Ella Marie's P.O.V
"Ma'am, hindi po ba kayo baba ng kotse?" tanong sa'kin ng driver namin. Mahigit bente minutos na akong nasa kotse at hindi lumalabas ng sasakyan. Hindi ko kasi kayang magpakita sa mga kaibigan ko siguradong bubulihin nila ako. Kung hindi nga lang diyan sa lintek ng project na iyan! Hindi ako papasok.
"Opo ito na lalabas na po." Sabi ko driver namin. Syempre hindi mawawala ang bag na itinago ko kaninang madaling araw. Patuloy pa rin kasi ang pagtitipid sa'kin ni Mommy ng pagkain. Mabuti na lang at hindi niya nahahalatang nauubos ang pagkain sa umaga.
"Mag-iingat po kayo Ma'am. Wag po kayong kumain ng marami baka magtae po kayo."
I glared him. Pati ba naman driver namin aasarin ako. Letchugas kasi si Kuya Calixto. Kulang na lang pati sa kapitbahay ipagsigaw na hinimatay ako sa pagtatae at ang gwapong si Shawn ang naghugas ng pwet ko. Sa tuwing iniisip ko na siya ng hugas ng pwet ko. Namumula mukha ko. Syempre navirginan niya ang pwet ko. Malapit pa naman sa pwet yung pussycat doll ko.
Umiling-iling ako. "No! Hindi ito nangyari! Relax lang Ella Marie. Kaya mo yan!" kausap ko sa sarili ko. Huminga pa ako ng malalim bago ako naglakad papasok ng school. Hindi katulad ng dati na taas noo akong nalalakad na parang Miss Universe lang ang peg ko. Pero ngayon yukong-yuko ako.
"Ella!"
Parang Slow motion akong Lumingon with matching naghuhugis pusong mga mata at pa-cute na mukha. Bakit? Si Andrei Sebastian lang naman ang tumawag sa Pangalan ko. Ang Mr WeibFord ngayong taon. Tall dark ang Yummy siya. Banat na banat ang katawan niya sa pag-Ehersisyo. May Perpektong makapal na kilay siya at hindi kahabaang pilikmata na bumagay sa kaniya, tamang-tama lang din ang hugis ng mukha niya. Ang tangos ng ilong niya ay talaga namang bumagay sa hugis ng mukha niya. Ang labi niyang katamtaman lang ang laki at namumula pa ito. Over all siya na ang pinakamasarap na putaheng matitikman ko kapag nabihag siya ng kagandahan ko.
"Ayos ka lang?"
Naputol ang pag-iimagine ko. Inayos ko ang sarili ko bago ako magsalita. Obvious yata akong kilig na kilig. "Bakit?" Medyo nilandian ko pa ang pagkakasabi ko sa kaniya. Para sa boses pa lang ma-inlove na siya.
"Mukha lalo tayong tumataba ngayon ah." Nakangiti niyang sabi.
Para namang biglang nagkulay suka ang mukha ko. Para akong anime na binagsakan ng malaking bato dahil sa sinabi niya. Basag trip kasi siya.
"Hindi ka na nasanay. Bakit mo pala ako tinawag?" Matamlay kong sagot.
"Sabay na tayong pumasok." Nakangiti niyang sabi.
Bigla na naman akong nagkaroon ng pag-asa. Tapos nakakadala pa ang ngiti niya dahil labas ang pantay-patay niyang ngipin. Siguro nahahalata niyang abot na sa pluto ang ngiti ko. Shit!
Tumango ako. "Sure! Basta walang magagalit e,"
"Syempre naman walang magagalit single pa ako." Sagot ni Andrei Sebastian.
Pati yata ang bilbil ko kinilig sa sinabi niya. Ibig sabihin ako ang hinihintay niyang maging girlfriend.
"LIGAWAN MO NA AKO!" nabulalas kong sabi.
Kumunot ang noo niya. "ANO?"
"Pahamak ka talaga puso."
"I-I mean, B-bakit hindi ka pa nanliligaw? Siguradong sasagutin ka ng babaing gusto mo." Alibay ko.
Nagkibit balikat siya. "Kapag handa na siyang magkaroon ng boyfriend." Hinila niya ang braso ko. "Let's go!"
"Saan mo dadalhin ang Girlfriend ko!"
Nanlaki ang mga mata ko sa nagsalita. Kung nagulat ako dahil tinawag ako ng Crush kong si Andrei Sebastian. Mas nagulat ako ng tawagin akong girlfriend ni Shawn Skyler Santiago.
"Shawn!"
Nakatayo siya sa harapan namin habang sobrang gwapo siya sa suot niyang uniform. Nakapamulsa siya habang salubong ang kilay niya. Lumapit siya sa'min, napadako ang tingin niya sa magkahawak kamay namin ni Andrei. Inalis niya ito at ang kamay niya ang ipinalit.
"Next time Babe, Kamay ko lang ang hahanapin mo. Dapat ako lang ang hahawak sa kamay mo Okay?" inayos pa niya ang hibla ng buhok ko na nagulo dahil sa hangin.
Kailangan ko na yata ng Oxygen. Hindi na ako makahinga sa sobrang pagkabigla. At kilig na ewan ko kung anong trip nitong si Shawn. Pero kahit na hindi ko pa ring maiwasang kiligin.
"Let's go!" Kinindatan pa ako ni Shawn.
"Girlfriend mo si Ella Marie?"sabad ni Andrei Sebastian.
Seryosong tumingin si Shawn Skyler. "Gusto mo ng patunay? Ako lang naman ang naghugas ng P—?"
"Ha-ha-ha! Ang daldal ng boyfriend ko noh!" tinakpan ko kasi ang bibig ni Shawn Skyler. Alam ko na kasi ang gusto niyang sabihin. Alam ko na kung saan ito papunta. "Aalis na kami Andrei. Bye!" sabay hila ko kay Shawn Skyler.
Nang makalayo kami kay Andrei binitawan na niya ang kamay ko at pasipol-sipol pa ito habang naglalakad. Samantalang ako gusto kong Suntukin siya ng malakas para tumalsik siya sa planetang Mecury para maihaw siya doon.
"Anong Trip mo ha!!" hindi na ako nakatiis at kinompronta ko siya.
Imbes na sagutin niya ako pasipol-sipol lang siya. "Magsalita ka kung ayaw mong i-untog kita sa Bilbil ko!" inis kong sabi.
Huminto siya sa paglalakad at humarap sa'kin. "Bakit ka ba nagagalit Babe." Sagot niya sa'kin.
"Babe? Babe-bin mo ang mukha mo! Anong trip mo ha!" inis kong sagot.
"Babe, short for Babe-boy. Ayos ba?" sabay kindat niya.
"Sinasabi ko na nga ba! Wala ka talagang magawa. May masama kang balak!"
Humalakhak siya sa'kin. "Bilisan na'tin Babe, baka ma-late tayo sa klase." Sabay hila niya sa Kamay ko.
Kahit mabigat at mataba ako. Malakas naman sa'kin si Shawn Skyler kaya nagawa pa rin niya akong hilahin. Nagpatianod na lang ako sa kaniya, hindi ko na pinansin ang mga estudyanteng nadadaanan namin na nagbulong-bulungan. Siguro naman marami sa kanila ang basher ko. Kung sabagay sanay na ako. Dahil kapag aheads ka sa ganda nila for sure insecure sila.
"Goodmorning Classmate. Goodmorning sir, sorry we are late. Sinundo ko pa ang partner ko ang bagal maglakad." Paliwanag ni Shawn Skyler.
Yumuko ako dahil nararamdaman ko ang mga mata nila na sa'kin nakatingin. "Ano ba! I'm so shy."
"Miss Weibford, Hindi mo ba alam na Ala-sais ang start ng klase niyo tuwing Thursday?" sabi ni Kuya Calixto. Gano'n kasi kami kapag nasa loob ng school. Nagiging pormal kaming dalawa. Ako bilang estudyante at siya bilag professor ko.
"I'm sorry Sir, nakalimutan ko." Sagot ko. Kaya naman pala ako sinundo ni Shawn dahil late na ako ng isang oras at lahat ng nasa loob kong classmate. Nag-uumpisa ng gumawa ng project nila. Samantalang kami wala pang nasisimulan. "Haist! Ang tanga ko talaga!"
"Later na natin pag-usapan ang punishment mo. Magsimula na kayo."
"Opo Sir!" sagot ko. Pagkatapos inilpag ko ang baga ko at kinuha ko ang apron ko at hairnet. Mask at naghugas ng kamay. Bago ako pumasok sa kitchen area. Napansin ko ang ka-group ko na nagmamadali sa pagkilos. Lumapit ako sa kaniya.
"Anong gagawin ko?"
Iniabot niya sa'kin ang list ng ginagawa namin. "Basahin mo at sundin mo ang procedure."
"Tapos?"
Salubong ang kilay niyang tumingin sa'kin. Tapos i-bake mo. "Dalawang flavor ng cake ang isa-sample natin. Kung ano magustuhan ni sir iyon ang gagawin natin."
"Abah! Teka lang! Puro Idea mo ito? Paano naman ang Idea ko?" reak ko. Para kasing naging katulong lang ako niya. Abah! Syempre may idea din naman ako.
Saglit na huminto si Shawn Skyler sa ginagawa niya at humarap sa'kin. "Gawin mo ang gusto mong Idea." Tapos hinablot niya ang papel na ibinigay niya sa'kin.
"Ang sungit nito. Pasalamat ka gwapo ka!"
"Talaga ako ang gagawa makikita mo!" inis kong sagot.
"Siguraduhin mo lang hindi sasakit ng tiyan ng kakain. Baka matulad sa'yo." Nakangising sagot niya.
"BAKIT MO BA PALAGING PINAPAALALA ANG PAGTATAE KO!!" sigaw ko. Nakakainis na kasi e,
Imbes na masindak si Shawn Skyler. Tinitigan niya lang ako at nakakalokong tumingin. "Aware ka ba na Maraming nakatingin sa'yo?"
"Oh-My-Gosh!" natuptop ko pa ang bibig ko dahil kitang-kita ko na nakatingin sila sa'kin. Tumalikod ako kay Shawn Skyler at inabala ko ang sarili ko sa paghahanda ng mga ingridients ko. Hindi ko na nilingon ang ibang mga classmate ko. Mas determinado akong pasarapin at galingan ang naisip kong Idea. Anong akala niya siya ang marunong.
Hindi ko siya kinausap habang nagba-bake kami ng Cake. Para kaming hindi magka-partner dahil hindi kami nag-uusap Unlike doon sa ibang magka-partner naghaharutan pa sila. Kaya naman feeling ko mag-isa lang din ako.
"Piggy besh! Kamusta na yang ginawa mo?" tanong sa'kin ni Loren. Kasama niya si Annaliza. Sila ang magpartner at tapos na sila sa ginawa nilang cake. Kaya pumunta sila sa pwesto namin.
"Malapit na! Lalagyan ko na lang ng design."
"Mukhan masarap!" sagot ni Annaliza.
Ngumiti ako. "Thank you Mga Piggy Besh!"
"Hindi yan! Yung ginawa ni Shawn Skyler. Ayon oh! Design pa lang nakakatakam na." sagot ni Loren.
"True 'yan piggy besh! Parang gusto kong ipuslit mamaya." Sabad naman ni Annaliza habang nakatitig sila sa gawa ni Shawn Skyler.
Sumimangot ako. Akala ko kasi yung ginawa ko ang masarap sa iba pala sila nakatingin. Hindi ko na lang sila pinansin. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa kong pagdedesign sa cake ko. Matapos ang pagba-bake namin. Inilagay lahat ang ginawa namin sa mahabang lamesa na may pitong Judge ang magbibigay ng grades at opinyon. Habang kaming lahat nasa harapan lang nila at hihintayin ang magiging suggestions or Comments nila. Kinakabahan pa ako ng magbigay sila ng comment sa gawa ni Shawn Skler. Walang panget na sinabi ang lahat ng judges. Puro paghanga. Walang dudang magaling talaga siya.
"Okay Class thank you! Sa pag participate niyo. Pwede niyo ng tikman ang a gawa niyo." Narinig kong sabi nila.
Yumuko ako. Hindi kasi nila tinikman ang gawa ko. Hindi ko mapigilang umiyak, effort na effort pa naman ako doon pero kahit sana tikman nila.
"Excuse me judges!" narinig kong sabi ni Shawn Skyler. Huminto sa pagtayo ang mga judges.
"Yes, Mr Santiago." Sabad ng isang professor namin.
"Nakalimutan niyo yatang tikman ang gawa ng Partner ko."
Napatingala ako sa kaniya at nakatitig sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya iyon. Lumingon siya sa'kin at tipid na ngumiti. "Shit! Ang gwapo niya." Umiwas ako ng tingin dahil nahihiya ako sa kaniya. Tapos naramdaman ko ang pag-akbay niya sa'kin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko biglang nanghina ang mga tuhod ko sa pag-akbay niya.
"Gusto naming malaman ang comments niyo. Nag-effort po ang partner ko diyan tapos hindi niyo titikman?" pag-uuyam na sabi ni Shawn Skyler.
Parang bigla naman napahiya ang mga judges at bumalik sila sa kinauupuan nila at tinikman nila ang cake na ginawa ko. Hindi ko napigilan ang lumuha sa kaligayahan.
"Masarap naman ang cake na ginawa mo Miss Weibford. Pero may suggestion ako. Wag mong masyadong dadamihan ng Strawbery. Lalo na kung combine flavor siya. Nawawala kasi ang lasa ng chocolate." Sagot ng isang Judge.
Tumango ako. "Opo!sa susunod po mas aayusin ko na." masayang sabi ko.
Kung ano-ano pa ang naging comments nila. Karamihan halos katulad sa naunang comment ang naging comments nila. Masaya na ako dahil napansin nila ang ginawa ko kahit puro negatives ang comments nila. Ayos lang sa'kin.
"Thank you Shawn." Sabi ko nang makaalis ang mga hurado. Nagliligpit na kami ng mga gamit namin.
"Welcome!" tapos tumalikod na ito at hindi na ako nilingon.
"Haba ng hair! Pakigupit nga piggy Besh ang buhok niya." Narinig kong sabi ni Annaliza. Kasama niya si Loren. Bitbit na nila ang mga gamit nila.
Tipid akong ngumiti. "Hindi naman! Masaya lang ako ngayon."
"Paanong hindi ka magiging masaya. Una sinabi niyang girlfriend ka niya sa crush mong si Andrei Sebastian. Second, pinagtanggol ka niya sa Witch na mga judges na iyon."
Ngumiti ako tapos humarap sa kanila at nagtitili. Tumalon-talon pa kaming tatlo sa sobrang saya. "Ang saya ko mga piggy besh!" sabi ko pa.
"Tumigil nga kayo! Lumilindol!" reklamo ng babaeng classmate namin.
Inirapan lang namin siya tapos nagngitian kaming tatlo. "Let's go mga piggy besh! Magfoodtrip tayo. Libre ko kayo!!" sabi ko pa.
"Ayos yan!" sagot ng dalawa.
Tumawa na lang ako tapos umalis na kami sa classroom namin at nagfoodtrip. Kahit Hindi napili yung gawa ko. Masaya pa rin ako dahil sa nangyari. At si Shawn... kinapa ko ang dibdib ko, ang bilis pa rin ng pagtibok lalo na kapag naalala ko ang ginawa niya kanina."LOVE KO NA BA SIYA?"
BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Teen FictionGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...