng mga crush nila." Sagot ni Andrei.
Nagtama ang paningin naming dalawa ni Andrei. "Salamat pala sa pagtulong mo, Andrei." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Teen FictionGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...