Chapter 31
Ella Marie's P.O.V.
Malalaking butil ng patak ng ulan ang dumadampi sa aking katawan habang nakaupo ako sa upuang bato na sinadyang pinaganda dito sa plaza. Habang patuloy ang pagpatak ng ulan, patuloy din ang pagpatak ng mga luha ko, hindi ko na alintana ang mga taong napapatingin sa'kin sa tuwing mapapadaan sila sa harap ko.
"Paano ko ito malalampasan? Paano ko mapapaniwalang hindi ako ang nasa video na iyon kung wala akong maalala ng gabing nagpakalasing ako? Paano ko idedepensa ang sarili ko?" paulit-ulit kong tanong sa sarili ko."Ang tanga! Tanga mo kasi Ella!" pinagsasampal ko ang mukha ko. "Tanga! Tanga!" sabay hagulgol ko. "Dahil sa katangahan mo, wala na si Shawn sa'yo, nasira na ang pangalan ng pamilya mo, maging ang school masisira na rin. TANGA!" muli kong sinampal ang sarili ko.
Hindi ko na pinansin ang dalawang babaeng kumaripas nang takbo dahil sa nakita nilang sinasaktan ko ang sarili ko. Siguro iniisip nilang baliw na ako, sana nga nabaliw na ako, 'yung wala akong ibang iniisip na problema. Hindi ko nararamdaman ang sakit.
Tumayo ako at pinunasan ang mukha kong napuno ng mga luha ko.
"Ito lang ang paraan ko para makatakas sa problema ko."Tulala akong naglakad sa kalsada, wala akong ibang nasa isip kung hindi ang makarating sa tulay. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang bulong sa'kin ng isip ko na makarating doon.
Beeepp!
"G*g*! Kung magpapakamatay ka, wag mo akong idamay!" sigaw ng galit na lalaking biglang nag preno nang bigla akong tumawid.
Nilingon ko lang siya pagkatapos nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko alintana ang mga tilamsik ng
tubig sa katawan ko mula sa mga tubig sa kalsada gayon din ang pailan-ilang driver na sumisigaw sa'kin dahil sa gitna ng kalsada ako naglalakad.Ngumiti ako nang makarating ako sa tulay. "I'm free," sabi ko.
Tinanaw ko ang tubig na babagsakan ko. "Siguro naman mamatay na ako kapag tumalon ako diyan,"
"Wag mo na akong bubuhayin kapag bumagsak ako sa'yoo!" sigaw ko sa tubig. Tapos umakyat ako sa tulay upang tumalon na.
"I'm sorry, Mommy, Daddy, binigo ko ka'yo. I'm sorry, Shawn."
Pinikit ko ang mga mata ko upang magsimula na akong tumalon.
"Paalam..."
"A-Anak! Diyos ko, Ella!"
Naramdaman ko ang mahigpit na yakap sa'kin at binuhat ako palayo sa tulay."K-Kuya, Calixto?"
"Ella, wag mo'ng gawin 'yan." Lumuluhang sabi ni Kuya, Calixto.
Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Mommy, Daddy."A-Anak, wag kang magpapakamatay." Umiiyak na sabi ni Mommy.
"E-Ella, nandito kami para tulungan ka." Sabi pa ni Daddy.
Pumalahaw ako ng iyak. Ngayon ko lang naramdaman ang pagiging concern nila sa'kin."I-I'm sorry, I'm sorry, Daddy, Mommy," sabi ko habang humahagulgol ako.
"Don't cry, nandito kami para tulungan ka." Sagot ni Daddy.
"Hindi ko po iyon ginawa," sabi ko.
Inalalayan nila ako patungo sa kotse namin. "Yeah, naniniwala kami sa'yo, wag na wag kang magpapakamatay, please! Anak, wag mo'ng gagawin ulit 'yon." ani Mommy."M-Mommy, wala na po akong nagawang mabuti sa inyo, patawarin niyo po ako."
"Sshh! Wag mo'ng isipin iyon, tutulungan ka namin anak, pagbabayaran natin ang sinumang gumawa ng kalokohan nito sa'yo," sagot ni Mommy.
BINABASA MO ANG
MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1
Teen FictionGwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang pagtatagpuin sila ng isang two hundred ten pounds na babaeng anak ng isang dating beauty Queen? Paan...