Chapter 33

31.3K 1K 135
                                    

ELLA MARIE'S P.O.V

"Ella, handa ka na ba?" Tanong sa'kin ni Mommy.

Tumingin ako sa kanya at tumango.

Inayos pa niya ang hibla ng buhok ko na-gulo. Pagkatapos pinagmasdan niya ako. "Anak, sigurado ka ba na hindi ka na magpapasama sa loob?"

"Opo, Mommy."

Bumuntong-hininga si Mommy. "Ikaw ang bahala. Hihintayin na lang kita rito sa labas."

"Opo," tapos bumaba na ako ng kotse. "Babalik lang ako agad," sabi ko pa kay Mommy.

Napagkawala muna ako ng malalim na paghinga bago ako pumasok sa loob.

Nandito ako ngayon sa Bilibid upang dalawin si Mhaika, nalaman na kasi kung sino ang puno't dulo ng lahat ng pagkalat ng sex scandal. Kahapon siya binitbit ng mga pulis. Pagpasok ko sa loob itinuro sa'kin kung saan ako maghihintay. Ilang saglit pa dumating si Mhaika, nakasuot na siya ng kulay kahel na damit.

"E-Ella! Ella... maawa ka sa'kin, ayokong makulong. P-Pakiusap i-urong niyo ang demanda sa'kin." Halos lumuhod siya sa harapan ko.

Dalawang sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya. "B-Bakit mo sa'kin ginawa iyon!"

"G-Ginawa ko lang naman iyon, para layuan ka ni Shawn, ikaw na lang kasi ang palaging nakikita niya. Ikaw na lang palagi ang nasa-isip niya." Nag-uunahang tumulo ang luha niya sa pisngi niya. "B-Bakit ako, hindi niya makita? Bakit hindi niya ako kaya Mahalin? Mas maganda naman ako sa'yo, mas Sexy, mas matalino. Bakit kailangan ko pa'ng gumawa ng kung ano-ano para mapansin niya. Tapos ikaw!" Dinuro pa niya ako. "Ikaw! Ang taba-taba mo, mas malaki naman ang pagkakaiba natin pero sa'yo nakatuon ang buong oras niya ang puso niya sa'yo lang ibinigay. Di ba napaka-unfair!"

Lumunok ako upang pigilan ang luha  ko.

"Hindi mo pwedeng turuan ang puso, Mhaika. Kung tinanggap mo na lang sana noon pa na hindi ka mahal ni Shawn, sana hindi na umabot sa ganito. Ang selfish mo kasi, gusto mo lahat ng gusto mo makukuha mo."

"Dahil mahal ko si Shawn! Mahal ko siya, kaya ko ginawa ang lahat ng katangahan na ito dahil mahal ko siya."

"Pero hindi ka niya mahal, ano nangyari? Nasira ang buhay mo, naghiwalay kami ni Shawn. Naging masaya ka ba? Naging masaya ka ba sa ginawa mo?"

Napa-upo siya at humagulgol ng iyak.
"I...I'm sorry, I-I'm sorry Ella, sana bigyan mo ako ng second chance para makabawi sa'yo, please! I-urong mo ang demanda. Gusto kong mag bagong buhay, please! Forgive me..."

"I-I want to give you another chance. Tapos kalimutan na lang ang nakaraan at isiping isang bangungot ang lahat. Pero hindi kasi ako ang magde-desisyon niyan. Si Andrei at sila Mommy, Daddy."

Lumapit siya sa'kin at lumuhod sa harapan ko. "Pakiusap, Ella. Sabihin mo sa kanilang i-urong ang demanda. Please! Magbabago na ako. Kahit magkano at kahit ano gagawin ko. I-urong niyo lang ang demanda. Ayokong makulong magpapakamatay na lang ako kung makukulong ako."

Tumayo ako at tumalikod sa kanya.
"Susubukan ko."

"Ella, Please!" Habol pa niyang sigaw.

Nagmamadali akong naglakad palabas habang pinapahid ko ang mga luha ko sa pisngi.

"Are you okay?" Tanong ni Mommy sa'kin, nang makasakay na ulit ako ng kotse.

Tumango ako. "Mommy, i-uurong ko na ang demanda kay Mhaika."

"Bakit? Ayaw mo ba'ng pagbayarin niya ang kasalan niya sa inyo?"

"Biktima lang siya ng pag-ibig, ginawa lang niya iyon dahil nagmahal siya. Bukas naman pupunta na ako ng Amerika. Hindi na ako magpapakita sa kanilang lahat. Magbabago na ang buhay ko mula bukas at gusto kong gano'n din ang mangyari sa kanya, sa kanilang lahat. Patuloy na mabuhay at  mangarap."

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon