Chapter 20

39.2K 1.2K 58
                                    

Chapter 20

Shawn's P.O.V.


"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong sa'kin ni Ella Marie,

Nasa labas na kami ng gate nila, inihatid niya ako sa labas ng gate nila dahil sinabi kong uuwi na ako, matapos kong magtapat sa kanya, ihinatid ko siya sa bahay nila, ilang oras din akong nakipagkwentuhan sa magulang niya na masyadong mabait sa'kin, syempre hindi ko 'yon, pinalampas na magtagal sa kanila gusto ko pa kasing makasama si Ella kahit ilang minuto pa sana, kaya lang sinabi niyang inaantok na siya, kaya naman kahit ayoko pa sanang umuwi napilitan ako, kaya heto ako ngayon hindi pa rin umaalis. Nakahawak pa rin ang kamay ko sa malambot niyang kamay, habang magkatabi kaming nakasandal sa kotse ko.

"Five minutes pa, traffic pa sa dinadaanan ko." Alibi ko.

Humarap siya sa'kin at marahang pinisil ang mukha ko. "Arayy!  Bakit mo ako sinasaktan." Inis kong tanong.

"Kanina ka naka-five minutes, akala mo hindi ko napapansin." Nakataas pa ang kilay niyang sabi.

Hinapit ko ang bewang niya upang mas magdikit ang katawan namin, nakakagulo ng sistema ang pagdampi ng hininga niya sa leeg, para gusto ko siyang kagatin sa leeg niya at pugpugin ng halik. Napalunok ako sa iniisip ko. "Wala na kasi akong makikitang teady bear kapag uwi ko, kaya nilulubos ko na ngayon."

"Ah, gano'n!" kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin. "Kapag naging sexy ako. Hindi kita kakausapin." Sabay irap niya sa'kin.

Napakamot ako ng ulo dahil sa Galit na uli siya sa'kin, kababati lang naming dalawa, galit naman siya, I sighed, mga babae talaga.

Hinawakan ko ang braso niya pero hinahampas lang niya ako. "Babe, naman wag kang magalit, joke lang naman 'yon sa'kin."

Inirapan niya ako. "Galit ako sa'yo!" sabay talikod.

"Ouch!" Hinawakan ko ang dibdib ko.

"Tse! Nagda-drama ka lang diyan."

"Ouch!!" napaupo pa ako, sinadya kong magpanggap na may sakit na nararamdaman upang mawala ang galit niya sa'kin.

"Anong nangyayari sa'yo Shawn?" lumapit siya sa'kin at inalalayan niya ako sa pagtayo, tagumpay ako dahil nawala nga ang galit niya sa'kin at napalitan ng pag-aalala.

"S-sumasakit ang dibdib ko,"

"Oh, my pignesh! tatawagin ko sila Mommy." Tarantang-taranta siyang muling pumasok sa loob ng bahay nila. "Mommy! Daddy! Tulongan niyo kami!" naririnig kong sigaw niya.


"Geez!" hindi ko naman kasi gustong malaman ng parents niya ang pagda-drama ko kay Ella, gusto ko lang sana siyang  mag-alala sa'kin, para magbati kaming dalawa. Ilang segundo lang natatanaw ko na si Ella Marie at ang parents niyang papalapit sa'kin. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang totohanin ang pagpapanggap na may masakit sa'kin.

"A-anong nangyari sa'yo Shawn?" halata sa mukha ng Mommy ni Ella ang pag-aalala sa'kin, bigla tuloy akong na-guilty.

"S-sumakit bigla ang dibdib ko." Sagot ko, habang ang itsura ko hindi na maipinta sa sakit kunwari.

"Dadalhin ka namin sa hospital." Sabi pa ng Daddy niya. Inalalayan pa niya ako sa pagtayo.

"H-hindi na po, magagalit lang sa'kin si Mommy kapag nalaman niyang nasa hospital ako, kanina pa niya kasi ako pinauuwi, hindi ko kasi matiis na hindi ihatid si Ella. D-don't worry po, magiging okay din ako." Alibi ko.

"Hon, ipasok na muna natin siya sa loob ng bahay para makapagpahinga siya saglit. Ella, tulungan mo kaming alalayan siya." Utos ng Mommy niya.

Lihim akong nagbunyi, ngayon alam ko na ang dahilan ni Ate Jhoace at Fritzie Hanna, kapag nagda-drama kay Mommy at Daddy, nakakatuwa pala kapag may napapaniwala sa drama mo.

"Yes, Mommy!" sagot ni Ella,

Nagpa-bigat ako upang magmukha akong walang lakas, dahil sa nanghihina.

"T-thank you!" sabi ko ng paupuin nila ako sa mahaba at malambot na sofa. Sinadya ko pa'ng humiga sa sofa, para mas kapani-paniwala ang arte ko.

"Tatawagin mo Hon, ang personal doctor natin at papuntahin mo dito." Sabi pa ng Mommy ni Ella.

"Honey, di ba, sinabi sa'tin na nasa province siya mula pa noong Sunday?"

"W-wag niyo na po akong intindihin, nawawala rin po ang sakit nito." Sagot ko.

Pinagmasdan nila akong tatlo ako, ako naman lukot na lukot ang mukha dahil sa nararamdamang sakit kunwari.

"Ella, Patulugin mo si Shawn sa kwarto mo, para mabantayan mo siya ng maayos." Ani ng Mommy niya,

"What the pig! Mommy, bakit sa kwarto ko pa? sa kwarto niyo na lang, baka mapuyat ako sa kababantay diyan," reklamo ni Ella.

"Ikaw ang girlfriend, ikaw mag-alaga dapat sa kanya." Aniya

"Ipahatid na lang natin siya sa bahay nila." Sagot ni Ella.

"Ang arte ng girlfriend ko, baka mamaya kapag nasa kwarto na ako gapangin mo ako." Sa isip-isip ko.

"Nakakahiya sa magulang niya, wag ka na makulit ihatid mo siya sa kwarto mo."

"Mommy, ayokong may kasamang lalaki sa kwarto ko."

Pinandilatan ng mata si Ella ng Mommy niya, kaya naman wala itong nagawa kung hindi ang sumunod kahit tutol siya sa gusto ng Mommy niya, inalalayan namang muli ako ng Daddy niya papuntang silid ni Ella Marie.

"Daddy, bakit gusto niyo dito siya patulugin sa kwarto ko, pwede namang sa kwarto ni Kuya!" humahaba pa ang nguso niyang sabi.

"Walang magbabantay kasi sa kanya anak, oh, wag mo'ng samantalahin ang pagkakasakit niya."

"Ako pa! Ako pa talaga!" tinuro pa niya ang sarili niya.

"Oo anak, sige na, goodnight." Sabay alis ng Daddy niya.

Nakatayo siya sa harapan ko at nakapameywang  habang pinagmamasdan niya ako, ipinikit kong mabuti ang mata ko, para hindi mahuli.

"Nag-iinarte ka lang yata Shawn. Gumising ka nga diyan!" halata sa tono ng boses niya ang pagkainis sa'kin.

Hindi ako kumibo, pinanindigan ko na ang pagiging tulog ko. Hanggang sa naramdaman ko ang paglubog ng kama, naramdaman ko rin pagdampi ng balat niya, kaya naman dahan-dahan akong yumakap sa kanya, kunwaring hindi ko alam ang nangyayari.

"Pasalamat ka at may sakit at tulog ka, kung hindi itinulak na kita diyan!" sabi pa niya.

"Pasalamat talaga ako, dahil naniwala kayo, hindi ko sana mararanasan ang matulog sa kwarto mo na magkatabi tayo." Sa isip-isip ko.

Parang uminit ang pakiramdam ko ng maamoy ko ang hininga niya at hindi sinasadyang pagdikit ng hinaharap niya sa bisig ko. "Shit!" Nakapikit ako, pero ang diwa ko ay gising na gising, hindi yata ako makakatulog ng maayos sa ganitong kalagayan ko. I want to touch her and kiss her, kaya lang masyadong pangahas ang iniisip ko.

"Tulog ka nga ba?" narinig kong sabi ni Ella Marie.

Hindi ako sumagot O kahit kumilos, gusto kong panindigan na tulog na talaga ako.

"Alam mo ba Babe, hindi ako makatulog ngayon, kasi first time kong may kasamang ibang tao sa kwarto ko. Tapos ikaw pa ang kasama ko, ang crush ko no'n, pero ngayon boyfriend ko na."

Hindi ko napigilang lumunok at pasimpleng idilat ang isang mata ko. Nakita ko siyang nakatingin sa kisame, mabuti na lang at magagawa ko siyang tingnan ng palihim.


"Hindi naman kita ginayuma para ma-inlove ka sa'kin, kaya hanggang ngayon tinanong ko sa sarili ko, kung paano ka na-inlove sa'kin. Wala talaga akong idea, sana totoo ang lahat ng sinasabi mo at nararamdaman mo sa'kin, dahil lahat ng sinasabi mo at pinapakita mo ay pinapaniwalaan ko. Mahal kita sobra."

"Mahal din kita, Ella."

"Nakakainis! Ang himbing ng tulog mo samantalang ako magkaka-eyebag pa yata dahil hindi ako makatulog, paano ba kumalma kung ikaw ang katabi ko sa kama."

Para akong mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko, matapos niyang sabihin ang lahat, aaminin kong natuwa ako sa sinabi niya, kung pwede lang sanang bigla akong gumising para makausap siya, pero alam kong hindi pwede dahil baka isipin niyang sinadya ko ang lahat ng ito, kahit iyon naman talaga ang totoo, pigil ang paghinga ko ng bigla siyang humarap sa paghiga sa'kin, pakiramdam ko umiinit ang tenga ko, dahil ramdam na ramdam ko ang hininiga niya, "Sweet dreams, Babe." Sabi niya, kasabay nito ang biglang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

"Shit!" napamura pa ako sa isip dahil sa pagkabigla ko. Muntik ko na siyang hilahin palapit sa'kin at ikulong sa bisig ko. Muntik na akong mawala sa pagtitimpi ko, ganito pala ang pakiramdam ng may kasamang girlfriend sa loob ng isang kwarto, sari-saring temptation ang sumasagi sa isip ko, kung hindi ko lang inalala ang salitang Respeto, baka nagpatalo na ako sa kahinaan ko bilang isang lalaki.

Pagkatapos niya akong halikan sa labi, tumalikod siya sa'kin ng higa, habang nakatalikod naman siya nakadilat ang mata ko at nakatingin sa kanya, pinagmamasdan ko ang malapad, ngunit makinis at maputi niyang likod. Ilang minuto lang din akong nagkasya na lang sa panakaw ng tingin, hanggang sa narinig ko ang hilik niya, sa una mahinang hilik lang ang naririnig ko, ngunit habang lumalalim ang pagtulog niya, pahaba nang pahaba ang hilik niya sobrang inga. Tapos, dahan-dahan akong bumangon at umusog ako ng bahagya sa tabi niya upang mapagmasdan ko siyang maigi, habang mahimbing siyang natutulog.


"Hmm.. ang lakas mo namang humilik, Babe. Parang troso ang ingay," napadako ang mga mata ko sa makipot at pulang labi niya, kaya napalunok ako.

"Kahit maging sino ka man, mamahalin pa rin kita. I Love you, Babe." Hindi ko napigilan ang sarili kong haplusin ang mukha niya, gayundin ang ang malambot niyang buhok, napalunok pa ako sa mga naiisip ko. "I'm sorry kung nagsinungaling ako sa'yo, gusto ko lang talagang makasama ka ng matagal, sana wag kang magalit sa'kin." Buuntong-hininga ako, tapos dahan-dahang lumapit ang mukha sa kanya, gusto ko kasi siyang halikan, nang limang pulgada na lang ang pagitang ng labi namin. Bigla itong nagising, namilog ang mga mata niya habang nakatitig siya sa'kin, para akong napako habang hindi ko malaman kung ilalayo ko ang mukha ko sa kanya. "Geez!"

"Waahh!!" Biglang sigaw ni Ella Marie, babangon sana siya upang tumakbo, ngunit pinigilan ko, tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko, wala na akong ibang pagpipiliian, nahuli na ako sa kapangahasan ko.


"SHUT UP!" mahina ngunit mariin kong utos sa kanya.

Pinipilit niyang alisin ang kamay ko sa bibig niya, pero hindi ako nagpadaig. "Stop! I won't hurt you, please listen to me, Babe." Pagsusumamo ko."


Tumango siya sa'kin, kaya naman inalis ko ang kamay ko sa bibig niya,


"Waahhh! Mommy! Daddy!" sigaw ni Ella Marie.

"Ouch!" sumakit ang bewang ko nang bigla niya akong itulak ng tumayo siya, kahit masakit ang bewang ko napilitan akong tumayo upang pigilan siyang lumabas ng kwarto. Hinila ko ang braso niya. at isinandal ko siya sa dingding ng kwarto niya.  "Wag ka nga Over acting, hindi kita gustong pagsamantalahan, lalo na pa ngayon masama pakiramdam ko." Ipinakita ko pa sa kanya ang pagkainis.

"Sinungaling ka, nahuli kitang muntik mo na akong halikan! Kung hindi pa ako nagising baka pinagsamantalahan mo na ako. I hate you!"

"Psh! Nakita mo lang akong nakayuko at nakatitig sa'yo, pagsasamantalahan na agad kita? Siguro gawain mo 'yon kaya ganyan ka mag-isip? Umiwas siya sa'kin ng tingin, sa wakas nahuli ko siya sa bitag ko.

"Ofcourse not!"

"Kaya pala nang magising ako, napansin kong may lipstick ang gilid ng labi ko. Hmm!" nakipagtitigan pa ako sa kanya.

Napangiti ako dahil hindi na siya nakapagsalita, mabuti na lang at nagawa ko siyang baliktarin, dahil kung hindi baka hanggang ngayon naghi-hestirikal na siya, nakakahiyang malaman ng parents niya.

"Sinasabi ko na nga ba, habang tulog ako, pinagsasamantalahan mo ako, ilang beses mo akong ninakawan ng halik?"

Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya at ang pag-iwas ng tingin niya sa'kin. "I-isang beses lang kitang hinalikan sa labi, goodnight kiss lang." halos pabulong niyang sabi sa'kin.

"Really? I don't believe you." Sagot ko pa.

Muli siyang humarap sa'kin. "Isang beses lang. ikaw, bakit ka nakayuko kanina? Nanakawan mo ba ako ng halik? Tanong niya sa'kin.

Tumawa ako ng malakas. "In your dreams, Babe. Hindi ko gagawing halikan ka ng tulog, hindi ako mag-e-enjoy." Sabay kindat ko, dahilan para muling magkulay kamatis ang mukha niya.


Sumimangot siya, "Ang yabang mo, ano ba talaga ang dahilan mo?"

"Nagising ako kanina na sumasakit ang sikmura ko, ginigising kita kaya lang, hindi ka magising dahil ang lakas ng hilik mo, kaya bumangon ako para lapitan ka at sabihin sa'yo, tapos napansin ko sa pisngi mo parang basa, tinitigan ko 'yon ng bigla kang nagising at sumigaw." Alibi ko.

Bigla niya akong tinulak, kitang-kita ko ang mabilis niyang pagpahid sa pisngi niya, gusto kong tumawa ng malakas, pinipigilan ko lang.

"Let's go! Sasamahan kita sa kusina para kumain." Sabi niya habang nakatalikod sa'kin.

Sinadya kong humikab, "Wag na lang, nawala na ang gutom ko, matulog na lang tayo." Bumalik ako sa kama at humigang muli.

"Okay, sige mauna ka na punta lang ako sa comfort room." Tapos umalis na siya, hindi na niya akong hinintay magsalita.

Pigil na pigil ang tawa ko, habang kaharap siya, pero noong nasa loob na siya ng comfort room, tumawa akong mag-isa,  naisahan ko kasi siya. Ha-ha-ha! Pero sayang, hindi ako nakahalik sa kanya.


Tinigil ko ang tawa ko ng lumabas siya sa comfort room, napangiti ako nang maamoy ko siya, amoy toothpaste kasi ang hininga niya.

"Nakakahiya naman sa'yo, kaya nagtoothbrush ulit ako." Humiga siya at tumalikod siya sa'kin. "Matulog ka na ulit." Sabi pa niya.

Tumagilid ako sa pagkakahiga, "Wala ba'ng goodnight kiss." Sabi ko pa.

"Wala na! Napahiya na ako sa'yo."

"Sige na, Babe. Hindi ako makatulog, ang daya mo naman. Ikaw naka-nakaw ng halik sa'kin. Tapos ako nagre-request ayaw mo."

"Matulog ka na nga lang diyan Shawn Skyler." Sabi pa niya.

Bumontong-hininga ako, "Psh! Wala na talagang pag-asa. Makatulog na nga." Tumalikod din ako ng higa sa kanya, tapos pinikit ko ang mga mata ko, makalipas ang ilang minuto naramdaman kong kumilos si Ella Marie, tapos naramdaman ko na lang ang kamay niyang nakayakap sa'kin. Napalunok ako, unti-unti naman kasing nagigising ang init ng pakiramdam ko, lalo ng maramdaman ko ang hininga niyang dumadampi sa leeg ko.

"Wag ka na magalit, pumapayag na ako." Sabi pa niya.

Umikot ako ng higa upang humarap sa kanya, nakita ko ang namumula niyang mukhha na nakatitig sa'kin.

"Kiss me now, bago pa magbago ang isip ko," she said.


Pinagmasdan ko muna siya pagkatapos unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya, tapos hinalikan ko ang sintido niya,  ngumiti ako sa kanya. "Goodnight, I love you." Tapos niyakap ko rin siya.

Magkayakap kaming dalawa, habang natutulog, maraming pagkakataon na pwede kong gawin ang gusto ko, pero pinangako sa magulang ko na magtatapos muna ako ng pag-aaral bago mag-asawa, syempre, gusto ko rin na iharap si Ella Marie sa altar na birhen pa. Sabihin man ng iba na Mabagal ako or bakla ako, para sa'kin kailangang i-respeto ang babaing mahal mo, kaya tama na sa'kin ang kiss, sapat na 'yon para masabing may physical contact kaming dalawa. Naniniwala kasi akong puso ang nakakaramdam ng pagmamahal hindi ang physical na katawan.


MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon