Chapter 36

31.1K 949 115
                                    

Chapter 36

Ella's P.O.V.

Yakap-yakap ko ang malambot na unan habang nakapikit ako. Gising na ang diwa ko ngunit sinisikap kong muling bumalik sa pagtulog. Nakakaramdam pa kasi ako ng antok. Isa pa wala naman akong gagawin ngayong araw.

Habang sinisikap kong makatulog muli. Naamoy ko naman ang mabangong amoy na  nanggagaling sa kusina. Marahil dumating si Kuya Calixto at siya naman ang nagluluto ng almusal namin.

"Hmm... wag mo akong akitin sa amoy ng pagkain mo Kuya," nakapikit pa akong nagsasalita.

Minsan nakakainis na rin ang pagiging mataba at matakaw. Alam mo iyon, natatalo ng gutom ko ang mga bagay na gusto. Katulad na lang ng pagtulog. Hindi ko magawang matulog dahil naamoy ko ang mabangong luto ni kuya. Nagwewelga tuloy ang mga parasite ko sa tiyan. Kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang bumangon at tumakbo sa kusina upang kumain ng masarap na niluto ni Kuya Calixto.

Gulo-gulo pa ang buhok ko nang bumangon ako. Paglabas ko ng kwarto bigla akong nagtaka. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. "Kaninong bahay ito?" sinundan ko ang mabangong amoy.

"Sh*t!" sigaw ko.
Mabilis akong tumalikod upang iwasan ang maagang kasalanang nakahain sa harapan ko. Jusko naman, ang aga-aga naman ng almusal ng mga mata ko. Makita ba naman yummy na Perfect body with six packs abs! May gosh! Naka-full tank na agad ako.

"Good morning, Miss Piggy bank, let's it nagluto ako ng almusal" Pormal na sabi ni Shawn.

"Thank you." Sabi ko nang pinaghila niya ako ng upuan at nilagyan ng pagkain sa plato.

"Kumain ka ng marami walang laman ang tiyan kung hindi alak, Miss Piggy bank."

Okay, cold trearment na siya ulit. He called me again in my pen name as a writer. So I better to act like normal.

Sumubo muna ako ng pagkain at ngumiti sa kanya. "Hindi pa rin kumukupas ang galing mo sa pagluluto, masarap pa rin. Anyway Mr Shawn Santiago.  What happened last night?" nag-flash back lang sa utak ko ay 'yung dinala niya ako rito para sana makapag-usap, pero dahil awkward sa'kin ang tagpo kahapon. Nag-feeling sunog baga ako. Ginawa kong tubig ang liquor.

Salubong ang kilay niyang tumingin sa'kin. "Nagpakalasing ka hindi mo alam ang nangyari? Ganyan ka ba kapag nagpapakalasing walang naalala?" sermon niya.

Sumimangot ako. Parang si Mommy noon sa umaga, pinakakain muna ako ng sermon bago 'yung totoong almusal ko.

"First time kong gawin iyon, Yung magpakalasing."

"Really? Bakit mo naman ginawang uminom ng marami?"

Bigla ko tuloy naalala kung bakit na-trigger akong maglaklak ng bongga...

Inabot niya sa'kin ang mineral water habang nando'n ako sa living room.

"Thanks dito, pero baka magalit ang fiancee mo kalbuhin pa ako."

"Wag kang mag-alala hindi ka niya pagseselosan."

Biglang kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya parang feeling ko. Babagsak ang luha ko dahil sa sobrang sakit.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Okay, gets ko na,"

"Anong gusto mo'ng kainin at inumin maliban diyan sa ininom mo?"

"Meron ka ba'ng  Liquor?" Nakayukong sabi ko sa kanya.

"Bakit hindi ka makatingin sa'kin ng diretso? Ang hirap makipag-usap sa taong nakayuko."

"Nahihiya ako sa'yo." sabi ko.

"Wag kang mahiya sa'kin. Magkaibigan naman tayo di ba?"

Parang may panang tumama sa puso ko kaya duguan siya. Kaya naman bago pa ako umiyak sa harapan niya tumayo ako.

"Saan ang comfort room mo? Sumakit ang tiyan ko."alibi ko.

"Doon sa left side."

"Thanks, pagkatapos tumayo ako at nagtungo sa banyo niya. Sa harap ng malaking salamin binuhos ko ang luha ko, ang sakit na kanina gusto ng kumawala. Ang sakit pa lang makita ang mahal mo na wala ng pagmamahal sa'yo, ang sakit pa lang malamang kaibigan na lang ang turing niya sa'yo?

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon