Chapter 28
ELLA'S P.O.V.
"Shawn, saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Shawn. Nakapiring kasi ang mga mata ko, habang ina-alalayan niya ako sa paglalakad.
"Stop asking me, okay."
"Sagutin mo kasi ang tanong ko."
"Just relax, malapit na tayo."
Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko habang naglalakad ako, excitement ang naramdaman ko ngayon. Halos hindi kasi ako nakatulog ng sabihin niyang may pupuntahan daw kaming napaka-special na lugar.
"Nilalamig na ako at hinihingal ilang hakbang pa ba?"
"Andito na tayo." Huminto kaming dalawa sa paglalakad.
"Pwede ko na ba'ng alisin ang piring ko?"
"Yeah, go! Open it."
Ewan ko ba, pero parang nanginginig ang kamay ko, habang inaalis ko ang piring sa mga mata ko. Pagka-alis ko ng piring sa mga mata ko. Napanganga ako sa nakita ko.
Ngumiti siya sa'kin. "Someone tells me. That one of your dreams is to have a special date like this. Nabasa mo yung Article ni Mommy at Daddy no'n sa Sy Magine. At may nakapagsabi sa'kin na gusto mo rin na magkaroon ng ganoong date. Nag-effort akong kausapin si Daddy upang tanungin kung anong Special date nila ni Mommy ang sinabi niya sa Sy Magazine."
Muli kong pinagmasdan ang buong paligid. Ito nga ang pangarap ko, ang magkaroon ng date sa dalampasigan. Na napapalibutang ng maraming kandila na hugis puso, napaka-romantic kasi. Bigla kong naisip na Low tide ngayon, kaya pala ayaw niyang maligo sa batis kanina.
"Do you like it?"
Tumango-tango ako. "Yes, thank you!" napaluha pa ako sa sobrang tuwa.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Marunong ka naman sigurong sumayaw noh,"
"Syempre naman, hindi naman nakakapawis ang sweet dance." Nakangiti kong sagot.
"Hindi, Rock ang sasayawin natin." Sabay tawa niya.
Inirapan ko siya. Kilig na kilig na nga ako eh, nakuha pa niyang magbiro.
"Ayoko ng Rock, hihingalin ako." Hinihila ko ang kamay ko, pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak, pagkatapos kinabig niya ako palapit sa kanya.
"I'm just kidding." Inilagay niya ang kamay ko sa balikat niya, nakatitig lang ako sa kanya. Pagkatapos hinapit niya ang bewang ko.
"I love you, Babe." Mahina niyang sabi sa'kin. Ngunit para naman itong isang magandang kanta sa pandinig ko.
"I love you too." Sagot ko.Sinimulan naming sumayaw, habang ang tinutogtog ang kantang Baby I love you way, by Big mountain. Nakadagdag pa ang hampas ng alon sa napaka-romantic na gabing ito.
"I have something to tell you." Sabi niya.
"Hmm.. ano iyon?""Promise mo, hindi ka magagalit or hindi mo ako sasaktan."
"Yes, ano iyon?"
"Babe, parang nagiging sexy ka na. Lumiliit na ang bilbil mo sa bewang."Napangiwi ako, seryoso ba siya sa tanong niya? akala ko kasi kung anong sweet words ang sasabihin niya. Pansinin ba naman ang bilbil ko.
"Nakaka-o-offend ba ang sinabi ko?"
"Hindi, kaya lang panira ng moment." Sa isip-isip ko.
"Feeling ko nga pataba ako nang pataba."
"Lumiliit ka na. Tama lang talaga yung mga diet foods na niluluto ko sa'yo, effective."
"Thank you!"
Muli siyang ngumiti sa'kin, "Pero dahil special ang gabing ito may special foods din akong niluto."
"Kumain na tayo." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Teen FictionGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...