Chapter 35

31.4K 943 51
                                    


Chapter 35

Shawn's P.O.V.

Ilang beses akong bumuntong-hininga matapos naming mag-usap ni Ella, ang hirap magpanggap na wala kang nararamdamang pagmamahal sa babaing halos gusto mo ng yakapin ng mahigpit. Ang hirap magpanggap na naka-move on ka na kahit ang totoo gusto mo'ng isigaw ang pangalan niya at sabihing siya pa rin ang mahal mo.

Umupo ako sa Swivel chair ko at ipinikit ko ang mga mata, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Kailangan matuloy ang plano ko. Kailangan...

"Mukhang malalim ang iniisip mo Dude?"

Nang tingnan ko. Si Hairu ang nasa harapan ko.

Tumingin ako sa kanya. "Kanina ka pa?" Inayos ko ang pagkakaupo ko.

"Twenty seconds, ilang pictures mo ang nakuha ko ngayon. Mahina na ang 500 kapag nagpost ako ng pictures mo. Pagkatapos ang nakalagay. "Mr Shawn Skyler Santiago's sexy pictures for sale. Siguradong trending ng pictures mo." Sabay tawa niya.

"Psh! Baliw ka. Anong kailangan mo bakit ka nandito?"

"Inutusan ako ng panget kong ate na sabihin sa'yo na umuwi ka na daw sa mansyon niyo kasi hinahanap kaya ni Tita Ally."

"Sige, u-uwi na ako mamaya."

"Oo nga pala Shawn, nakita ko si Ella? I mean hindi ko sure kung siya talaga iyon kasi kamukha niya. Sobrang taba na niya mas malaki pa siya sa mga sinasali sa sumo wrestling. Siya ba iyon?"

Tumango ako. "Mas lalo siyang tumaba ngayon, pero kahit gano'n mahal na mahal ko pa rin siya, hindi pala mas lalo ko siyang minahal ngayon."

"Ngayon ko talaga nalaman ang ibig sabihin ng love is blind. Kahit gano'n itsura at katawan niya mahal mo pa rin siya kahit ilang taon na ang lumipas. Ibang klase ka."

"Hindi ko naman kasi pina-transplant ang puso ko para mag-iba ang tibok nito. Mas mahal ko siya ngayon, Hairu."

"Ayaw mo ba do'n sa sexy, makinis at magandang chef na binibiro sa'yo, jackpot ka do'n ah. Beauty, brain and talented iyon."

"She's my friend, nothing more beyond that."

"Okay, saludo na talaga ako sa'yo, tapos ngayon anong plano mo? Di ba ikaw ang nagpabalik sa kanya dito sa pilipinas?"

"Ipapa-realize ko sa kanya kung sino ang sinayang niya. Gusto kong marinig sa kanya na mahal pa rin niya ako para hindi na niya ako iwan ulit."

"Ang swerte ni Ella, wala siyang ka-alam-alam na lahat ng nangyayari sa kanya ikaw ang may gawa."

Tumingin ako kay Hairu. "Suportahan mo na lang ako. Palibhasa ka stable na ang love life mo."

Lumapad ang ngiti niya. "Mararamdaman mo rin ito Shawn. Konting tiis na lang."

"Oo nga pala Hairu, napapayag niyo na ba si Ella na sumama sa reunion natin?"

"Ang sabi ni Annaliza sa'kin, hindi pa pumapayag si Ella, nalaman kasi niyang sasama ka."

Bumuntong-hininga ako. "Ayaw talaga niya akong makita. Sabihin mo hindi ako sasama sa Reunion para sumama na siya. Gagawa na lang ako ng dahilan kung bigla akong darating doon."

"Ikaw ang bahala."

Pagkatapos naming mag-usap ni Hairu, sabay kaming pumunta ng mansyon. Hindi na rin kasi iba sa'min si Hairu. Nagkaroon ng salo-salo kaming mag-anak. Habang pinagmamasdan ko ang pamilya ko si Ate Heira at Kuya John Ace, nakakaramdam ako ng inggit. Kahit kasi gaano kahirap ang pinagdaan nila sila pa rin sa huli.

"Sana kami rin ni Ella sa Final," sa isip-isip ko.


****

Nakasimangot ako ng makatanggap ako ng tawag mula sa Boss ni Ella na papalita na siya bilang writer. Inayawan daw ni Ella ang pag-iinterview sa'kin at pagsusulat ng kwento ko. Plano ko pa namang isali ang love story namin sa magiging pelikula. Kaya lang hindi na siya nagpakita.

"Sir, ano po'ng sasabihin ko kay Mr scott?" Tanong sa'kin ng secretary ko sa kabilang linya.

"Just tell him na hindi ko na itutuloy ang project na ito kung hindi si Miss Piggybank ang mag-iinterview at magsusulat ng kwento ng buhay ko."

"Pero sir, umayaw na daw si Miss Piggy bank."

"Just tell him na hindi ako papayag." Naiinis kong sabi sa secretary ko."

"Okay sir."

"By the way, pakisabi sa kanya na free ako ngayon."

"Copy sir."

In-off ko na ang tawag niya at nag focus ako sa pagda-drive. Bibisitahin ko muna ang isa sa mga restaurant ko dito sa may C5. Pagpasok ko sa loob ng restaurant napansin ko si Annaliza. Ngumiti siya sa'kin ng magtama ang mga mata namin. Sinabi ko kasing dalhin si Ella sa restaurant ko ngayong hapon. Gusto kong ipatikim sa kanya ang pinakamasarap na cake na ako mismo ang gumawa. Agad akong nagtungo sa kitchen at pinag-bake siya ng cake. Sinadya ko pa'ng pasarapin at pagandahin ng design ng matapos tinawagan ko si Annaliza upang siya mismo ang magbibigay kay Ella.

"Nakakagutom tingnan ang ginawa mo."

"Panooorin ko na lang kayo mula dito."

"Kinikilig ako sa mangyayari mamaya.  Ano kayang magiging reaksyon niya." Nakangiting sabi ni Annaliza.

Bitbit niya ang tatlong cake patungo sa table nila. Pagbaba pa lang ng cake nakita kong kinuha ni Ella ang cake na ginawa ko. Hindi niya matatanggihan iyon dahil favorite niya iyon.

"Psh! Ang takaw talaga, hindi na yata nginunguya ang pagkain."

Ilang saglit pa. Nakita kong tumayo si Ella at nagtungo sa comfort room. Makalipas ng ilang minuto bumalik siya.

Tumunog ang cellophone ko, nakita kong si Loren ang tumawag. Sinagot ko iyon upang marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Mga Piggy besh, ang sakit ng tiyan ko."

"Paano ba naman kasi kulang na lang lunukin mo 'yang cake na order mo. Hindi ka ba tinuruan ng parents mo'ng ngumuya?" Ani Loren.

"Grabe ka naman, ang sarap kasi ng cake, pang-international cake ang pagkakagawa ang sarap. Sino ba ang chef nila dito?"

"Hindi namin alam. Wag mo ng ubusin 'yan baka magtae ka tapos himatayin ka." Ani Annaliza.

"Konti na lang ititira ko pa ba?" Nakita kong inubos niya ang cake na ginawa ko.

"Ang takaw talaga!" Sa isip-isip ko.

"Mga piggy besh, punta lang ako sa Comfort room."

"Ayan na nga ba ang sinabi namin katakawan." Ani Loren.

Tumakbo si Ella sa Comfort room.

"Shawn, nag-alala ako kung hihimatayin si Ella baka hindi natin kayang buhatin, alam mo namang doble ang laki niya kumpara no'n." Sabi ni Loren sa kabilang linya.

"Don't worry hindi iyon mangyayari."

Magsasalita pa sana si Loren nang mapansin naming pabalik na si Ella.

"Umuwi na tayo mga Piggy, hindi na kaya ng tiyan ko."

"Ikaw kasi ang takaw mo!" Ani Annaliza.

"Ang sarap eh, teka sino ba ang chef nila gusto kong makilala. Gusto kong malaman kung anong nilagay niya do'n."

"Naku! Wag na! A-alamin mo pa nagta-tae ka na nga."

"Samahan niyo na ako, dali na!" Hinila pa niya ang mga kaibigan niya.

"Wag mo kaming hilahin." Sabi pa ng mga kaibigan niya.

Ngumiti ako. Sinabi ko na nga ba, hindi titigil si Ella, hangga't hindi niya nalalaman kung sino ang chef, kapag paborito kasi niyang pagkain at sobrang na sarapan siya inaalam niya kung paano ginawa iyon para magaya niya. Hinintay ko silang tawagin ako.

"Excuse me," narinig kong sabi ni Ella sa counter.

"Yes, Ma'am?"

"Gusto ko lang makilala ang chef na gumawa ng cake na ito. Sobrang sarap kasi." Tinuro pa niya ang cake na halos masimot na sa plato niya.

"Si Boss po ang gumawa ng cake na 'yan, itatanong ko sa kanya kung gusto niyang magpakita."

"Sige, thank you."

"Sir, gusto daw po kayong makilala ng isang customer."

"Sabihin mo busy ako."

"Sige po."

Pagbalik ng empleyado ko lumapit siya agad kay Ella.

"Sorry Ma'am, busy daw po si Boss."

"Sige na Miss, sabihin mo ililibre ko siya. Babayaran ko ang araw niya. Gusto ko lang talangang makausap siya kahit saglit."

"Wow ha! Yamanin babayaran mo ang araw noong chef tapos kami hindi? Kami pa ng ang nanlibre sa'yo." Sabad ni Loren.

"Wag nga kayong makisali diyan mga piggy."

"Itatanong ko po ulit." sabi ng babae.

Muli namang lumapit sa'kin ang babae. Sa pagkakataong iyon pumayag na ako at lumapit sa kanila.

"Ma'am siya po ang chef na nag-bake ng cake niyo."

Kitang-kita ko ang pamumutla ng mukha niya.

"So, saan mo ako ililibre di ba babayaran mo ang araw ko ngayon?" Sabi ko habang nakakatitig ako sa kanya.

"A-Ang sakit ng tiyan ko mga piggy," sabi niya.

"Tiyan ba O Heart." Sagot ni Annaliza.

Lumabas ako at lumapit sa kanya. "Let's go! Tumaparin mo ang sinabi mo."

"P-Pwe ba'ng next time na lang?" Nauutal niyang sabi.

Lumapit ako sa kanya na halos dalawang hibla na lang ang pagitan namin. Amoy na amoy ko tuloy ang mabango niyang hininga. Pinagmasdan ko ang mukha niya hanggang sa mapadako ang mga mata ko sa makipot niyang labi. Napalunok ako upang pigilan ang sarili kong wag siyang halikan. Ngumiti ako sa kanya.

"Iniwan ko ang trabaho ko sa loob, tapos sasabihin mo next time na lang are you crazy miss piggy bank?"

Umiwas siya ng tingin sa'kin. Pulang-pula ang mukha niya. "S-sige."

"Piggy besh, since may date ka naman. Maiwan ka namin." Sabay alis ng dalawa.

"Ano hindi ka pa ba kikilos diyan. Wag kang masyadong matulala sa'kin alam kong gwapo ko." Sabay kindat ko.

Umingos siya. "Ang yabang!" Sumunod siya sa'kin palabas ng restaurant.

"Get in." Sabi ko sa kanya. Nakatayo kasi siya sa harap ng kotse ko.

"Sa likod ako, hindi tayo kasya sa harapan." Sabi niya.

"Dito ka sa harap nagkasaya ka nga sa puso ko sa loob pa kaya ng kotse ko."

Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya. "Ganyan pala epekto ng sikat na Chef." sabi niya ng makasakay na siya.

Tumingin ako sa kanya. "Saan mo ako i-date ngayon?"

"Wala akong alam na lugar, ikaw na ang bahala."

"Sigurado ka bang ako ang pipili ng lugar?"

"Oo na, pa-kindat-kindat ka pa diyan."

Tumawa ako ng malakas. "Ang cute mo'ng mainis Miss piggy bank."

"Matagal ko ng alam na cute talaga ako."

"Madalas akong magsinungaling miss piggy bank."

Inirapan niya ako. "Hangin talaga!"

"Ako na ang bahala sa lugar na pupuntahan natin." Pagkatapos pinaharurut ko ang kotse palayo sa restaurant.


Dinala ko siya sa condo unit ko.

"Bakit mo ako dito dinala?" Tanong niya nang nasa loob kami ng condo ko.

Pumunta ako sa ref at binigyan ko siya ng tubig. "Ang sabi mo, ako bahala. So ito ang lugar na alam kong makakapag-usap tayo. Inumin mo 'yan para hindi ka ma-dehydrate."

"Thanks dito, pero baka magalit ang fiancee mo kalbuhin pa ako."

"Wag kang mag-alala hindi ka niya pagseselosan."

"Okay, gets ko na."

"Anong gusto mo'ng kainin at inumin maliban diyan sa ininom mo?" Sabi ko.

"Meron ka ba'ng  Liquor?" Nakayuko niyang sabi sa'kin.

"Bakit hindi ka makatingin sa'kin ng diretso? Ang hirap makipag-usap sa taong nakayuko."

"Nahihiya ako sa'yo." sabi pa niya.

"Wag kang mahiya sa'kin. Magkaibigan naman tayo di ba?"

Tumango-tango siya. "Saan ang comfort room mo? Sumakit ang tiyan ko."

"Doon sa left side."

Tumayo siya. "Thank you,"

Habang nasa comfort room siya. Hinanda ko naman ang liquor at ininit ako ang sisig na niluto ko kagabi nang pumunta si Hairu at John Patrick sa condo. Makalipas ang sampung minuto bumalik na siya.

"Sobrang sakit ba ng tiyan mo? Gusto mo ba'ng uminom ng gamot?"

Umiling siya. "Nabigla lang siguro ang tiyan ko."

"Sigurado ka?"

Muli siyang tumango. "Yes,"

"Anong gusto mo'ng malaman?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto kong malaman kung anong inilagay mo sa cake na iyon?"

"Wala akong ibang nilagay na iba do'n. Gano'n pa rin siya tulad ng cake na ginagawa ko sayo no'n."

Bigla niyang tinungga ang alak bago siya nagsalita. "Bakit sobrang sarap naman yata niya ngayon?"

Tinitigan ko siya. "Di ba sabi ko sa'yo no'n, kailangan mahal mo ang ginagawa mo. Palagi mo'ng i-isipin na kapag gumagawa ka ng cake. Isipin mo ang mga ngiti ng mga taong makakatikim nito."

Tumawa siya. "Siguro kung alam mo'ng ako ang o-order ng cake papaitan mo."

"Psh! Hindi ka lang matakaw sa pagkain pati sa alak ang takaw mo. Bawas-bawasan mo nga pag-inom ng alak ka-babae mo'ng tao."

Muli siyang tumungga halata sa mukha niya ang tama ng alak. Namumula na kasi siya.

"Kailangan ko ito para maka-usap kita." Pinusan pa niya ang bibig niya gamit ang braso niya.

"Bakit?"

Tumingin siya sa'kin at ngumiti. "Hindi kita kayang kausapin ng hindi ako lasing nahihiya ako sa'yo."

"Bakit naman?"

"C-mon, 'yan na lang ba ang sasabihin mo puro bakit? Nahihiya ako sa'yo kasi iniwan kita noon, nasaktan kita."

Nanahimik ako. Tapos pinagmasdan ko lang siyang ginagawang tubig ang alak.

"Mahal mo pa rin ba ako Ella?"

Muli siyang tumingin. "Nahihilo na yata ako, tama ba ang narinig ko? Tinatanong mo ako kung mahal pa rin kita?"

Tumango ako.

Tumawa siya ng malakas. "Kahit sabihin ko sa'yong Oo. Hindi na magiging tayo, ikakasal ka di ba?"

"Sabihin mo'ng mahal mo ako, Ella."

Tumungga siya uli ng alak. "Mahal kita Shawn." Tapos tumayo siya. "Punta lang akong Comfort room." Sinundan ko siya hanggang sa comfort room akala ko kasi magsusuka siya.

"Sh*t!"

Bigla akong lumabas ng banyo. Parang nag-init ang pakiramdam ko. Naghubad kasi siya ng panty niya. I-ihi pala. Nauubos ko tuloy ang alak na nasa baso ko.

Kinse minutos na siya sa banyo ngunit hindi pa rin siya lumalabas. Kaya naman naglakas loob tuloy akong bumalik sa banyo upang tingnan si Ella. Umiling-iling ako ng makita ko siyang nakaupo sa inidoro at tulog na tulog. Bigla ko tuloy naalala no'n, ako ang naghugas ng pwet niya. Hinimatay siya no'n. Pero ngayon nakatulog sa kalasingan. Mabuti na lang at nai-suot na niya ang panty niya.

"Ang bigat mo!" Sabi ko, habang inalalayan ko siya sa paglalakad. Dinala ko siya sa loob ng kwarto ko at hiniga ko siya.

Pinagmasdan ko siya. "Pinagod mo ako, kapag naging wife na kita hindi pwedeng ganyan kataba, hindi kita mabubuhat." Kausap ko sa tulog.

Lumabas ako ng kwarto at naglagay ako sa maliit na plangana ng malamig na tubig at towel. Pagkatapos bumalik ako sa kwarto ko. Pinunasan ko ang mukha, leeg at braso niya. Habang ginagawa ko iyon pinipigalan kong wag matukso. Nagwewelga na kasi ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok. Ilang beses akong nagpigil a paghinga. Ang hirap magkontrol hanggang sa madaan ng bimpo ang mapupula niyang labi. Doon parang nabinge na ako. Natuon ang mga mata ko sa labi niya.

"Hindi ko na kayang kontrolin, Ella." Anas ko.

Pagkatapos dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya nang malapit ng maglapat ang labi namin pumikit ako upang maramdaman ko ang malambot niyang labi.  "Oh, Sh*t! Matagal kong inasam na maranasan uli ito.

"I love you so much Ella Marie..."


MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon